^

PSN Showbiz

Lovelife ni Richard, ayaw pakialaman ng nanay

RATED A - Aster Amoyo -
Kapag lovelife ni Richard Gutierrez ang pag-uusapan, tikom ang bibig ni Bisaya (Annabelle Rama) ‘di tulad noong panahon ng kanyang unica hijang si Ruffa Gutierrez na talagang nakabakod siya. 

Ayaw mag-komento ni Annabelle tungkol sa napapabalitang kasintahan ngayon ni Richard na si Georgina Wilson kung boto ba siya o hindi sa dalaga. Ang mahalaga sa misis ni Eddie Gutierrez ay masaya ang kanyang binata at maganda ang takbo ng career nito. 
* * *
Underrated actress na maituturing si Ana Capri na siyang tinanghal na best actress sa ikalawang pagkakataon sa Cinemanila International Film Festival para sa kanyang pelikulang Ala Verde, Ala Pobre ni Briccio Santos. Una siyang tinanghal na best actress ng Cinemanila para sa pelikulang Pila Balde na dinirek ni Jeffrey Jeturian.

Nakapanghihinayang nga lamang dahil kahit marami tayong magagaling na actors at actresses, bibihira naman ang nagpu- produce ng pelikula kaya hindi nama-maximize ang talento ng ating mga artista.
* * *
Sunud-sunod ang TV guestings lately ng dating talent ng ABS-CBN Star Magic na si Hero Angeles sa Kapuso Network. Nag-guest ito nung Huwebes ng umaga sa Unang Hirit at nung nakaraang Sabado sa Startalk. Senyales na nga kaya ito na siya’y malapit nang maging Kapuso. 

Kapag nagkataon, ang pagkawala ni Hero sa Kapamilya Network ay maaaring maging gain ng Kapuso Network tulad ng nangyari kay Dennis Trillo. 

Gumagawa na rin ng pangalan sa GMA ang mga dating ABS-CBN talents na sina Pauleen Luna at Julia Clarete ganundin naman si Cindy Kurleto. Ang isa pang ABS-CBN talent na nakatakdang pumirma sa GMA ay si Aiza Marquez na expired na umano ang kontrata sa dati nitong home studio. 
* * *
Pabalik ng Amerika si Gary Valenciano para sa kanyang second leg of U.S. concert tour. Kung titingnan si Gary ay para itong walang sakit at hindi regular na nagtuturok ng insulin para ma-control ang kanyang sugar sa katawan. Maalaga lang talaga kay Gary ang kanyang wife cum manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano kaya kahit sa mga oras na nalalagay sa peligro ang kanyang buhay ay nariyan si Angeli na patuloy na nakasubaybay sa kanya.

"Angeli practically runs my life, my career and my children," pag-amin ni Gary sa launch ng kanyang unang album sa Star Records.
* * *
Si Gelli de Belen ang ispesyal na panauhin ng Bahay Mo Ba `To sa kanilang pre-halloween presentation bukas ng gabi. Papel ng biyudang si Frida ang gagampanan ni Gelli. Nakita ni Frida si Jonathan (Pekto) na napagkamalan niyang namatay niyang asawa.  Nagselos ang asawa ni Jonathan na si Jessica (Sherilyn Reyes) sa pag-aakalang may ibang babae ito. 

Namatay pala sa aksidente ang asawa ni Frida. Nakita ang katawan ng kanyang mister pero hindi na nakita ang ulo nito. Nang makita ni Frida si Jonathan na kahawig ng kanyang mister, gusto sana niyang kunin ang ulo nito para tuluyan nang matahimik ang kaluluwa ng kanyang namayapang mister.
* * *
Masuwerte ang panganay na anak ng beauty queen-turned actress-businesswoman na si Maria Isabel Lopez na si Mara Isabella Lopez dahil may gagawin itong international movie na pinamagatang Following Rosa ng New York-based independent filmmaker na si Ron Morales.Si Mara ay gaganap sa lead role na Sel, isang Sampaguita vendor.  Isa siyang battered child na sa batang edad ay namulat sa mga masasamang elemento ng lipunan.

Ang Following Rosa ay nakatakdang ilahok sa Sundance Film Festival sa New York. Si Mara  na isang half-Filipina at half-Japanese ay sumusunod sa yapak ng kanyang ina bilang aktres.
* * *
Personal:  Happy birthday sa araw na ito, Oct. 24 kay Crispina Belen ng Manila Bulletin, kay Mario Hernando ng Malaya sa Oct. 25, Vic del Rosario, Jr. ng Viva sa Oct. 26 kay Manny Valera sa Oct. 28 at kay Boy Abunda sa Oct. 29.
* * *
[email protected]

BORDER

CENTER

FRIDA

KANYANG

KAPUSO NETWORK

NEW YORK

SI MARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with