Bold star, balik-Japan matapos maudlot ang kasal
October 23, 2005 | 12:00am
Nagbalik na ng Japan ang sikat na bold star matapos na hindi matuloy ang kasal nito sa isang pulitiko. Nagkita sila sa Japan ng kanyang ex-husband pero hiningan lang niya ito ng sustento.
"Walang nangyayari sa aking career kaya nagtungo na ako ng Japan para sa mga shows. Babalik lang ako ng Pilipinas kapag nakaipon na ng malaking pera," aniya.
Ang Japanese husband noon ng bold star ay may karelasyon ngayong Russian.
Nakakwentuhan namin si Jess Lapid Jr. swimming at scuba diving instructor ni Angel Locsin nang magkaroon ito ng diving lesson noong Huwebes.
Itoy bilang paghahanda sa isang eksenang gagawin sa Darna kung saan malulunod sa dagat si Narda at magkakaroon ng under water fight scenes.
Kumusta naman ang pagtuturo ni Jess kay Angel?
Madali siyang turuan at mabilis na natuto dahil naa-absorb niya lahat ang aking mga instructions. Matapang din siya at di takot kahit magtagal sa ilalim ng tubig. Siguro malaking factor ang pagiging swimmer niya noon," anang dating aktor.
Malalim din ang swimming pool (10 feet) pero excited ang aktres habang ginagawa ang pagsasanay.
"Kung kampante ako habang nakasabit sa harness ay mas kampante ako habang nasa tubig. First time akong tinuruan ng scuba diving," sey ng aktres.
Nasa elementarya at high school pa lang si Angel ay magaling na swimmer na ito dahil ipinadadala siya ng bansa sa mga swimming competition sa abroad gaya ng Hongkong, Japan at Germany. Ang kanyang daddy ay isa ring swimmer at swimming instructor. Galing si Angel sa pamilya ng mga professional swimmers.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag nito na hanggang ngayon ay nakatungtong pa rin ang kanyang paa sa lupa at never na lalaki ang ulo. Nag-mature na ito at ayaw na ngang mag-comment tungkol sa pagkakaiwan ng eroplano papuntang Davao pero pinilit naming hingin ang kanilang paliwanag sa pamamagitan ng kanyang handler.
"Galing ng syuting ng Mulawin si Angel at alas-dose na ng gabi nang makauwi ng bahay. Hindi na ito natulog at siya pa ang nanggising sa mga kasamahan ng alas-tres ng madaling-araw kung saan bihis na ito. Nakarating sila ng airport bago mag-4:20AM na siyang call time. Nakapasok naman sila sa loob ng airport kaya lang hindi na sila na-accommodate para mag-check-in dahil hindi nila (Angel at handler) hawak ang ticket na nasa ibang kamay." Sinabi ng aktres na di niya sinasadya kung di siya nakasama sa eroplano.
Sa presscon ng Private Parts ay nakakwentuhan namin si Ynez Veneracion. Tinanong namin kung may rich Papa ba siya kaya nakapagpatayo ng 10-million worth ng bahay sa Pasig Greenwoods.
"Hindi po totoo yan. Pinaghirapan ko po at yan ang kinita sa aking mga shows sa Guam, Japan at Dubai kung saan tumagal ako sa bawat lugar ng one month. Siyempre po dolyares ang kinita ko sa Guam at lapad naman sa Japan. Ngayon ay masaya ako dahil maibibigay ko na sa aking mama at apat na kapatid ang kaginhawahan sa buhay. Wala na po akong ama kung kaya ang buong atensyon ko ay para sa kanila.
Tinanong namin kung ano ang role niya sa Private Parts. Siya si Agnes de Dios, isang suicidal "ST Queen" na napaglipasan ng panahon. Nagbiro pa nga ito na parang totoong buhay niya ito dahil noon ay nagtangka rin siyang magpakamatay dahil sa pagkabaliw sa pag-ibig noong time na nagsasama pa sila ni Mon Confiado.
Ang Private Parts ay prodyus ng ATD Entertainment Productions na sinangkapan ng masasayang kanta, sayaw, orihinal na tugtog at maraming katatawanan.
Natawa kami nang makita ang poster ng Private Parts at tinanong kung bakit siya nakasama rito.
"Bakit wala ba akong karapatang magpakita ng aking katawan?"
Nakakaloka nga ang papel ng komedyanteng si Vangie dahil ginampanan nito ang papel ni Rosary Valencia, isang dating sikat na bold star noong 60s na naging kabit ng kung sinu-sinong pulitiko, drug lord at jueteng lord na ngayon at isa nang matrona.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended