^

PSN Showbiz

Reggie Curley, kapareha si Ruffa Gutierrez

-
Napakabuti ng taong ito kay Reggie Curley. Tumanggap siya ng maraming papuri sa pagganap niya bilang Steve sa pelikulang Mga Pusang Gala. Matagumpay din ang pagpasok niya sa larangan ng pag-awit. Ang kanyang grupo, ang Barako Boys ay gumawa ng kanilang debut album sa ilalim ng BMG Records at tinangkilik ng mga mamimili.

Sa telebisyon, kamakailan ay pumasok si Reggie sa toprating soap ng GMA na Sugo. Siya ay si Wakal, ang ganap na mandirigma na asawa ni Ruffa Gutierrez.

"Isang karangalan ang makatrabaho si Ruffa, hindi ko na-imagine na gaganap ako bilang kanyang asawa sa telebisyon," sabi ni Reggie. "Nasisiyahan ako sa mga fight scenes na ginawa namin ni Richard Gutierrez. Ako mismo ang gumawa ng sarili kong stunts," kumpisal ng aktor.

Pagpasok pa lamang ng taong ito, si Reggie ay nakasama sa cast ng Saang Sulok ng Langit, ang toprating soap ng GMA. Sa entablado, sa pangalawang pagkakataon (ang kanyang unang pagsabak ay sa highly successful na Temptation Island ilang taon na ang nakalipas) ay nagbabalik siya via All About Men 2, sa ilalim ng direksyon nina Joel Lamangan at Mel Chionglo. Ano pa ba ang susunod sa dating model na ngayon ay isa nang dramatic actor?

Sa kasalukuyan, nagso-shooting si Reggie ng Shake Rattle and Roll 2005, kasama sina Ogie Alcasid at Ara Mina at Blue Moon ng Regal Films para sa MMFF.

vuukle comment

ALL ABOUT MEN

ARA MINA

BARAKO BOYS

BLUE MOON

JOEL LAMANGAN

MEL CHIONGLO

MGA PUSANG GALA

OGIE ALCASID

REGGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with