Cherry Cornflakes, di pwedeng kainin!
October 21, 2005 | 12:00am
Hindi sila promo ng isang breakfast cereal. Naisip lamang nila ang pangalang ito na isang magandang simula ng isang araw, tulad din ng magandang simula ng kanilang grupo.
Wala pang isang taon ang grupong Cherry Cornflakes. Unang naisip nilang pangalan ay Gumamela Cornflakes na siyang gusto ng kanilang bokalista at nag-iisang babae sa grupo na si Cherry Simangan. Natural outvoted siya ng tatlo niyang kasamahan na sina Archie Simangan (bassist), Marco de Leon (guitarist) at Paolo Parcalla (drummer). Cheap daw ang pangalang gusto niya, kaya naging Cherry Cornflakes sila.
May sellf-titled album sila sa Galaxy Records na naglalaman ng 11 awitin. Kabilang dito ang "Paraiso", isang original song at hindi revival ng awitin ng Smokey Mountain. Ito ang unang single na inilabas mula sa album. Ang iba pang cuts ay ang "Butterfly", "I Crush You", "Wordplay", "Margarita", "Crave" at "On Paper".
Sina Archie at Cherry ang sumusulat ng lahat ng awitin ng grupo. Hindi sila magkapatid kahit magkapareho sila ng apelyido. Galing sila sa duetong Jam & Jive na nagkaron na rin ng album bago sila nagpasyang mag-banda.
Nagsisimula nang maging in demand ang mga bagets nating stars sa mga anime. Si Iya Villania naman ang kinuha ng Rose Online bilang endorser.
Makikita siya sa lahat ng marketing campaign ng kumpanya at siya rin ang kakanta ng Rose Online theme na "Good To Be Me", komposisyon nina Pikaso at Kim Fabros. Bilang endorser, makikita si Iya sa kasuotan ng ibat ibang character ng Rose (Rush On Seven Episodes) fully three dimensional Online Games na napaka-popular na ngayon na online game kahit tatatlong buwan pa lamang ito sa Pinas. Ipinakilala ito sa bansa ng Level Up, Inc., ang kumpanya na nagdala rin dito ng Rognarok Online.
Personal na ilulunsad ang Rose Online sa Okt. 29 sa Glorietta 4 Dolphin Park sa Makati. Tampok ang finals ng Search For Rose It Girl, Rose Cosplays, Fan Art at Cheerdance Competition. Ang event ay tatawaging Rose Bash.
Tuluyan na kayang mamatay si Pirena (Sunshine Dizon) sa seryeng Encantadia, GMA7, Lunes hanggang Biyernes? Ayaw ni Lira (Jennylyn Mercado), kaya hihingi siya ng tulong kay Cassiopea (Cindy Kurleto) para buhayin ito.
Lalambot naman ang puso ni Danaya (Diana Zubiri), di niya kakayaning magmatigas sa mahal na kapatid.
Magigimbal naman si Amihan (Iza Calzado) nang nalaman na siya ang pumaslang sa kapatid sa pag-aakalang si Hagorn ito.
Gagawa ng paraan si Lira para mapagbati ang nag-aaway na mga Sanggre. Malalaman din niya mula kay Cassiopea ang paraan para mabuhay muli si Pirena.
Ma-drama ang pagtatapos ng linggong ito sa Encantadia. Pero, maaksyon din kaya huwag na di subaybayan.
Naglabas na ng "Tunog Kapuso" album ang GMA Records na kung saan ay pinagsama-sama ang mga awitin ng primetime teledrama tulad ng "Narito ang Puso Ko", "Ang Iibigin Ay Ikaw" hanggang sa mga programa ng News and Public Affairs na Pinoy Abroad at Wish Ko Lang.
Kasama rin ang "Asa" ng South Border mula sa Sugo, "Mahiwagang Puso" ng Encantadia, "Di Na Mag-iisa" ni Jonalyn Viray mula sa Darna at "Ikaw Nga" muli ng South Border mula sa Mulawin. Kasama rin sa "Tunog Kapuso" sina Kyla, Jolina Magdangal, Bayang Barrios at Lani Misalucha.
Sana di totoong malalansag na ang magaling na grupong The Company dahil ang isa sa myembro na si Andrei ay pupunta na ng Amerika at si Reuben ay magsosolo na. After 20 years, ngayon pa ba sila maghihiwalay?
Bilang pagdiriwang ng kanilang 20th year, naglabas ang Viva Records ng "The Company The Anthology". Ang Disc 1 ay naglalaman ng 79 minuto na audio materials ng grupo. Mapapakinggan dito ang mga magaganda nilang awitin released at unreleased. Ang Disc 2 ay nagtatampok ang kumpletong videography ng grupo. May kasama ang package ng limited edition na 44-page book na mga larawan nila through the years.
Kabilang sa songs na papakinggan ay ang "Everlasting Love", "Now That I Have You", "Muntik Na Kitang Minahal" at "Pakisabi Na Lang" at ilang cover versions.
Bukas, premiere night ng Ispiritista: Itay May Moomoo sa SM Megamall Cinema 3, 5NH. Dadalo ang cast ng movie Vic Sotto, BJ Tolits Forbes, Cindy Kurleto, Jose Manalo, Wally Bayola, Gladys Guevarra at marami pang iba. Mga 100 silya ang nakareserba para sa mga orphaned children.
Wala pang isang taon ang grupong Cherry Cornflakes. Unang naisip nilang pangalan ay Gumamela Cornflakes na siyang gusto ng kanilang bokalista at nag-iisang babae sa grupo na si Cherry Simangan. Natural outvoted siya ng tatlo niyang kasamahan na sina Archie Simangan (bassist), Marco de Leon (guitarist) at Paolo Parcalla (drummer). Cheap daw ang pangalang gusto niya, kaya naging Cherry Cornflakes sila.
May sellf-titled album sila sa Galaxy Records na naglalaman ng 11 awitin. Kabilang dito ang "Paraiso", isang original song at hindi revival ng awitin ng Smokey Mountain. Ito ang unang single na inilabas mula sa album. Ang iba pang cuts ay ang "Butterfly", "I Crush You", "Wordplay", "Margarita", "Crave" at "On Paper".
Sina Archie at Cherry ang sumusulat ng lahat ng awitin ng grupo. Hindi sila magkapatid kahit magkapareho sila ng apelyido. Galing sila sa duetong Jam & Jive na nagkaron na rin ng album bago sila nagpasyang mag-banda.
Makikita siya sa lahat ng marketing campaign ng kumpanya at siya rin ang kakanta ng Rose Online theme na "Good To Be Me", komposisyon nina Pikaso at Kim Fabros. Bilang endorser, makikita si Iya sa kasuotan ng ibat ibang character ng Rose (Rush On Seven Episodes) fully three dimensional Online Games na napaka-popular na ngayon na online game kahit tatatlong buwan pa lamang ito sa Pinas. Ipinakilala ito sa bansa ng Level Up, Inc., ang kumpanya na nagdala rin dito ng Rognarok Online.
Personal na ilulunsad ang Rose Online sa Okt. 29 sa Glorietta 4 Dolphin Park sa Makati. Tampok ang finals ng Search For Rose It Girl, Rose Cosplays, Fan Art at Cheerdance Competition. Ang event ay tatawaging Rose Bash.
Lalambot naman ang puso ni Danaya (Diana Zubiri), di niya kakayaning magmatigas sa mahal na kapatid.
Magigimbal naman si Amihan (Iza Calzado) nang nalaman na siya ang pumaslang sa kapatid sa pag-aakalang si Hagorn ito.
Gagawa ng paraan si Lira para mapagbati ang nag-aaway na mga Sanggre. Malalaman din niya mula kay Cassiopea ang paraan para mabuhay muli si Pirena.
Ma-drama ang pagtatapos ng linggong ito sa Encantadia. Pero, maaksyon din kaya huwag na di subaybayan.
Kasama rin ang "Asa" ng South Border mula sa Sugo, "Mahiwagang Puso" ng Encantadia, "Di Na Mag-iisa" ni Jonalyn Viray mula sa Darna at "Ikaw Nga" muli ng South Border mula sa Mulawin. Kasama rin sa "Tunog Kapuso" sina Kyla, Jolina Magdangal, Bayang Barrios at Lani Misalucha.
Bilang pagdiriwang ng kanilang 20th year, naglabas ang Viva Records ng "The Company The Anthology". Ang Disc 1 ay naglalaman ng 79 minuto na audio materials ng grupo. Mapapakinggan dito ang mga magaganda nilang awitin released at unreleased. Ang Disc 2 ay nagtatampok ang kumpletong videography ng grupo. May kasama ang package ng limited edition na 44-page book na mga larawan nila through the years.
Kabilang sa songs na papakinggan ay ang "Everlasting Love", "Now That I Have You", "Muntik Na Kitang Minahal" at "Pakisabi Na Lang" at ilang cover versions.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended