Pinoy favorite movie daddy
October 20, 2005 | 12:00am
Tulad ni FPJ na nakilala sa mga pambatang pelikula, mga bata rin, kasama na ang parents nila, ang puntirya ni Vic Sotto sa lahat ng pelikula niya. At kahit anong role ang gawin niya, lahat ng nakakapanood sa kanya ay gustong maging daddy siya sa tunay na buhay. Tulad ni BJ "Tolits" Forbes na tatay na ang tawag sa kanya simula nang mag-appear silang mag-ama sa pelikulang Ispiritista: Itay May Moomoo, isang co-prod venture nina Mother Lily ng Regal at Tony Tuviera ng TAPE. Inc. Si Vic ay isang ama na kailangang makuhang muli ang paggalang ng kanyang anak na si Tolits na nahuli nitong namemeke na nakakakita ng multo gayong hindi naman.
Sa tunay na buhay, walang ganitong problema si Vic sa kanyang mga anak na sina Danica, Oyo Boy, Paulina at Vico. Magkakaiba man ang kanilang moms, napag-iisa ang apat ng kanilang pagmamahal sa kanilang ama.
Gaano man kakulay ang buhay ni Vic, mas gusto niyang pag-usapan ang kanyang mga anak at ang mga accomplishments nila sa kanilang murang gulang at si Tolits na hinahangaan niya ang husay bilang isang aktor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am