^

PSN Showbiz

Rochelle, kontrabida ng 2 kasamahang baguhan

-
Magagaling na artista ang gumaganap ng dalawang anak ni Glydel Mercado sa GMA’s Pitong Maria na sina Jovel at Danielle, kilalang DJ Bomb Girls.

Hindi sila nagpabaya dahil ayaw nilang malamon sa eksena ng mga kasamang batikang artista. Tiyak kung hindi nila paghahandaan ang mga eksena nila ay madadale silang tiyak at maiiwanan ng mga ito. Bini-build up ng Focus E, Inc. ang DJ Bomb na siya ring kumanta ng theme song ng Daisy Siete.

Masaya ang grupo tuwing taping. On time sila palagi dahil nahihiya sila kay Glydel at Manay Celia Rodriguez na nauuna pa sa kanila. "Hindi naman nagagalit si Manay, kaso parang nakakahiya dahil kung sino pa yung magaling, sikat at premyadong aktres siya ang unang dumarating sa location site.

"Mabait si Tita Celia. Nagkasundo kami habang nagtataping," kwento ni Glydel. Ilusyon din niya dati na makasama si Manay, kundi man sa pelikula, sa mga TV o teleserye kaya. At hindi naman nagtagal, dumating ang pangarap. Kinuha siya ng producer ng Focus E. Inc., Joy Cancio para gumanap bilang asawa ng anak ni Manay, si Richard Quan. Karengkeng sa lalaki ang papel niya rito.

Gulat din sila sa dami ng damit na ginagamit ni Manay sa taping. Hindi siya nag-uulit ng damit. Disiplina sa katawan ang natutuhan ng mga kasama sa kanya. Kung gusto mo raw marating at matupad ang lahat ng pangarap mo, dapat pairalin sa katawan palagi ang disiplina. First time kontrabida si Rochelle Pangilinan pero bida rin ang category sa istorya. – VIR GONZALES

BOMB GIRLS

CELIA RODRIGUEZ

DAISY SIETE

FOCUS E

GLYDEL

GLYDEL MERCADO

JOY CANCIO

MANAY

PITONG MARIA

ROCHELLE PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with