^

PSN Showbiz

Hiwalay na pero, nagtutulungan pa!

RATED A - Aster Amoyo -
Maipapalabas na rin sa wakas ang pelikulang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa na dinirek ni Willy Milan sa ilalim ng Cine Suerte.  Tampok sa pelikulang ito sina Mikey Macapagal Arroyo, Ethel Booba, Katrina Halili, Mike ‘Pekto’ Nacua, Anna Leah Javier, John Apacible, Salbakuta, Biliran congressman Gerry Boy Espina at marami pang iba.  Showing ang nasabing pelikula ngayong Miyerkules, October 19.   

Ang pelikulang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa ay unang pelikula ng singer-TV host-comedienne na si Ethel Booba kaya  excited ito sa nasabing project. Very cooperative din sa promo ang binatang kongresista na si Gerry Boy Espina na unang pumasok sa showbiz nung siya’y sampung taong gulang pa lamang sa pamamagitan ng Kaluskos Musmos.    

Samantala, hindi ikinakaila ng batang kongresista ang kanyang paghanga kina Toni Gonzaga at Cindy Kurleto.  Nasa tamang edad na rin si Gerry Boy para lumagay sa tahimik.
* * *
Masaya ang naging celebrasyon ng ika-sampung taong anibersaryo ng Startalk. Bukod sa  raffle, nagkaroon pa ng games na sinalihan ng mga dumalong entertainment press.  Sina Lorna Tolentino at Butch Francisco ang nagtulong sa paghu-host habang abala si Lolit Solis sa pakikipag-tsikahan sa ibang entertainment writers.       

Nangako ang Startalk team na lalo pa nilang pag-iibayuhin ang programa sa susunod pang mga taon at kanilang paninindigan ang kanilang pagiging consistent top-rater.
* * *
Bagong karagdagan si Lea Salonga sa mga celebrity preggies na kinabibilangan nina Tootsie Guevarra, Sunshine Cruz, Precy Vitug-Ejercito, Harlene, Karla Estrada, Suzy Entrata at iba pa.   

First baby ni Lea at ng husband niyang si Robert Chien ang kanyang ipinagbubuntis ngayon na nakatakda niyang isilang mid next year. 

Kahit buntis na si Lea ay patuloy pa rin ito sa kanyang pagku-concert sa iba’t ibang lugar sa Amerika.  Nakatakda rin siyang magtanghal dito sa Pilipinas ngayong Disyembre.   

Ang mag-asawang Lea at Robert ay sa Los Angeles, California na naka-base.
* * *
Matagal nang hiwalay ang dating magkasintahang Ynez Veneracion at Mon Confiado pero nananatili pa ring close na magkaibigan ang dalawa.  Katunayan, tinutulungan pa ni Mon si Ynez sa pagpapagawa nito ng bagong bahay.  Si Mon din ang nag-convince kay Ynez na umuwi na ng Pilipinas dahil nakakalimutan na siya rito dahil parati itong nasa ibang bansa. May suspetsa kami na mahal pa rin ni Mon ang dating kasintahan dahil naroon pa rin ang concern nito.  Masinop si Mon sa pera at siya ang nagturo kay Ynez kung paano i-handle ang perang kanyang kinikita.
* * *
Personal:  Congratulations and best wishes sa aking pamangkin na si Diana Tapia at Tito Alvarez na ikinasal nung nakaraang linggo sa Fernwood sa Quezon City.  Si Diana na isang nurse at accountant naman si Tito ay parehong naka-base na sa Amerika. Umuwi lamang sila ng Pilipinas para dito magpakasal.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

CENTER

ETHEL BOOBA

GERRY BOY ESPINA

PASAWAY KA PA

PILIPINAS

SABLAY KA NA

YNEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with