^

PSN Showbiz

Biglang sikat si Coco Simon!

- Veronica R. Samio -
Kung hindi pa dahilan sa pelikula niyang Masahista na bagaman at may maselang tema at maituturing na isang sexy film ay baka mahirapan sumikat bilang artista si Coco Martin. Pero dahilan sa nanalo ito ng Golden Leopard Award (Video Category) sa 58th Locarno International Film Festival (Agosto 6-14, 2005) sa Switzwerland ay biglang nagkainteres ang marami na makilala ang bida ng pelikula. Ang interes sa kanya ay mas malala pa kesa sa nung sabihin ni Katherine Luna, isang kasamahan niya sa pelikula, na siya ang ama ng isinilang nitong anak.

At marahil kung maulit ng Masahista ang pananalo nito sa mga iba pang sasalihan nitong international filmfests sa abroad ay baka bigla ay maging made na si Coco bilang aktor. Kasali rin ang Masahista sa Vancouver International Filmfest (Set. 29-Okt. 14), Chicago IFF, USA (Okt. 6-20), Thessaloniki IFF sa Greece (Nob. 18-27), Flanders & Ghent IFF sa Belgium (Okt, 11‘-12), Vienna IFF sa Austria ( Okt. 14-26), Sao Paolo IFF sa Brazil (Okt. 21-Nob. 3), 15th Ljublhana IFF sa Slovenia (Nob. 17-24), Hongkong IFF (Nob. 17-27), 2005 Tallin IFF sa Estonia (Nob. 24- Dis. 11) at Buenos Aires IFF. Whew!

Nagulat ako nang una kong makita si Coco dahil mukhang totoy siya, at medyo may kaliitan sa kanyang height na 5’6". Sinabi niya na nakuha na siya nun sa Star Circle Batch 9 pero mas pinili niyang bigyan ng pansin ang kanyang pag-aaral.

Nakatapos na siya ng kursong HRM sa NCBA nang mag-audition siya para sa Masahista. "Marami kaming nag-audition pero mukha raw akong inosente na siyang kailangan sa role.

"Apat na araw akong nag-audition, pinagbasa ako ng script at pinagsalita ng Kapampangan. Kampampangan ako pero, di ako fluent. Pinag-workshop ako nang mapili na ako, pinakuha ng seminar tungkol sa pagmamasahe at pinag-obserba sa mga massage parlor.

"Hindi naman ako nahirapan sa pelikula dahil magaling ang direktor namin, talagang tinulungan niya ako sa mga eksena ko.

"Overwhelming ang resulta ng pelikula, lalo na sa akin dahil gusto ko lang mag-artista pero, di ko inaasahan na magiging bida kaagad ako sa isang pelikula na agad nanalo sa abroad.

"Ngayon, may offer ako para sa isang suspense film. Ngayon pa lamang ay excited na ako dahil ibang genre naman ito at inaasahan ko na magiging katulad din ito ng Masahista na nung una ay parang ayaw ko pang ipapanood sa pamilya ko dahil hindi nila alam yung mga maseselang eksena na ginawa ko. Pero, ngayon ako pa ang nagyayaya sa kanilang panoorin ito," pagtatapos ni Coco.
* * *
Ikinasal na raw si Aiko Melendez sa kanyang bf na si Martin Jickaine sa isang civil wedding na ginanap sa isang hotel at ginanap ng mayor ng Malay, Aklan na si Mayor Ciceron Cawaling.
* * *
May isang pelikula na dapat nating mapanood dahil nagtatampok ito ng mga never before seen Vatican footage and rare family photos of Pope John II. Ito ay ginawa ng legendary filmmaker na si Robert Evans, kilala sa kanyang mga mega films tulad ng The  Godfather at Chinatown.

Ang pelikula ay kinumisyon ni Archibishop Hannon ng New Orleans at ibinigay na regalo sa namatay na Papa. Hindi rin ito ginawa ni Robert Evans for mass distribution pero, dahilan sa kanyang pagpanaw, ipinasya ng Vatican na palaganapin ang mensahe ng Papa sa nasabing pelikula.

Pinamagatang The Power of Faith, may intro ito ni Pam Tan at musical performance ni Donna Summer. Animnapung minuto ang tagal nito at nilagyan ng original score ni Yanni.
* * *
E-mail: [email protected]

AIKO MELENDEZ

AKO

ARCHIBISHOP HANNON

IFF

MASAHISTA

OKT

PELIKULA

ROBERT EVANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with