^

PSN Showbiz

Aiai at mga anak, sa Cyprus magpa-Pasko!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Isa sa bida ng Shake Rattle and Roll 2K 5 si Aiai delas Alas sa episode ng Halimaw sa Poso at naniniwala ito sa multo dahil mayroon pala siyang third eye. May narinig siya noon sa dressing room na umiiyak kaya pinasarhan na nito ang third eye. Nagpakamatay pala ang umiiyak na babae na nagparamdam sa kanya.

May mga white dwarfs sa kanyang bahay sa North Suzana at kinakausap din niya ang mga dwende. Kaya lilipat na siya sa bagong biling bahay ngayong Enero.

Pero excited ito sa pagkukwento na magiging memorable ang kanilang Pasko ng mga anak dahil dun sila sa Cyprus magseselebrayt ng Holiday Season. May concert kasi sila ni Allan K. doon.

May bago itong show titled I Love You Lucky na sisimulan ngayong October 22 sa ABS-CBN. Inamin din ng komedyante na nami-miss niya ng husto si Arnel Ignacio na abala ngayon sa kanyang wig business.
Pinakamalungkot Na Kaarawan
Naging tahimik lang ang selebrasyon ko ng aking kaarawan sa piling ng pamilya sa taong ito. Masakit din dahil ang pinakamamahal kong ama ng tahanan ay wala na. Wala na ang kanyang pagbati, umaga pa lang ng aking birthday at wala na rin ang pag-aalala kung saan ka galing kapag ginabi ng uwi.

Ganun pala yun habang tumatagal, mas masakit ang nararamdaman ko dahil nangungulila kami sa taong mahal namin lalo na at sobra akong napalapit sa aking namayapang ama. Pero alam kong narito lang siya sa tabi namin at maligaya siya sa kabilang buhay dahil maganda ang kanyang pagpaparamdam sa amin. Nang lumabas ako ng aking kwarto noong kaarawan ko ay super bango ang aking naamoy sa may pintuan at alam kong nariyan pa siya sa tabi ko. Papa’s girl kasi ako.

Lagi kong ipinagdarasal na sana’y masaya siya sa kanyang kinaroroonan. Marahil totoo nga ito dahil one time, dinasal ko kay Lord na bigyan ako ng sign na mga yellow roses pagpapatunay na masaya siya sa kabilang buhay. Would you believe nang dumalo ako ng isang presscon ay napaupo ako sa isang mesa nang di sinasadya na puro yellow roses ang nakalagay sa vase.

Pero di pa naman tapos ang pag-ikot ng mundo. Nariyan pa si Inay na magbibigay pa sa amin ng gabay at lakas ng loob kahit iniwan na kami ni itay.
Salamat Sa Pag-Aalala
Gusto kong pasalamatan ang mga taong nakaalala sa aking kaarawan lalung-lalo na si Ms. Amalia Fuentes na nagbigay sa akin ng birthday lunch sa Cabalen West gayundin si Wilson Tieng at mga kapamilya sa Solar-UIP, kay Selena de Venecia, Luke Pasiliao, Cecile Tiu, Nicole Castillo, Nelia Lim at mga alagang sina Juan Rodrigo, Marri Nallos at Beth and Angelica Jones.

Salamat din sa pagpunta sa aming opisina sa Solar-UIP ni Dennis Trillo at manager na si Popoy kahit abala sa syuting at taping ang aming kaibigang aktor, mga pagbati nina Ara Mina, Angel Locsin at mga kaibigan sa media na sina Nap Alip, Arthur Quinto, Vinia Vivar, Reggee Bonoan, Dennis Aguilar, Virgie Balatico, Ben dela Cruz at Crispina Belen. Salamat din sa pamilya ko sa Pilipino Star Ngayon lalo na kay Rowena del Prado at mareng Rose Monsura.
Blind Item: Nagdi-Date Na Ang Sikat Na Aktor-TV Host At Aktres
Iba ngayon ang aura ng isang sikat na sexy actress dahil in-love ito sa isang actor/TV host. Sweet na sweet ang dalawa nang makitang kumakain sa isang restoran.

Magkasama ang dalawa sa isang TV show kaya marahil dun na-develop ang aktor na pumasok din sa pulitika at na-in love sa aktres na naging nobya noon ng sikat ding actor.

ALLAN K

ANGEL LOCSIN

ANGELICA JONES

ARA MINA

ARNEL IGNACIO

ARTHUR QUINTO

BLIND ITEM

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with