Wala munang sex sina Ethel at Alex
October 18, 2005 | 12:00am
Inamin ni Ethel Booba, sa presscon ng Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa ng Cine Suerte na nagtatampok bukod sa kanya kina Mikey Arroyo, Katrina Halili, Salbakuta, Anna Leah Javier, Renee Summers, John Apacible, director Al Tantay at sina Cong. Gerry Boy Espina, Cong. Roger Mercado, Cong. Teng ng Sultan Kudarat, Cong Miranda ng Isabel at Cong. Antonino ng Nueva Ecija, na balikan na sila ng kanyang boyfriend na si Alex Crisano. Dalawang linggo nang di natutulog sa bahay niya ang boyfriend simula nung mag-decide silang mag-cool off. Umalis si Alex ng bahay niya pero hindi nito dinala ang dalawang anak at iniwan pa rin sa kandili ni Ethel.
Napaka-simple ng pinag-ugatan ng paghihiwalay nila, nagsimula lamang nang dumating si Ethel ng bahay at makita na nakatayo na ang kanilang Christmas tree.
Nasabi lamang niya kay Alex na ito na marahil ang magiging pinaka-malungkot niyang Pasko dahil wala ang kanyang pamilya. Nang sinabi ni Alex na di siya dapat malungkot dahil pamilya naman sila pero, sinagot niya ito na di niya ito pamilya kundi boyfriend lang. Nagdamdam si Alex. Yun lang.
After two weeks, balikan na sila, puma-pasyal-pasyal na naman ng bahay niya ang nobyo. "Pero, hindi kami live in at wala munang sex, tama na yung kaibigan muna kami. Gusto ko maghintay siya kung kailan ko gustong mag-live in kami muli," sabi ng sexy TV host.
May bagong craze sa sportslandia. Ito ang paintball na kinahuhumalingan din sa kasalukuyan nina Eula Valdez, Richard Gomez, Sen. Bong Revilla, ang pamilya Eigenmann at si Robin Padilla na inarkila ang buong Clark Field para makapagpatayo ng isang paintball practice.
Marahil nagtataka kayo kung ano ang paintball?
Ito ay isang parang larong taguan na medyo complicated dahil maraming gamit o gadgets na kailangan. Kailangan ng marker (baril), hopper (lalagyan ng bala), tank, harness, atbp. Isa itong wargame na kailangan mong makuha ang dalawang bandera sa hulihan ng laro. May time limit na kinakailangan, mga limang minuto. Barilan ito na ang pinaka-bala ay pintura. Ang bala ay gawa sa gelatin capsule-water-based ito at biodegradable. Kapag natamaan ka ng pintura, kahit konti lang, out ka na sa laro.
"Its very exciting," ani John Martin Garcia, 16 yrs old, estudyante ng Our Lady of Guadalupe Minor Seminary na myembro ng Philippine Team na nakakuha ng championship sa katatapos na Asia Pacific Paintball Championship na ginanap sa Bukit, Jalil, Kuala Lumpur, Malaysia. Ang kapatid niyang si Stephen Anthony ang pinakabatang myembro sa gulang na 14.
Ang laro ay pabilisan ng pag-pull ng baril at pag-ilag. May limang player bawat team, dalawang front player na mas maliit sa mga kasama nila pero, mas mabilis at agresibo, isang mid-player na nagsasabi sa front player kung saan sila pupunta at ang two back player na sumusuporta sa front at mid players. Kailangan ng praktis para maka-survive sa larong ito. Laro ito para sa mga kabataan. Nakatakda na namang makipag-compete ang magkapatid sa World Cup 2008.
Medyo may kamahalan ang larong ito, mga P2,000 para sa buong araw na praktis, at P100,000 para sa mga gamit. "Pero masaya at strategic," ani Sonny Torres, may-ari ng Global Guts na nag-sponsor ng delegates sa katatapos na Asia Pacific Paintball Championship.
E-mail: [email protected]
Napaka-simple ng pinag-ugatan ng paghihiwalay nila, nagsimula lamang nang dumating si Ethel ng bahay at makita na nakatayo na ang kanilang Christmas tree.
Nasabi lamang niya kay Alex na ito na marahil ang magiging pinaka-malungkot niyang Pasko dahil wala ang kanyang pamilya. Nang sinabi ni Alex na di siya dapat malungkot dahil pamilya naman sila pero, sinagot niya ito na di niya ito pamilya kundi boyfriend lang. Nagdamdam si Alex. Yun lang.
After two weeks, balikan na sila, puma-pasyal-pasyal na naman ng bahay niya ang nobyo. "Pero, hindi kami live in at wala munang sex, tama na yung kaibigan muna kami. Gusto ko maghintay siya kung kailan ko gustong mag-live in kami muli," sabi ng sexy TV host.
Marahil nagtataka kayo kung ano ang paintball?
Ito ay isang parang larong taguan na medyo complicated dahil maraming gamit o gadgets na kailangan. Kailangan ng marker (baril), hopper (lalagyan ng bala), tank, harness, atbp. Isa itong wargame na kailangan mong makuha ang dalawang bandera sa hulihan ng laro. May time limit na kinakailangan, mga limang minuto. Barilan ito na ang pinaka-bala ay pintura. Ang bala ay gawa sa gelatin capsule-water-based ito at biodegradable. Kapag natamaan ka ng pintura, kahit konti lang, out ka na sa laro.
"Its very exciting," ani John Martin Garcia, 16 yrs old, estudyante ng Our Lady of Guadalupe Minor Seminary na myembro ng Philippine Team na nakakuha ng championship sa katatapos na Asia Pacific Paintball Championship na ginanap sa Bukit, Jalil, Kuala Lumpur, Malaysia. Ang kapatid niyang si Stephen Anthony ang pinakabatang myembro sa gulang na 14.
Ang laro ay pabilisan ng pag-pull ng baril at pag-ilag. May limang player bawat team, dalawang front player na mas maliit sa mga kasama nila pero, mas mabilis at agresibo, isang mid-player na nagsasabi sa front player kung saan sila pupunta at ang two back player na sumusuporta sa front at mid players. Kailangan ng praktis para maka-survive sa larong ito. Laro ito para sa mga kabataan. Nakatakda na namang makipag-compete ang magkapatid sa World Cup 2008.
Medyo may kamahalan ang larong ito, mga P2,000 para sa buong araw na praktis, at P100,000 para sa mga gamit. "Pero masaya at strategic," ani Sonny Torres, may-ari ng Global Guts na nag-sponsor ng delegates sa katatapos na Asia Pacific Paintball Championship.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended