^

PSN Showbiz

‘Sigaw,’ malakas ang laban sa Screamfest 2005

-
Sinabi ni ‘Nay Lolit Solis na hindi siya naniniwalang umamin si Ryza Cenon kay Jennylyn Mercado na may relasyon na sila ni Mark Herras.

"Common sense naman, wala bang sariling pag-iisip si Ryza at aaminin niya ng harapan kay Jennylyn na sila na ni Mark? Kaya naniniwala akong hindi totoo ‘yung Mark at Ryza.

"Aminado akong parati silang nag-aaway, e, alam mo naman ‘yung dalawang ‘yun, hindi ko na nga pinapansin, sanay na ako.

"Dito lang ako kay Jennylyn naloloka, pati si Mark naloloka dahil everytime na nag-aaway sila at naghihiwalay, lumalabas kasi nagkukwento kung kani-kanino.

"Tulad n’yan, kung anu-ano na naman ang sinabi sa mga kadikit niya, kung ako kay Jennylyn, manahimik na lang siya," sabi ng manager ni Mark.

At tulad din daw niya (Lolit) ay nanahimik siya sa gulong Mark at Jennylyn dahil baka isang araw ay magka-ayos na naman ang dalawa.

"Pasalamat si Jennylyn at mabait sa akin si Mommy Lydia (adoptive mother ng dalaga) dahil kung hindi, sagasa siya sa akin dahil alaga ko si Mark, kung anu-ano ang sinasabi niya.

"Kaya manahimik na siya ‘no? Kung sinuman ang nakakausap ni Jennylyn, pagsabihan n’yo siya," pahayag uli ni ‘Nay Lolit.
* * *
Tumawag sa amin si Direk Yam Laranas direct from Los Angeles, USA kahapon ng umaga (7:30 ng gabi, Sabado sa LA) at tuwang-tuwa niyang ibinalita na napakaganda raw ng pagsalubong sa kanya nu’ng dumating siya last October 13 ng mga film reviewer, lalo na ang mataray na si Kevin Thomas na gustung-gusto raw ang pagkakagawa niya ng pelikulang Sigaw (The Echo). At ngayon lang daw nagsulat ng maganda ang kilalang film reviewer at hindi niya nilait ang pagkakagawa kaya marami raw na-curious sa entry ni Direk Yam.

"Overwhelmed ako, hindi ko ini-expect na ganito pala kalakas ang Sigaw dito, kaya, speechless ako, gusto ko lang i-share sa ‘yo ang magandang reviews dito sa Sigaw," bungad niya sa kabilang linya.

At hinihintay na raw ang pagdating ni Iza Calzado kahapon, Linggo dahil excited makilala ng mga film critic ang nominadong Best Actress ng LA Screamfest 2005.

"Bilib sila kay Iza, they’re really looking for her, at matunog siya for best actress, kaya panalangin ko, manalo siya," pahayag pa sa amin.

Ayaw namang umasa ng magaling na director na mananalo ang The Echo for best picture at siya bilang best director dahil marami rin daw magagandang pelikulang entry tulad ng bansang Germany at Korea.

Samantala, inaasahan din ang pagdating ng producer ng Sigaw na sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo at ang lead actor na si Richard Gutierrez this week.

Tinatanong din daw si Ella Guevarra dahil napansin siya at markado siya sa elevator scene, pero ayon na rin kay Direk Yam, "Mukhang malabong makasunod si Ella, na-late kasi niyang natanggap ‘yung invitation."

At nalaman nga namin sa ama ni Ella na si Dennis Guevarra na hindi pa sila nai-schedule for interview sa US Embassy.
* * *
Parang naniniwala na kaming may relasyon na nga sina Polo Ravales at Ara Mina dahil sa musical play na All About Men 2…. Penis Talks Reloaded na ginanap sa Music Museum ay ibinubuking na ni Christian Vasquez na sina Polo at Ara na sa tingin namin ay hindi naman scripted ang nabanggit na spiels.

At nu’ng isa-isa nang ipinakikilala ang mga bida ng Penis Talks ay binigyan naman ni Ara ng tig-iisang rosas ang cast at nu’ng si Polo na ang binigyan ay sumenyas si Polo sa dalaga ng "Kiss mo ko sa lips" at kunwa’y napailing si Ara.

Marami pang nabuking sa nabanggit na stage play ng Penis Talks tulad ng makailang beses na binanggit ni Ricci Chan na "bakla" si RJ Rosales (matagal nang pinagdududahan) na hindi lang makapag-ladlad at may eksenang nagyayakapan sina RJ at isang kapwa bading din at napasigaw si Ricci ng "Ay, ang sweet parang nakita ko na ang eksenang ‘yan kay Piolo (Pascual)….. (biglang nagsigawan ang tao sa loob ng MM) with Juday (Santos).. hmmm kayo talaga, malisyoso." At saka sinabayan ng tawa. — Reggee Bonoan

ALL ABOUT MEN

ARA MINA

DAHIL

DIREK YAM

JENNYLYN

PENIS TALKS

SIGAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with