Barkada ni Vina, may bitbit nang mga anak pero, siya bitbit ay bag at cellphone lang
October 15, 2005 | 12:00am
![](./main/20051015/images/show3.jpg)
Ang maganda kay Vina, napagsasabay niya ang kanyang singing career at negosyo. Malayo na ang itinakbo ng kanyang Ystilo business na may 28 branches na all over the Philippines and still growing. Siya rin ang image model ng kanyang itinayong parlor business at siya rin ang namamahala sa marketing side habang ang kanyang nakatatandang kapatid na si Shiela ang namamahala sa aspetong teknikal at ang kanyang brother-in-law na si Federico Moreno (anak ni German Moreno) ang sa management side. Walo ang kanilang branches habang ang 20 ay franchise at isa sa mga franchise holders ay ang bunsong kapatid ni Vina na si Shaina Magdayao.
Pero kung kelan nasa upswing ang career at negosyo ni Vina ay zero naman ang kanyang lovelife. Sa darating na Lunes, October 17 ay kaarawan ni Vina pero wala pa rin umano siyang special someone na makaka-date sa araw na yon.
"You cannot have everything," aniya. "Maganda nga ang takbo ng career at business ko, wala naman akong lovelife."
Hindi ikinakaila ni Vina na minsan ay pumapasok sa isip niya ang pagka-insecure lalo pat may kani-kanya nang pamilya at babies ang kanyang mga kapanabayan.
"Nung birthday at binyag nga ni Venice (anak ni Ruffa Gutierrez), bitbit ng mga friends ko ang kanilang mga anak samantalang ako, ang bitbit ko ay bag at cellphone ko lang," kwento pa ni Vina.
Samantala, personal na pinabulaanan ni Vina ang tungkol sa kanila ni San Juan mayor JV Ejercito pero aminado siya na kaibigan niya ang binatang alkalde.
Ang Bitoys Funniest Videos ay isa lamang sa mga tatlong top-rating programs ni Bitoy (Michael V.). Ang dalawa pa ay ang longgest-running gag show na Bubble Gang at Eat Bulaga.
Samantala, ang nakababatang kapatid ni Ara Mina na si Christine Reyes ang mayayari sa "Yari Ka!" portion ng BFV. Mapikon kaya si Christine sa cameraman na iba ang ipinapagawa sa kanya at iba rin ang direksiyon ng director. Mag-walk out kaya siya? Ang kasagutan ay malalaman ngayong Sabado.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended