Aiko, Happy, magkasundo na lang kayo!
October 14, 2005 | 12:00am
Wala sino man sa atin ang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari sa isang kaguluhan sa Makati nakinasangkutan ng konsehal at aktres na si Aiko Melendez. Basta nagharap siya ng demanda laban sa kanyang nakalaban, at sinabi niyang binastos siya noon, hinipuan, kaya nag-react ang kanyang bodyguard.
Nang sumunod na araw, si Happy Rivera ang nagsampa ng demanda laban kay Aiko. Si Happy ay anak ng aktres na si Liberty Ilagan. Sinabi rin naman niyang siya ang siyang nabastos at nasaktan sa insidenteng iyon.
Tiyak na maghaharap ng kanya-kanyang testigo ang magkabilang panig. Siguro kung may ebidensiya nga silang maipapakita, iyon ay ilalabas na rin nilang lahat. Malaki na ang gulo at sa nakikita namin, hindi lang sa korte ang labanan kung di maging sa media rin.
Palagay namin hindi naman dapat na lumaki ng ganyan ang problema. Naniniwala kaming siguro nga mapag-uusapan nila ang mga bagay na iyan at maaayos din. Masyado nang masikip ang ating mga korte sa kung anu-anong kaso, at iyang mga ganyang maliliit na problema, kung kaya rin namang ayusin sa labas ng korte, bakit pa nga ba kailangang paabutin sa ganyan?
Kahit na yang si Happy ay hindi naman artista, iyong katotohanan na artista ang nanay niya ay itinuturing na nga rin siya ng marami na kasamahan sa mundo ng showbiz. Sa panahong ito, palagay namin mas maganda kung magkakasundo ang lahat ng mga tao sa showbusiness. Hindi yang ganyang sila-sila ay nagdedemandahan.
I
naamin ni Sharon Cuneta, aware siyang napakahirap na nga ng buhay ngayon, at inaamin niyang kung minsan sa pag-uwi sa bahay ng kanyang asawa ay tinatanong niya kung bakit nangyayari ang mga bagay na hindi inaasahan at kung bakit napakahirap na ng buhay. Kaya nga ang nangyayari, nagpapaliwanag pa si Senador Kiko sa kanya.
Sensitive talaga si Sharon sa mga ganyang bagay, dahil alam naman niya ang tinatakbo ng career ng isang artistang kagaya niya ay nakasalalay din naman sa kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa. Kung mahirap na nga ba naman ang buhay eh, sino pa ba ang manonood ng sine, at sino pa ang bibili ng CD?
Iyon nga siguro ang kaibahan ni Sharon, sensitibo siya sa kalagayan ng mas nakararami sa atin.
Isang source namin ang nag-react at nagkwento rin sa amin. Hindi raw totoo ang sinasabing sa Bangkok lang nagsa-sideline ng alanganin ang isang male star na malinis pa naman ang image dito. Kahit na dito raw sa Pilipinas, may contact na rin iyon na nagpapakilala sa kanya sa mga mayayamang matrona. Pero siyempre, ingat siya sa Pilipinas dahil malamang nga sa hindi na kakilala siya.
Pero sabi pa ng aming source, hindi mabili ang male star sa mga matrona dito, kasi patagu-tago pa siya sa kanyang ginagawa, eh ang mga matrona nga raw dito, gusto nila naidi-display nila ang mga ka-date nilang pogi.
Nang sumunod na araw, si Happy Rivera ang nagsampa ng demanda laban kay Aiko. Si Happy ay anak ng aktres na si Liberty Ilagan. Sinabi rin naman niyang siya ang siyang nabastos at nasaktan sa insidenteng iyon.
Tiyak na maghaharap ng kanya-kanyang testigo ang magkabilang panig. Siguro kung may ebidensiya nga silang maipapakita, iyon ay ilalabas na rin nilang lahat. Malaki na ang gulo at sa nakikita namin, hindi lang sa korte ang labanan kung di maging sa media rin.
Palagay namin hindi naman dapat na lumaki ng ganyan ang problema. Naniniwala kaming siguro nga mapag-uusapan nila ang mga bagay na iyan at maaayos din. Masyado nang masikip ang ating mga korte sa kung anu-anong kaso, at iyang mga ganyang maliliit na problema, kung kaya rin namang ayusin sa labas ng korte, bakit pa nga ba kailangang paabutin sa ganyan?
Kahit na yang si Happy ay hindi naman artista, iyong katotohanan na artista ang nanay niya ay itinuturing na nga rin siya ng marami na kasamahan sa mundo ng showbiz. Sa panahong ito, palagay namin mas maganda kung magkakasundo ang lahat ng mga tao sa showbusiness. Hindi yang ganyang sila-sila ay nagdedemandahan.
Sensitive talaga si Sharon sa mga ganyang bagay, dahil alam naman niya ang tinatakbo ng career ng isang artistang kagaya niya ay nakasalalay din naman sa kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa. Kung mahirap na nga ba naman ang buhay eh, sino pa ba ang manonood ng sine, at sino pa ang bibili ng CD?
Iyon nga siguro ang kaibahan ni Sharon, sensitibo siya sa kalagayan ng mas nakararami sa atin.
Pero sabi pa ng aming source, hindi mabili ang male star sa mga matrona dito, kasi patagu-tago pa siya sa kanyang ginagawa, eh ang mga matrona nga raw dito, gusto nila naidi-display nila ang mga ka-date nilang pogi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended