^

PSN Showbiz

Belinda Bright, Katherine Luna, nilayasan si Ynez Veneracion!

- Veronica R. Samio -
Nagtataka si Ynez Veneracion kung bakit siya ang sinisisi sa pag-alis ni Belinda Bright sa stage play na gagawin sana nilang magkasama, ang Private Parts, na tinatampukan din ni Maui Taylor.

"Wala naman akong alam na maaaring ikagalit niya sa akin," panimula ni Ynez sa isang intimate gathering na ipinatawag niya para sabihin ang maraming bagay na ginagawa niya na may kinalaman sa kanyang career.

"Katunayan, ako ang nagpakilala sa kanila ng boyfriend niya. Pero, nang magkaro’n sila ng gulo ay ako ang sinisisi niya, inaway-away niya ako sa phone, kasalanan ko raw na nagkakilala sila. Ano ba yon?

"Actually, ako ang unang idini-date ng boyfriend niya pero dahil may Mon (Confiado, yes, sila na naman!) na ako, ipinakilala ko siya kay Belinda. Kung anuman ang namagitan sa kanila, sa kanila na yon. Ano ba naman ang pakialam ko sa kanila? Ngayon kung ang ikinagagalit niya ay ang patuloy na pagti-text ng bf niya sa akin, ano ba naman ang masama dun, kaibigan ko pa rin yung tao. Wala naman kaming ibang relasyon.

"Kami pa rin naman ni Mon. Pinababayaan ko na lang yung pambababae niya na siyang pinag-aawayan naming madalas. Wala akong magagawa dahil baka ganun talaga ang mga lalaki. Nung bata-bata pa ako, selosa pa ako pero, hindi na ngayon, hinahayaan ko na lang siya.

"Mabalik tayo kay Belinda, sa pictorial namin para sa Private Parts, dinedma niya ako. Parang ipinararamdam niya na di ako welcome sa kanya. Pero, nilapitan ko pa rin siya, tinanong kung okay siya, okay naman daw. Pero, nung pauwi na siya, nagsisigaw at sabi di siya okay.

"Ano ba ang dapat niyang ika-insecure sa akin, kung insecure nga siya, maganda naman siya, may akting pa.

"Ewan ko ba, si Katherine (Luna), umalis din sa play. Isinoli pa ang down payment sa kanya, ayun sumama kay Belinda," pagtatapos niya.

Sa Private Parts na sinulat ni Jiggs Recto sa direksyon ni Elwood Perez, ay kasama niya sina Allen Dizon, Wilma Doesnt Myles Hernandez, Avi Siwa, Vangie Labalan at Behn Cervantes.
* * *
Maraming malalaking stars ang bagong Asianovelang Frog Prince ng GMA7. Tulad ng mga bida rito na sina Joe Chen, Ming Dao,Sam Wang at Joyce Zhao. Kasama nilang dumating nung Oktubre 10 sa Maynila ang sikat na Taiwanese boy band na 183 Club na kung saan ay myembro rin sina Ming at Sam. Mananatili sila rito hanggang ngayong araw.

Hindi ito first time ng ilan sa grupo na makarating ng Maynila. Si Joe Chen ay unang nag-promote dito ng Chinovelang Señorita Mei Mei at Twin Sisters at nag-shoot din ito rito ng seryeng Sugo kung saan ay ipinareha siya kay Richard Gutierrez.

Sa Frog Prince, siya si Charlene na nangangarap makasal sa isang mayaman. Mahirap siya at lumaki lamang sa isang fishing village. Ang kapareha niyang si Ming si Ronald, anak mayaman at mapagmataas. Galit ito sa mga poor.

Si Sam Wang ay nanggaling na rin dito sa atin bilang myembro naman ng grupong 5566. Kaibigan siya ni Ronald sa nobela na ayaw makipag-kumpitensya rito. Opposite ang ugali nilang magkapatid. Kasali pa rin siya sa 5566 pero mas aktibo siya sa 183 Club na ang mga kasamahan niyang sina Ming, Jacky at Ehlo ay matatangkad lahat.

Habang naririto, lalabas ang grupo sa mga palabas ng GMA. Magkakaroon din sila ng mga mall shows. Ang Frog Prince ay kapalit ng All For Love at mapapanood, Lunes hanggang Biyernes sa GMA.
* * *
May bagong kurso na ilulunsad bukas, Okt. 15 at 16 ang Center for Pop Music Philippines sa Ambassador Hotel Main Hall, Mabini, Ermita, 9NU-5NH. Ito ang Steps & Fashion, isang karagdagang course para sa mahilig kumanta. Magpapakilala rin ito sa mga kalahok sa daigdig ng fashion, ramp modeling at personality development.

Pamumunuan ang kurso ni Gwyneth Albarracin na isang produkto ng John Roberet Powers. Kasama niya si Bhot Benosa, choreographer ng Beat Company Dancers, na magtuturo ng pop dancing. Ang Steps & Fashion ay ideya ni Jeff Medes, branch mgr. ng CPMP Parañaque.

Sa Okt. 30, magbibigay ng symposium si Butch Albarracin, founder at CEO ng CPMP sa nasabi ring venue na pinamagatang Star Confidence.

Sa mga interesado, tumawag sa 8293314/8291970.

vuukle comment

AKO

ANO

BELINDA

FROG PRINCE

NAMAN

NIYA

PRIVATE PARTS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with