Jerome Sala, mas pinili ang career kaysa girlfriend
October 14, 2005 | 12:00am
Nagkita kami ng dating Star Records contract artist na si Tootsie Guevarra nung nakaraang Huwebes (October 6) sa Los Angeles, California kasama ang kanyang American-based Filipino husband na si Jansen Cunanan at masaya nitong ibinalita sa amin na tatlong buwan na siyang pregnant ngayon sa kanilang magiging unang supling.
Sa Amerika na rin naka-base ngayon si Tootsie kasama ang kanyang mister. Although patuloy pa rin siya sa kanyang singing career doon, may trabaho rin siyang iba, ang pagiging isang real estate agent.
Ang mag-asawang Tootsie at Jansen ay dumalo sa advance joint birthday party ng concert producer na si Alfonso Chu at Erik Santos na ginanap sa bahay mismo ni Alfonso sa Anaheim, California.
Nanood din ang mag-asawa sa Stars In A Million: The Reunion concert nina Erik Santos, Sheryn Regis, Christian Bautista, Frenchie Dy at Jerome Sala at kung saan naman special guest performers sina Marissa Sanchez at Divo na ginanap sa Orpheum Theater sa LA kung saan din namin namataan ang aktor na si Leandro Muñoz kasama ang kanyang wife na si Michelle.
Ang LA at San Diego concerts ng Stars In A Million ay siyang nagsilbing unang biyahe sa Amerika nina Jerome Sala at Divo kaya ganoon na lamang ang kasiyahan ng dalawa.
Ayon kay Jerome, dati-ratiy pangarap lamang daw niya ang makarating ng Amerika pero ngayon ay natupad na ito. Enjoy din siya sa kanyang mga kasama sa grupo dahil nag-bonding sila ng husto sa kanilang isang linggong pamamalagi sa Amerika at nakarating pa siya ng Disneyland na halos katabi lamang ng kanilang hotel (Holiday Inn Hotel & Suites) sa Anaheim.
Ibinalita sa amin ni Jerome na break na umano sila ng kanyang girlfriend na kababayan niya sa Bohol. Pinamili umano siya ng dati niyang girlfriend kung siya o ang kanyang singing career.
"Siyempre, ang singing career ang pinili ko dahil marami pa akong mga pangarap sa buhay," aniya.
"Kung mahal niya ako, hindi niya ako pamimiliin at dapat ay maging proud at supportive pa nga siya sa akin pero hindi ganoon ang nangyari," paliwanag pa ni Jerome.
Kahit sa dalawang lugar (LA at San Diego, California) lamang sila nagtanghal, marami silang lugar na narating at ang nakakatuwa, marami silang natanggap na regalo galing sa ating mga kababayan na doon na naka-base.
"Ganito pala magmahal ang ating mga kababayan dito sa Amerika," natutuwang pahayag ni Jerome na nakatanggap din ng isang set ng Versace suit and pants galing sa isa pang concert producer na si Benny Bautista.
Kahit ilang buwan pa lamang ang nakakaraan magmula nang siyay tanghaling kampeon ng Search For A Star in A Million, tatlong bansa na ang narating ni Jerome - Dubai, Japan at Amerika.
"Masaya ako sa nangyayari sa singing career ko sa tulong ng Star Records at sa mga taong naniniwala sa aking talent," aniya.
Naunang umalis nung September 28 si Christian Bautista dahil nagkaroon ito ng earlier shows sa LA at San Diego kung saan naman nito nakasama ang award-winning actor/singer na si Christopher de Leon at ang LA based singer na si Sheryl Marie.
Naging sunud-sunod ang pagtungo ni Christian sa Amerika na kanyang sinimulan nung isang taon (October) sa Night of the Champions na sinundan ng Return of the Champions nung nakaraang Hunyo at ang Kapamilya Caravan nung nakaraang Hulyo.
Isa si Christian sa pinaka-in demand among our young singers. Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa lalung-lalo na sa Indonesia at iba pang Asian countries. Sold out din ang kanyang CDs nang itoy magtanghal sa Amerika.
Dapat sanay pabalik na ng Pilipinas nung linggo (October 9) si Erik pero nag-extend ito ng isang araw para makapiling ang kanyang mga fans sa LA dahil may hinandang birthday party ang mga ito sa kanya.
Kaarawan ni Erik nung Oktubre 10.
May kani-kanyang hukbo ng mga tagahanga sina Erik, Christian, Sheryn, Frenchie at Jerome at hindi rin naman nagpahuli sina Marissa Sanchez at Divo. Paramihan sila ng gifts mula sa kanilang mga tagahanga.
Pagkatapos ng kanilang San Diego show, tumuloy pa si Sheryn ng Las Vegas kasama ang kanyang mister na si Earl dahil meron pa siyang side show doon.
Sina Divo at Frenchie ay nag-extend din dahil sa Amerika na naka-base ang parents ni Divo. First time din ng parents ni Divo na siyay mapanood na nagpi-perform ng live. Happy si Divo dahil nakarating siya nang Amerika ng libre at kumita pa siya. Ito rin ang nagsilbing reunion niya with his family.
Speaking of Divo, naghahanap siya ng business manager ngayon ganoon din si Frenchie although nariyan ang Star Records na siyang tumutulong sa kanila.
"Iba pa rin kasi `yung may personal na nakatutok lalo na sa bookings," ani Divo.
[email protected]
Sa Amerika na rin naka-base ngayon si Tootsie kasama ang kanyang mister. Although patuloy pa rin siya sa kanyang singing career doon, may trabaho rin siyang iba, ang pagiging isang real estate agent.
Ang mag-asawang Tootsie at Jansen ay dumalo sa advance joint birthday party ng concert producer na si Alfonso Chu at Erik Santos na ginanap sa bahay mismo ni Alfonso sa Anaheim, California.
Nanood din ang mag-asawa sa Stars In A Million: The Reunion concert nina Erik Santos, Sheryn Regis, Christian Bautista, Frenchie Dy at Jerome Sala at kung saan naman special guest performers sina Marissa Sanchez at Divo na ginanap sa Orpheum Theater sa LA kung saan din namin namataan ang aktor na si Leandro Muñoz kasama ang kanyang wife na si Michelle.
Ayon kay Jerome, dati-ratiy pangarap lamang daw niya ang makarating ng Amerika pero ngayon ay natupad na ito. Enjoy din siya sa kanyang mga kasama sa grupo dahil nag-bonding sila ng husto sa kanilang isang linggong pamamalagi sa Amerika at nakarating pa siya ng Disneyland na halos katabi lamang ng kanilang hotel (Holiday Inn Hotel & Suites) sa Anaheim.
Ibinalita sa amin ni Jerome na break na umano sila ng kanyang girlfriend na kababayan niya sa Bohol. Pinamili umano siya ng dati niyang girlfriend kung siya o ang kanyang singing career.
"Siyempre, ang singing career ang pinili ko dahil marami pa akong mga pangarap sa buhay," aniya.
"Kung mahal niya ako, hindi niya ako pamimiliin at dapat ay maging proud at supportive pa nga siya sa akin pero hindi ganoon ang nangyari," paliwanag pa ni Jerome.
Kahit sa dalawang lugar (LA at San Diego, California) lamang sila nagtanghal, marami silang lugar na narating at ang nakakatuwa, marami silang natanggap na regalo galing sa ating mga kababayan na doon na naka-base.
"Ganito pala magmahal ang ating mga kababayan dito sa Amerika," natutuwang pahayag ni Jerome na nakatanggap din ng isang set ng Versace suit and pants galing sa isa pang concert producer na si Benny Bautista.
Kahit ilang buwan pa lamang ang nakakaraan magmula nang siyay tanghaling kampeon ng Search For A Star in A Million, tatlong bansa na ang narating ni Jerome - Dubai, Japan at Amerika.
"Masaya ako sa nangyayari sa singing career ko sa tulong ng Star Records at sa mga taong naniniwala sa aking talent," aniya.
Naging sunud-sunod ang pagtungo ni Christian sa Amerika na kanyang sinimulan nung isang taon (October) sa Night of the Champions na sinundan ng Return of the Champions nung nakaraang Hunyo at ang Kapamilya Caravan nung nakaraang Hulyo.
Isa si Christian sa pinaka-in demand among our young singers. Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa lalung-lalo na sa Indonesia at iba pang Asian countries. Sold out din ang kanyang CDs nang itoy magtanghal sa Amerika.
Kaarawan ni Erik nung Oktubre 10.
May kani-kanyang hukbo ng mga tagahanga sina Erik, Christian, Sheryn, Frenchie at Jerome at hindi rin naman nagpahuli sina Marissa Sanchez at Divo. Paramihan sila ng gifts mula sa kanilang mga tagahanga.
Pagkatapos ng kanilang San Diego show, tumuloy pa si Sheryn ng Las Vegas kasama ang kanyang mister na si Earl dahil meron pa siyang side show doon.
Sina Divo at Frenchie ay nag-extend din dahil sa Amerika na naka-base ang parents ni Divo. First time din ng parents ni Divo na siyay mapanood na nagpi-perform ng live. Happy si Divo dahil nakarating siya nang Amerika ng libre at kumita pa siya. Ito rin ang nagsilbing reunion niya with his family.
Speaking of Divo, naghahanap siya ng business manager ngayon ganoon din si Frenchie although nariyan ang Star Records na siyang tumutulong sa kanila.
"Iba pa rin kasi `yung may personal na nakatutok lalo na sa bookings," ani Divo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended