^

PSN Showbiz

Vanna, inagawan ni Aiko ng boyfriend?

- Veronica R. Samio -
Lumaking isang magandang dalaga si Vanna Garcia. Yes, dalaga na po ang dati ay napapanood lamang natin sa mga wholesome movies and programs sa TV. At 18, napakataas na niya at handa nang sumabak sa mga mature roles, pero, hindi bold. "Hindi pa ho ako ready," sabi niya bagaman at sumabak na siya sa ilang maseselang eksena sa digital film ng Viva na isa sa mga lahok nito sa Cine Manila Film Festival, ang Tuli, na nagsimula nang mapanood sa mga sinehan kahapon. Tampok din dito sina Carlo Aquino at Desiree del Valle.

Mayro’n siyang maiinit na eksena kay Ping Medina at pati na rin kay Desiree. "Pero, wala pong mga hubaran, may damit ako palagi although nagpakita po ako ng aking likod at may kissing scene kami ni Des pero, hindi po mouth kissing, hinalikan po lamang niya ako sa aking leeg at pisngi," kwento ni Vanna.

When asked kung bakit siya pumayag sa mga nasabing eksena, sinabi niyang "Tama na muna yung mga pa-wholesome. I’d like to make a statement, do something different.

"Bago po sa akin yung ginampanan ko. Pero nagawa po naman namin ng mahusay kaya lamang dun sa eksena namin ni Des, tawa po kami nang tawa bago namin ginawa yung scene," dagdag pa niya.

Nang tanungin siya kung may boyfriend na siya, sinabi niya, wala ngayon. "Kabi-break lang po namin, mga three weeks ago. Mayro’n nga pong isyu na tini-text ko nga raw ang current ng ex ko na parang naghahabol ako kay Martin," pangalan ng ex niya.

Napilitan din siyang sabihin na ang ex niya ay si Martin Jickain, isang 22 yr. old model who is the current boyfriend daw ni Aiko Melendez.

"Ang ipinagtataka ko ay wala kaming formal break-up, tinext lamang niya ako na kung pwede pa rin kaming maging civil sa isa’t isa at nagpasalamat sa lahat-lahat.

"We were on for three years at feel ko naman na minahal niya ako ng mga panahong yon. Naging mabait din siya sa akin. Di ko lang alam kung bakit nakipag-break siya," paliwanag pa ng batang aktres na ayaw munang makipag-relasyon muli. "Career na lang muna. Basta ang masasabi ko, hindi ko sila tini-text. May respeto ako kay Ate Aiko dahil nagkatrabaho rin kami sa Yes Yes Show. At kung maligaya silang dalawa, okay lang sa akin. At sana pabayaan na rin nila ako," pagtatapos niya.
* * *
Iba sa mga anime na napapanood natin sa TV ang Initial D– Fourth Stage na nagsimula nang mapanood nung Okt. 9, 9NG sa Animax. Di-nab ito sa Taglish at ang mga boses na ginamit ay mga boses na pamilyar sa marami, dahil boses ito ni Darna o ng gumaganap ng Darna na si Angel Locsin at ang batang karerista at naging Karter of the Year last year na si Matteo Guidicelli.

Ang pagbibigay nito ng dayalogo sa Tagalog ay isang paraan para ma-reach out ng programa ang mas maraming manonood, lalo na yung mga kabataan.

Ang Animax Asia na kung saan napapanood ang Initial D-Fourth Stage ay isang 24 hr. Japanese animation channel na nagtatampok sa mga programang gawa ng mga animators at producers na Hapon. Napapanood sila sa Taiwan, Hongkong, South Asia at Southeast Asia. Ang Animax sa Asya ay isang Sony Picture Entertainment Co.
* * *
May horror series naman ang ABC 5, isang Indian horror series na pinamagatang Mumbai Thrillers. Malapit na itong mapanood sa Philippine TV., sa Oktubre 18, Martes, 7NG. Tinagalog din ito para mas madaling masundan ang nakakarami.
* * *
E-mail: [email protected]

AIKO MELENDEZ

AKO

ANG ANIMAX

ANGEL LOCSIN

ANIMAX ASIA

ATE AIKO

CARLO AQUINO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with