Di uurungan ni Aiko si Happy!
October 12, 2005 | 12:00am
"Di uurungan ni Aiko Melendez ang kasong kinasasangkutan niya laban sa grupo nina Allana Montelibano at Happy Ongpauco. Aiko herself filed charges against the group. Ayon kay Aiko, confident siya na maipapanalo niya ang labang ito.
"Kilala mo ako, kapag tama, nakikipaglaban talaga ako," sabi nito sa akin nang makausap ko last Sunday sa The Buzz.
"Gusto kong lumabas ang katotohanan at malinis ko ang pangalan ko laban sa mga gustong sumira sa akin. Hindi ko ito palalampasin."
May punto si Aiko sa kanyang pakikipaglaban. Agree din ako na wala sa reputasyon niya ang makipag-away o manakit ng tao. Labinlimang taon ko nang kilala si Aiko at ni minsan, hindi ito nasangkot sa gulo. Sa puntong yon, malinis ang kanyang record.
"Noon ngang hindi pa ako public official, hindi na ako na-involve sa away-away. Lalo pa ba naman ngayon na public servant na ako?"
Mukhang kailangang husayan ng grupong nakaengkuwentro ni Aiko ang kanilang depensa sa kaso. Naniniwala ako na si Aiko ang nagsasabi ng totoo.
Hindi na ako magtataka kung bakit matindi ang naging labanan sa text votes sa nakaraang eviction night ng Pinoy Big Brother. Finally ay evicted na si Racquel. Pero ayon sa source ko, matindi ang ibinigay na laban ng mga supporter ni Racquel sa kanya.
"From the night na open na ang text voting, mabilis ang pasok ng votes for Cass and Racquel," sabi ng source ko. "Everyday, nagba-vary ang results. May days na malakas si Racquel, may days naman na si Cass. Pero ang pinakamatindi is yung day of the eviction. Mukhang nagpakita talaga ng suporta ang Davao para sa kanilang kababayan."
Last Sunday naman, na-meet ko finally si Racquel. Sa totoo lang, napakasimpleng babae niya. Magalang at palangiti. She has her own charm, ika nga.
To quote Jobert Sucaldito, "She has magic. Kapag na-meet mo siya, magugustuhan mo siya. Teacher talaga ang dating niya. And she is likeable."
The night na ma-evict si Racquel ay kumalat ang balitang siya na ang bagong endorser ng Datu Puti. Isa kasi sa major sponsor ng PBB ay ang Datu Puti.
Aminado ako na noong una, hindi ko maintindihan si Mariel Rodriguez, isa sa hosts ng Pinoy Big Brother. Pero habang tumatagal, I started liking her. Kikay kasi siya. Ibang-iba sa mas seryosong PBB host na si Toni Gonzaga.
Bukod kasi sa primetime ng PBB, hinihintay ko na rin ang PBB Up-Late tuwing ala-una ng madaling araw kung saan host si Mariel. At kapag naririnig ko na ang opening spiels niya, makukuha na niya ang atensyon mo. At kagigiliwan mo na ang kanyang pagiging bubbly mereseng madaling araw na.
Sabi nga ng isang kakilala ko, "Her ways and beauty grow in you. Thats her charm. Kaya people started to like her na."
At nong Sunday, nakita ko si Mariel sa corridor ng ABS-CBN. Hindi ko ito nakilala dahil walang make up. Sa totoo lang, mas maganda siya kapag walang make-up. Very sweet at simple.
"Kilala mo ako, kapag tama, nakikipaglaban talaga ako," sabi nito sa akin nang makausap ko last Sunday sa The Buzz.
"Gusto kong lumabas ang katotohanan at malinis ko ang pangalan ko laban sa mga gustong sumira sa akin. Hindi ko ito palalampasin."
May punto si Aiko sa kanyang pakikipaglaban. Agree din ako na wala sa reputasyon niya ang makipag-away o manakit ng tao. Labinlimang taon ko nang kilala si Aiko at ni minsan, hindi ito nasangkot sa gulo. Sa puntong yon, malinis ang kanyang record.
"Noon ngang hindi pa ako public official, hindi na ako na-involve sa away-away. Lalo pa ba naman ngayon na public servant na ako?"
Mukhang kailangang husayan ng grupong nakaengkuwentro ni Aiko ang kanilang depensa sa kaso. Naniniwala ako na si Aiko ang nagsasabi ng totoo.
"From the night na open na ang text voting, mabilis ang pasok ng votes for Cass and Racquel," sabi ng source ko. "Everyday, nagba-vary ang results. May days na malakas si Racquel, may days naman na si Cass. Pero ang pinakamatindi is yung day of the eviction. Mukhang nagpakita talaga ng suporta ang Davao para sa kanilang kababayan."
Last Sunday naman, na-meet ko finally si Racquel. Sa totoo lang, napakasimpleng babae niya. Magalang at palangiti. She has her own charm, ika nga.
To quote Jobert Sucaldito, "She has magic. Kapag na-meet mo siya, magugustuhan mo siya. Teacher talaga ang dating niya. And she is likeable."
The night na ma-evict si Racquel ay kumalat ang balitang siya na ang bagong endorser ng Datu Puti. Isa kasi sa major sponsor ng PBB ay ang Datu Puti.
Bukod kasi sa primetime ng PBB, hinihintay ko na rin ang PBB Up-Late tuwing ala-una ng madaling araw kung saan host si Mariel. At kapag naririnig ko na ang opening spiels niya, makukuha na niya ang atensyon mo. At kagigiliwan mo na ang kanyang pagiging bubbly mereseng madaling araw na.
Sabi nga ng isang kakilala ko, "Her ways and beauty grow in you. Thats her charm. Kaya people started to like her na."
At nong Sunday, nakita ko si Mariel sa corridor ng ABS-CBN. Hindi ko ito nakilala dahil walang make up. Sa totoo lang, mas maganda siya kapag walang make-up. Very sweet at simple.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended