^

PSN Showbiz

Ang magic ni Vic Sotto

- Veronica R. Samio -
Bukod sa pagiging isang komedyante, "hari ng effects" din ang isa pang taguri kay Vic Sotto. Dahil halos lahat ang ginawa niyang movies ay may special effects, mula sa Lastikman, Fantasticman at Enteng Kabisote. Maski na yung mga movies nila nina Tito at Joey ay ginamitan din nito.

"Iba kasi pag may magic ang pelikula, nai-enjoy ng mga bata. Mahirap gawin pero, makikita mo naman ang kasiyahan ng mga manonood," ani Vic.

Tulad ng panahon, umuusad din ang teknolohiya, minamani na lamang natin yung paglipad-lipad, pagiging invisible o morphing (pagpapalit-anyo). Tulad ng sa Ispiritista: Tay May Moomoo!, na isang horror comedy, maraming mga multo at ispiritong transparent, lumulusot sa pader o maging sa tao. "Mahirap para sa aming mga artista dahil di namin nakikita ang ka-akting namin pero, dapat iakting namin na parang kasama namin," dagdag pa ni Vic.

Bukod sa kanya, kasama rin sa pelikulang ito ng Regal at APT Films sina BJ Forbes, Cindy Kurleto, at marami pang iba.
* * *
Sinasabing sa digital movie ni Gil Portes para sa Teamwork Prods na pinamagatang Matthew, Mark, Luke & John ay lulutang si Paolo Serrano na gumaganap ng Mark. Bagaman at magagaling ang tatlo pang kasama niya na sina Justin de Leon (Matthew, masahista), Richard Quan (Luke, dance instructor) at Ryan Neil Sese (John, torero) dahil sa gitna ng kadramahan nito ay lumutang ang mga comic touches niya na nagbigay ng humanity sa kanyang persona.

Bale premiere night ng movie ang first screening nito sa Cinemanila International Film Festival (digital film div.) sa huling araw ng unang linggo ng pista (Okt. 18) na magsisimula ngayong araw na ito (Okt. 12) at matatapos sa Okt. 25. Awards night sa Okt. 19 sa Aliw Theater. Ilalabas ang entries sa SM Manila, San Lazaro, Robinson’s Manila at Cinemanila 2000.
* * *
May ibang pinagkakaabalahan ngayon si Mandy Ochoa.

Bilang presidente ng Total Solutions Inc., maker of the Cash Rewards Program powered by Smart Money, layunin niya ay makatulong ang mga consumers na makatanggap ng cash rewards habang gumagastos sila araw-araw.

"Mag-member lang sa programa at mag-load ng pera sa loob ng Smart Money Acct./Card sa mga Smart loading stations at gamitin itong pambayad sa mga participating Merchant Partners na magbibigay ng rewards point. Ito ay pera na maiipon sa Loob ng Smart Money acct. na pwedeng gamitin pang bayad muli. 1 punto katumbas ng piso. Ang participating partners ay Smart Buddy, Talk n Text, Addict Mobile Prepaid, Shakey’s Pizza, Superferry, Cebuferries at SuperCat.

May dalawang paraan para kumita ng cash rewards. Una, gamitin ang Smart Money Acct/Card sa pagbabayad sa mga merchant partners. Ikalawa, kapag bumili ka ng P115 load sa Smart sa pamamagitan ng pag-text ng LOAD 115 at i-send sa 270, may tig P5 kayo ng referrer mo.

Para sumali, bili na kayo ng program kit sa mga product outlets. I-submit ang application kasama ng isang photocopied ID at maghintay after 2-3 wks. processing.

Para sa ibang katanungan, tawagan si Manny sa 5350288.

vuukle comment

ADDICT MOBILE PREPAID

ALIW THEATER

BUKOD

CASH REWARDS PROGRAM

CINDY KURLETO

OKT

SMART MONEY

SMART MONEY ACCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with