^

PSN Showbiz

Racquel, mas gustong makita ng manonood na maibalik sa PBB kesa mapanood na nagho-host at nagda-drama sa programa ng ABS-CBN!

-
Last minute ay nag-back out si Alessandra de Rossi patungong Davao last Sunday para sa guesting nila ni Angel Locsin sa SOP para sa Grand Kapuso Fans Day ng GMA 7 dahil biglang sumakit ang tiyan niya.

Supposedly ay 5AM ang flight ng dalawa kasama ang staff ng Darna, pero hindi na sila pinatuloy dahil punumpuno na raw at sa next flight na lang at 10:25 AM sila sumama.

Sa tagal na ipinaghintay ng grupo sa airport ay sumama na raw ang tiyan ni Alessandra at nag-LBM kaya’t hindi na ito tumuloy ng Davao at sinabayan na ng uwi ng bahay.
* * *
And speaking of Angel Locsin, buti na lang at hanggang 2:30PM ang SOP dahil kung hindi, tiyak na hindi siya aabot sa guesting niya sa nabanggit na programa.

Kasi naman, makailang beses na siyang naiiwanan ng eroplano sa tuwing may out-of-town trip dahil parati na lang siyang late, kung i- pack-up sa tapings/shootings ay isang oras lamang bago lumipad ang eroplano gayung uuwi pa siya ng bahay para maligo at magbihis.

"Sanay na akong maiwanan ng eroplano, hindi na bago sa akin ’yun.," ito ang pahayag ni Angel nung makausap namin siya sa presscon ng Initial D-Fourth Stage sa Animax Asia na nag-umpisa na last Sunday night.

Say mismo ng taga-GMA 7 staff na ka-join sa event, "Malakas talaga si Darna, siya ang hinahanap ng tao, kaya nung lumabas si Angel na naka-Darna costume, panalo, sigawan ang tao, e, nagmumura pa ang boobs niya.  Tumabi ang mga Encantadia princess. In fairness panalo rin si Sunshine no?"

May dahilan din naman kasi kaya mas knowing ng tao si Angel kasi matagal na ang Darna, e, ang Encantadia, ngayon lang.
* * *
Tumawag ang fans nina Rayver Cruz at Shaina Magdayao na miyembro ng Sha-Ray at Shaynatics fans club sa amin at nagre-reklamo dahil hindi raw sila pinapasok sa studio ng ASAP Fanatics last Sunday dahil mas inuna raw ang ibang fans club.

"After na po ng opening kami nakapasok at iilan lang kami, kaya naiinis kami," say ng fan na ayaw nang ipabanggit ang pangalan.

Parang may tinititigan daw ang ilang staff ng ASAP 05 na fans para sa gusto nilang loveteams na ini-launch nung Linggo.

Pero sa live episode raw ng Wowowee na ginanap sa Cuneta Astrodome last Saturday ay nakapasok ang kumpletong fans club kaya naman kitang-kita raw kung gaano sila karami’t kalakas ng sigaw para kina Rayver at Shaina.
* * *
Dahil forced eviction ang nangyari kay Bob, isa sa housemate ng Pinoy Big Brother na under observation sa Capitol Medical Center ay isa sa mga evicted na sina Rico Barrera, Jenny Suico, JB Magsaysay at Racquel ang ibabalik sa bahay ni Big Brother.

As of Sunday night ay wala pang desisyon kung sino sa apat na nabanggit, pero ayon mismo sa staff ng Dos ay magiging unfair daw kung ibabalik ang mga na-evict na dahil nagkaroon na sila ng chance na makita ang outside world ng PBB.

"Dapat ay yung naka-standby uling applicant, tulad ni Sam. Kasi kung isa kina Rico, Jenny, JB at Racquel, ano ‘yun? Sinira na nila mismo ang regulasyon ng PBB, wala naman ganu’n, dapat pag lumabas na, wala nang balikan totally," paliwanag ng taga-Dos.

At base naman sa mga PBB addict na nagpo-post ng kanilang mga messages sa Pinoy Exchange ay okey lang daw ibalik sinuman kina Rico, Jenny at Racquel, maliban kay JB.

In fairness, marami pa ring may gusto kay Racquel na muling bumalik sa bahay ni kuya dahil mas gusto na lang daw siyang panoorin as housemate kaysa mapanood na nagho-host, nagmo-mall tour at nagda-drama sa mga programa ng ABS-CBN. – REGGEE BONOAN

ALESSANDRA

ANGEL LOCSIN

ANIMAX ASIA

AS OF SUNDAY

BIG BROTHER

CAPITOL MEDICAL CENTER

DAHIL

DARNA

RACQUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with