Trese pa lang babaero na!
October 11, 2005 | 12:00am
Inakusahan si Angelo Ilagan ng pambababae sa gulang na trese. Lumabas ang balita mula nang mapasama siya sa seryeng Mga Anghel Na Walang Langit ni Direk Maryo J. delos Reyes. Madalas daw kasing nakikitang may mga kausap na pokpok itong si Angelo sa Makati City.
"Noong time na yun, nagtitinda po ako ng sigarilyo. Tinutulungan ko yung kaibigan kong si Michael. Nakagat kasi siya ng aso sa paa, hindi makalakad. Totoo pong marami akong kaibigang babae sa area na yun, pero wala naman po akong naging karelasyon sa kanila, barkadahan lang."
Paano ka ba natuklasan at ano ang ginagawa mo bago ka napasok sa showbiz? Bakit may nagsasabi na may karelasyon kang babae na mas matanda kaysa sa iyo? "Puro basketball ang inaatupag ko noon. Pawang paporma at gala kasama ang barkada. Pero hindi naman po kami yung tipo ng mga kabataang mahilig sa away, or nagda-drugs, wala pong ganoon sa amin.
"Tanda ko po, nung 13 ako, nagkaroon ako ng karelasyon na 20 years old at third year college na po siya that time. Pero hindi rin naman po kami nagtagal, dahil lumipat na ako sa lolo ko magmula nang mag-showbiz ako. Dati po kasi, sa General Trias, Cavite ako umuuwi kina mama, ngayon hindi na, doon ko po nakilala yung naging girlfriend ko.
"Si Tito Butch Rivero po ang naka-discover sa akin, tapos ay dinala niya ako kay Direk Maryo J. Bale co-management po sina direk at Star Magic, kung saan ay naka-kontrata ako ngayon."
Yun bang sinasabi nilang husay mo sa pag-arte, minana mo kay Jay Ilagan? Anu-ano na yung mga pelikula niyang napanood mo?
"Hindi ko naman po talaga akalain na magiging artista ako. Si Tito Jay po, kapatid siya ng mother ko. Siguro po, sa kanya nga ako nagmana ng pag-arte. Napanood ko po yung Alyas Pogi 2 at Minsan, May Isang Gamugamo, kasama niya si Nora Aunor."
Sabi mo okay lang kayo ng mother mo, kamusta na yung father mong balitay namomroblema raw ngayon?
"Hiwalay na po sila ni mama. Nasa kulungan po siya ngayon. Nakasuhan daw po ng pagnanakaw. Hindi ko pa ho siya napuntahan, kasi marami akong trabaho. Humihingi nga po siya ng pang-piyansa pero hindi ko naman kaya, maliit pa lang naman po ang kinikita ko. Tapos may dalawa pa akong kapatid na pinag-aaral, hindi ko naman sila pwedeng pabayaan.
"At saka gusto ko na rin pong nakakulong siya, hindi po kami nag-aalala sa kanya. Kasi po kapag nasa labas siya, mas nag-aalala kami, dahil lagi siyang nasasangkot sa gulo." BEN DELA CRUZ

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended