^

PSN Showbiz

Josh, nagpapabili ng motorbike kay Kris!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Sa October 14 na magsisimula ang trial ni Nora Aunor sa drug case na kinakaharap niya sa Los Angeles, California. Mag-pray tayo na malampasan ng superstar ang kaso dahil three years in prison at deportation raw ang kaukulang sentensya ng katulad sa kinakaharap niyang kaso.

Laman siya ng isang mahabang article sa September 29 issue ng Los Angeles Times. Ikinumpara ng sumulat na si Gia-Rui Chong sa trial nina Michael Jackson at Martha Stewart ang pag-aabang ng mga Pinoy sa kaso ni Guy.

Ang maganda lang, kahit wala ang mga anak ni Guy sa tabi niya’y suportado siya ng maraming Noranians na nasa Amerika ngayon. Malaking tulong sa superstar na makitang may mga sumusuporta at naniniwalang wala siyang kasalanan.
* * *
Problema ni Kris Aquino ang hinihinging Christmas gift ng anak na si Josh sa kanya. Isang big four-wheel motorbike ang gusto ng bagets at natatakot si Kris dahil mabilis itong magpatakbo. Nagtatalo ang isip ni Kris kung pagbibigyan ang anak o hindi eh, gusto niya itong sumaya sa Pasko. Love raw nito ang kahit anong tumatakbong sasakyan at bike ang gamit nito sa pag-i-exercise. Hindi namin binanggit ang places kung saan nagba-bike si Josh for security reasons.

Samantala, may part two ang pagbebenta ni Kris ng kanyang mga damit na ginamit sa shooting o taping ng Pilipinas Game Ka Na Ba? Successful ang unang mala-garage sale na ginawa niya kaya, sa February 14, 2006, may naka-schedule uli’t mag-ipon na siya.
* * *
Mas close ang batch 2 ng StarStruck dahil hanggang ngayon, kapag may free time sila, they make it a point na magkita-kita’t magsama-sama para magkuwentuhan.

Sa fiesta kina CJ Muere sa San Pablo City sa Laguna two weeks ago, dumating ang SS 2 at sina Mike Tan, Ryza Cenon, Megan Aguilar, Aileen Luna at LJ Reyes lang ang wala’t may kani-kanyang trabaho.

Nasundan ang pagba-bonding ng grupo last week at sa bahay naman nina LJ sa may Fairview sila nagkita-kita. Altho’ sina Mike, Krizzy Jareño, Jelaine Santos, Cris Martin at Ken Punzalan lang ang nakarating, may effort silang mapanatiling close ang kanilang batch at wala kaming nababalitaang nag-aaway.

Ang batch 1 ng SS, nagkanya-kanya na’t sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Rainier Castillo at Yasmien Kurdi na lang ang madalas magkita.

Ang lalaki pala ng dalawang billboard ni LJ ng BUM G. Talagang titingalain mo ang billboard nila ni Danilo Barrios sa harap ng SM North Edsa at ‘yung solo billboard niya sa Boni, Mandaluyong. Alaga ng BUM si LJ dahil hanggang ngayon, kahit matagal na siyang na-i-launch, tuloy pa rin ang kanyang publicity.

vuukle comment

AILEEN LUNA

CRIS MARTIN

DANILO BARRIOS

GIA-RUI CHONG

JELAINE SANTOS

JENNYLYN MERCADO

KEN PUNZALAN

KRIS AQUINO

KRIZZY JARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with