Rufa Mae, wala pang engagement ring ni Rudy!
October 9, 2005 | 12:00am
Nami-miss na ni Rufa Mae Quinto ang boyfriend na si Rudy Hatfield, hindi siya sanay sa long distance affair.
"Gusto na niyang permanenteng manirahan sa Tate at di naman ako makasunod sa kanya dun dahil sa dami ng commitment," aniya.
Tinanong namin si Rufa Mae kung payag ba siyang maging mistress.
"Ayaw ko ngang maging illegal wife. Masarap ang pakiramdam kapag ikinasal kayo ng lalaking mahal mo. Hanggang ngayon nga ay wala pang ibinibigay na engagement ring sa akin si Rudy," dagdag pa nito.
Marami silang maiinit na eksena ni Jay Manalo sa ginagawa nilang movie.
"Komportable naman akong makasama si Jay dahil naging boyfriend ko siya when I was 18 years old at nanatili kaming mabuting magkaibigan," aniya.
Ilulunsad ng Animax Asia ang exclusive Philippine premiere ng Initial D-Fourth Stage ngayong araw na ito, 9PM.
Ginamit sa serye ang boses ni Angel Locsin sa role na female racer na si Kyoko Iwase. Tampok pa rin ang Karter of The Year na si Matteo Guidicelli bilang racing champion na si Takumi Fujiwara ang pangunahing karakter sa Initial D.
Pagkatapos ng Darna ay nais munang magpahinga ni Angel at gustong mag-aral ng martial arts bilang paghahanda sa susunod nitong teleserye.
Matagal na naming kakilala si Gabby Eigenmann at nakakausap na rin namin si Apple ang live-in partner nito sa mahabang panahon. Walong taon na ang kanilang relasyon at inamin ng aktor na masaya sila sa piling ng kanilang mga anak. Hindi niya kayang ipagpalit si Apple sa ibang babae dahil maasikaso ito sa pamilya at kuntento na siya sa pag-aalaga at pagmamahal nito sa kanila.
Kilala sa pagiging palikero ang amang si Mark Gil pero ayaw niyang tumulad dito dahil pangarap niyang maging buo at matatag ang magiging pamilya.
Bukod sa SOP ay kasama pa rin sa Sugo ang magaling na aktor kung saan ginagampanan nito ang papel ni Crisanto na magiging isang werewolf.
Busy ngayon si Camille Prats sa kanyang afternoon drama-series na Kung Mamahalin Mo Lang Ako under TAPE, Inc. at GMA 7. Maraming humahanga sa galing ng acting nito. Katambal niya si Oyo Boy Sotto pero imposibleng ma-link ito sa kanya dahil kay Angel Locsin. Naghiwalay na si Camille at ang bf na si Francis Ricafort kaya nakakapag-concentrate ito sa kanyang career.
Napabayaan ng Dos ang young actress kaya lumipat ito sa Siete kung saan may patutunguhan naman ang kanyang career.
Pahinga muna siya sa pag-ibig dahil gustong mag-concentrate sa kanyang trabaho at umaasa na muling pasisiglahin ang nanamlay na career.
Noong nasa Italy ang comedy actress ay nagtungo ito sa tindahan ng Louie Vitton. Itinabi niya ang dalang Louie Vitton na bag pero nakita ito ng saleslady.
Tinanong agad ito ng saleslady "What country are you from?"
"The Philippines," pagmamalaki ng aktres.
Sagot naman ng saleslady "No wonder, remove your fake Louie Vitton from our store."
Nahiya ang aktres at pakiramdam ay nawalan siya ng dignidad kaya inilabas ang kanyang credit card at bumili ng tatlong bag (LV) na nagkakahalaga ng P500,000.
Mula noon ay di na ito bumibili ng pekeng gamit.
"Kaya nga hanggang ngayon ay wala pa akong rolex watch kasi wala pa akong pambili ng genuine," anang aktres.
Ang komedyante ay isa ring singer, seksing seksi at in-demand sa TV at out-of-town shows dito at sa abroad.
"Gusto na niyang permanenteng manirahan sa Tate at di naman ako makasunod sa kanya dun dahil sa dami ng commitment," aniya.
Tinanong namin si Rufa Mae kung payag ba siyang maging mistress.
"Ayaw ko ngang maging illegal wife. Masarap ang pakiramdam kapag ikinasal kayo ng lalaking mahal mo. Hanggang ngayon nga ay wala pang ibinibigay na engagement ring sa akin si Rudy," dagdag pa nito.
Marami silang maiinit na eksena ni Jay Manalo sa ginagawa nilang movie.
"Komportable naman akong makasama si Jay dahil naging boyfriend ko siya when I was 18 years old at nanatili kaming mabuting magkaibigan," aniya.
Ginamit sa serye ang boses ni Angel Locsin sa role na female racer na si Kyoko Iwase. Tampok pa rin ang Karter of The Year na si Matteo Guidicelli bilang racing champion na si Takumi Fujiwara ang pangunahing karakter sa Initial D.
Pagkatapos ng Darna ay nais munang magpahinga ni Angel at gustong mag-aral ng martial arts bilang paghahanda sa susunod nitong teleserye.
Kilala sa pagiging palikero ang amang si Mark Gil pero ayaw niyang tumulad dito dahil pangarap niyang maging buo at matatag ang magiging pamilya.
Bukod sa SOP ay kasama pa rin sa Sugo ang magaling na aktor kung saan ginagampanan nito ang papel ni Crisanto na magiging isang werewolf.
Napabayaan ng Dos ang young actress kaya lumipat ito sa Siete kung saan may patutunguhan naman ang kanyang career.
Pahinga muna siya sa pag-ibig dahil gustong mag-concentrate sa kanyang trabaho at umaasa na muling pasisiglahin ang nanamlay na career.
Tinanong agad ito ng saleslady "What country are you from?"
"The Philippines," pagmamalaki ng aktres.
Sagot naman ng saleslady "No wonder, remove your fake Louie Vitton from our store."
Nahiya ang aktres at pakiramdam ay nawalan siya ng dignidad kaya inilabas ang kanyang credit card at bumili ng tatlong bag (LV) na nagkakahalaga ng P500,000.
Mula noon ay di na ito bumibili ng pekeng gamit.
"Kaya nga hanggang ngayon ay wala pa akong rolex watch kasi wala pa akong pambili ng genuine," anang aktres.
Ang komedyante ay isa ring singer, seksing seksi at in-demand sa TV at out-of-town shows dito at sa abroad.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended