^

PSN Showbiz

Kuya Germs, binihisan!

- Veronica R. Samio -
Kahapon, sa UP Theater na kung saan ginanap ang SOP Music Awards, nakita ko na muling bumalik ang mainit na pagtanggap ng tao sa mga banda, at maging solo o group singers. Hindi pa man nananalo si Bamboo bilang winner sa kategorya ng Strictly Alternative ay hindi na magkamayaw sa pagsigaw at pagbubunyi ng audience sa kanya.

Isang kasama ko nga sa panulat na hindi siya kilala ay nakipag-unahan na sa pag-interview sa kanya matapos ang bigayan ng awards. Katwiran niya ay napaka-gwapo raw nito.

Maski na yung mga di na gaanong bagets ay hungos sa table ng Cueshe para makausap ang mga myembro ng Cebuano band na ngayon ay paborito ng mga Manilenyo. Di ako makasingit. Nakipag-share na lamang ako ng notes sa isang kasamahan na nakatabi ng bokalistang si Jay sa mesa. Nanalo ang grupo bilang Breakthrough Recording Artist dahil sa lakas ng kanilang awiting "Stay". Mahigpit na nakalaban nila ang grupong Hale, isa pa rin sa tiniliang banda.

Pero, ang paborito ko, dahil di lamang mga bago ang kinakanta nila kundi nagre-revive din sila ng mga awitin na sumikat nung kapanahunan ko ay ang duetong MYMP, sina Juris at Chin, ‘nanalong Revive ‘05 at Viewer’s Choice for Artist of the Year.

Sayang at lost si Nyoy Volante na talaga namang napaka-galing na performer. Akala ko exceptional na siya sa kanyang Beatles’ concert sa Oriental Mandarin pero yung revival niya ng "Panaginip" ng APO ay di mapasusubalian. Sayang at di pwedeng kumuha ng mahigit sa isang winner.

Ang iba pang nanalo sa 2nd SOP Bling Bling Music Awards ay sina Aikee, Stand Out Rap, at ang "I Know" ni Yasmien Kurdi bilang Viewer’s Choice for Song of the Year.
* * *
Happy ako para sa aking friend na si Kuya Germs, after so many years ay binigyan siya ng importa ng GMA sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanyang programang Master Showman na ngayon ay Walang Tulugan Kasama ang Master Showman, Sabado, 12:00 NG, ng isang napaka-gandang set. Matutuwa di lamang ang mga local viewers ng show kundi maging ang maraming manonood nito sa US. Heard na No. 1 ito sa GMA Pinoy TV sa US kaya deserving lamang ang Master Showman ng special treatment from the network.

Sana rin nga suportahan ng budget ang programa para maka-imbita ng mga malalaking star at di yung kung ano na lang kinukuhang produkto ni Kuya Germs para mayro’n lamang maipamigay sa mga naggi-guest sa kanya.

May isa lamang akong puna, okay na yung alisin nila yung mga glittery suits ni Kuya Germs pero sana wag ganun ka-drab yung mga ipinasusuot nila sa kanya. Para lang siyang papasok sa opisina. Paging the designer, Raul Ramirez.

Happy birthday nga pala sa aking long-time friend.
* * *
Mayro’n na namang dahilan para magbunyi ang isa ko pang friend na si Pocholo, Mallilin. Nanalo ang kanyang Club Mwah bilang Most Outstanding Theater-Bar sa 23rd Annual National Consumers Quality People’s Choice Awards.

Salamat din sa pamunuan na nagtataguyod nito sa aking award bilang Media practitioner. I would have personally accepted my trophy kung di lamang ako nagkaro’n ng konting aksidente nang mahulog ako sa steps ng AFP Theater a few minutes before the awards.

Nanalo rin ang iskwelang pinamamahalaan ni Pocholo, ang Dance Diva School for the Performing Arts sa TESDA.

May offer ang Club Mwah to perform para sa Filipino community sa Las Vegas at Toronto Canada bago matapos ang taong ito.
* * *
E-mail: [email protected]

ANNUAL NATIONAL CONSUMERS QUALITY PEOPLE

ARTIST OF THE YEAR

BLING BLING MUSIC AWARDS

BREAKTHROUGH RECORDING ARTIST

CLUB MWAH

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

NANALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with