^

PSN Showbiz

Kristopher Peralta, balik-showbiz

-
Inamin ni Kristopher Peralta, he’d rather have a simple but attractive woman, than an aggressive ones. Mas preferred kasi niyang siya ang driver kaysa sa passenger.

Isang simpleng kasalan by the beach ang pangarap niya when he settles down with the lady he loves, but that will come in about five more years, mag-iipon daw muna siya.

Thirteen years na sa show business si Tupe (tawag sa kanya ng mga kaibigan) at nakagawa na siya ng isang dosenang pelikula. Mistrio, Nagbibinata at Now That I Have You ang ilan dito.

Pero, nawala siya saglit sa limelight, ano ang ginawa mo, tanong namin kay Tupe?

"Mga two years po yun, tumigil ako sa pag-aartista and concentrated on a business with some friends. Itinayo namin ang City Jam Bar and Resto along Katipunan Road in Quezon City. May performers kami every night at kadalasan ay mga banda ang tumutugtog.

"Under renovation kami ngayon, kaya naisipan kong magbalik-showbiz. It’s a good thing na kahit wala akong kontrata sa Dos, napasama agad ako sa Vietnam Rose.

"Supporting role ako rito sa Vietnam Rose, ako yung batang Ricky Davao. Makikita kami sa pagsisimula ng serye. Napakalaking bagay nito para sa akin. And I consider this break as a good start at sana’y magtuluy-tuloy na."

Inamin ni Tupe na nagkaroon na siya ng non-showbiz girlfriend at tumagal ang kanilang relasyon ng five years. Naging ka-on din daw niya si Tanya Garcia, pero four months lang sila tumagal. — Ben Dela Cruz

BEN DELA CRUZ

CITY JAM BAR AND RESTO

INAMIN

KATIPUNAN ROAD

KRISTOPHER PERALTA

NOW THAT I HAVE YOU

QUEZON CITY

TUPE

VIETNAM ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with