^

PSN Showbiz

Angel Locsin, sakitin na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nagiging masasakitin lately si Angel Locsin dahil sa rami ng trabaho. Non-stop ang mga commitment nito sa telebisyon at pelikula. Madalas ubuhin ang magandang aktres at madaling kapitan ng bronchial infection.

"Kalaban ko kasi Tita ang sobrang puyat. Halos araw-araw ang taping namin ng Darna at pagkatapos nito ay diretso ako sa syuting ng Mulawin The Movie. Mahirap gawin ang dalawang ito dahil puno ng special effects. Ang movie namin ni Richard Gutierrez na I Will Always Love You ay gagawin na lang pang-Valentine ng Regal," anang aktres.
Boyet, Magpoprodyus Ng HD Movie
Nakakwentuhan namin si Christopher de Leon sa presscon ng Now and Forever 3 (Agos) kung saan sinabi nitong hindi siya naniniwala na tuluyan nang mamamatay ang industriya ng pelikulang Tagalog. Isa sa maitutulong ng mga artista ay ang pagpoprodyus ng mga digital films para tuluy-tuloy ang pagpapalabas ng mga pelikula.

Ang HD (high dimension) movie titled Nasaan si Francis ay prodyus ni Boyet kasama ang Unitel Pictures na tatampukan ni Paolo Contis, Rico Ponti, Tanya Garcia at Julia Clarete.

Sa kabilang banda, gustung-gusto ni Boyet ang role niya sa Agos bilang isang sundalo kung saan ito lang ang papel na hindi pa niya nagagampanan. Kung hindi naging artista si Boyet ay sinabi nitong baka isa na siyang sundalo kahit ang kinuha nitong kurso ay Fine Arts major in Advertising.

Magsisimula na rin siyang magsyuting ng Blue Moon under Regal Films kung saan gaganap siya bilang ama ni Dennis Trillo. Kasalukuyang nasa abroad si Boyet para sa series of show sa Texas, California at New York.
Pauleen, Pinagseselosan Ni Jenny?
Ang ganda-ganda ni Pauleen Luna nang makausap namin ito sa presscon ng Agos kaya lang may baby fats pa ito. Sa rami ng blessings na natatanggap nito ay gusto na niyang kalimutan ang mga nangyari sa kanyang buhay kaya pinatawad na niya si Kristine Hermosa.

Iisa ang manager ni Pauleen at Mark Herras pero hindi pa sila gaanong nag-uusap kaya nagtataka ito sa balitang pagli-link sa kanya kay Mark na naging dahilan daw para pagselosan siya ni Jennylyn Mercado. Close naman sila ni Jenny kaya walang dapat ikabahala ang mga fans dahil parang magkapatid sila ni Mark.
Alma C., Abala Sa Tiyangge
Namimili kami ng accessories sa tiyangge ng sixth floor ng Pacific Star kung saan dun kami nag-oopisina nang makita namin si Alma Concepcion. Maganda pa rin ito kahit walang make-up nang makausap namin at would you believe na umaasiste ito sa mga namimili sa kanyang tiyangge kung saan may kasosyo naman itong kaibigan.

"Nalilibang ako rito Tita sa ginagawa ko. Kapag walang taping o syuting ay narito ako sa aming tiyangge. Ayaw ko kasi ng walang pinagkakaabalahang trabaho," sey nito.

Visible pa rin sa telebisyon si Alma at madalas na maimbitahan sa mga talk shows.
Aktres, Inililihim Ang Booking Sa Manager
Nabuking din ang paglilihim ng ama at ng aktres kapag may booking sila sa ibang bansa. Mismong isang aktor ang nagsusumbong sa manager tungkol sa kanyang alaga na nakasama niya sa show sa abroad. Ang nagbo-book pala sa kanyang alaga ay ang ama nito na kakuntsaba ang promoter.

Makikipagkita ang manager sa kanyang abogado para padalhan ng sulat ang aktres at ama nito dahil sumisira sila sa kanilang kontrata kung saan nakasaad na lahat ng booking nito ay dadaan sa kanya.

vuukle comment

ABALA SA TIYANGGE

ALMA C

ALMA CONCEPCION

ANGEL LOCSIN

BLUE MOON

BOYET

CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with