^

PSN Showbiz

Jean nagdadasal na makagawa ng recipe para sa bagong papa

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Naiiba ang tambalang Eula Valdez at Jean Garcia. Sa showbiz, sila lang ang tandem na parehong babae!

Unang napansin ang Eula-Jean team sa hit TV soap na Pangako Sa ‘Yo. Nauna rito kung paano sila naging magkaibigan.

Nagkasama sina Jean Garcia at Eula Valdez bilang teammates sa isang volleyball team para sa Star Olympics. Nag-klik agad ang kanilang unang teamwork.

Kaya naman nang magkatagpo sila bilang Madam Claudia at Amor na nag-aagawan sa isang lalaki, si Eduardo na ginampanan ni Tonton Gutierrez.

Naging bukambibig ng sambayanan sina Jean at Eula dahil sa kanilang makatotohanang pagganap sa Pangako Sa ‘Yo.

Sa kasalukuyan, magkasama silang muli bilang magkapatid sa Kampanerang Kuba. Mga naiibang papel naman ang ginagampanan nila dito at hindi kasimbigat ng mga nauna nilang roles.

Dahil nga sa patuloy ng kanilang tandem, nagkaroon ng sariling show sina Eula at Jean. Ngayon sila na talaga ang bida (hosts) sa cooking show na Makuha Ka Sa Tikim.

Tungkol sa pagluluto ang show at kailangan talagang may sapat na kaalaman sa kalakaran sa kusina sina Jean at Eula upang mag-host ng ganitong klaseng palabas sa TV.

Isang Kapampangan si Jean na ang mga magulang ay mula talaga sa Pampanga. Kaya naman confident siya na isang mahusay na kusinera.

Si Eula naman ay may alam sa pagluluto at baking, na mahirap talagang gawin kahit ng isang marunong magluto. Sabi pa niya talagang adventurous siya, kaya’t nagagawa niya ang gusto niya sa kusina.

Iba’t ibang putahe ang hatid nina Eula at Jean sa Makuha Ka Sa Tikim. Pero hanggang ngayon, dasal pa rin ni Jean na makagawa ng tamang recipe upang mapakain ang isang lalakeng mahihikayat na maging partner niya habang buhay.

Pagkatapos kasi ng affair niya kay Gardo Versoza, nali-link naman siya kay Joey Marquez. Wala pang pag-amin mula sa magkabilang dinadawit sa isang bagong romansa, at patuloy na sinasabi ni Jean na sana nga ay magkaroon na siya ng lifetime partner.
* * *
Dapat talagang mapanood ninyo ang mga monologues na Truman/Taong Grasa na ginampanan ni Lou Veloso.

Bukod sa very entertaining ang dalawang magkaibang monologue na sabay tinatanghal ng Gantimpala Theater Foundation, sa direksyon ni Tony Espejo, may kakaibang atraksyon talaga ang teatro na hindi natin mararanasan sa ibang entertainment medium.

Ang Truman ay orihinal na likha ni Jose Javier Reyes, na muling sinulat ni J. Dennis Teodosio upang bigyan ng pangkasalukuyang kaganapan.

Sinulat naman ng Palanca literary grand prize winner na si Dr. Anton Juan ang Taong Grasa na masasabing black comedy.

Maaring magtanghal sa inyong mga kompanya o paaralan ang Truman/Taong Grasa. Makipag-ugnay sa Gantimpala Theater Foundation, telephone nos. 536-5860, 528-0603.

ANG TRUMAN

EULA

EULA VALDEZ

GANTIMPALA THEATER FOUNDATION

JEAN

JEAN GARCIA

MAKUHA KA SA TIKIM

PANGAKO SA

TAONG GRASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with