^

PSN Showbiz

Reggie, Polo, mga bagong manliligaw ni Ara Mina!

RATED A - Aster Amoyo -
Ang Business Unit Head ng ABS-CBN na si Linggit Tan ang nakapanood ng programang Big Brother sa Australia noong isang taon at agad niya itong ni-recommend sa top guns ng Star Network nang siya’y bumalik ng Maynila na agad namang sumang-ayon sa konsepto ng programa.

Medyo tumagal ang negosasyon at conceptualization ng programa bago ito tuluyang naisakatuparan dahil kung gaano ka-liberal sa ganitong format ang ibang bansa ng pinagpapalabasan ng Big Brother ay kailangan naman ito’ng i-adjust sa kultura ng Pinoy audience. Ang Big Brother show ay nag-originate sa Holland at isang Dutch company ang nagmamay-ari sa programa at franchise nito.

Mahigit isang buwan nang namamayagpag sa ere ang Pinoy Big Brother at sikat na sikat na sa mga manonood ang mga housemates na kinabibilangan na lang nina Nene, Racquel, Jayson, Bob, Cass, Chx, Say, Uma, Franzen at ang bagong pasok na balikbayan na si Sam. 

Samantala, panay ang kantiyaw namin kay Direk Laurenti Dyogi na siya si Big Brother pero sumusumpa ito na hindi raw talaga siya.  Co-producer siya ng programa at director sa live show tuwing Sabado ng gabi.  Bukod kay Big Brother na hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa lahat ng mga manonood at sa housemates, hindi rin makikita ng mga housemates ang coach, phychotherapist, psychologist, physician at psychiatrist na si Dr. Randy Misael Sebastian.

Tulad ni Big Brother, nasa isang mysterious confession box din si Dr. Sebastian.  Nakikita ni Dr. Sebastian ang mga housemates sa TV monitor habang ang boses lamang niya ang naririnig at nakakausap ng housemates.  Si Dr. Sebastian bale ang tumatayong counselor ng housemates.

Napag-alaman namin kay Bb. Linggit Tan na manalo’t matalo ang mga housemates ay may naghihintay sa kanilang lahat na build-up contract mula sa Star Magic.  Ang unang natanggal sa PBB na si Rico ay kasama na sa cast ng Gulong ng Palad na malapit nang mapanood sa telebisyon.  Hinahanapan naman sina JB at Jenny ng programang mapapaglagyan sa kanila.
* * *
Samantala, gaano kaya katotoo na sina Polo Ravales at Reggie Curley ang bagong manliligaw ngayon ng Bubble Gang mainstay na si Ara Mina?  Magda-dalawang taon na ring hiwalay si Ara sa ex-husband ni Aiko Melendez na si Jomari Yllana at pareho na silang nakapag-move on.
* * *
Nagsimula nang mag-shoot ang OctoArts Films at M-Zet Productions ng kanilang joint venture, ang Enteng Kabisote (The Legend Continues) bilang sequel sa matagumpay na Enteng Kabisote na naging kalahok sa 2004 Metro Manila Film Festival at tinanghal na top grosser.

Ang Enteng Kabisote (The Legend Continues) na pamamahalaan pa rin ng box office director na si Tony Y. Reyes ay pangungunahan pa rin ng TV host-comedian-producer na si Vic Sotto kasama sina Kristine Hermosa, Alice Dixson, Michael V., Oyo Boy Sotto, Melanie Marquez, Aiza Seguerra, Jackielou Blanco, Bing Loyzaga at marami pang iba.   

Magaganda ang entries ng MMFF sa taong ito pero hindi nababahala si Direk Tony Reyes dahil maganda rin umano ang entry ng OctoArts at M-Zet at  iba umano ang appeal ni Vic sa mga manonood laluna pagdating sa mga bata.
* * *
Ang actor na si Lorenzo Tata Mara ay na-diagnose ng Spinal Stenosis (cervical in lumbar nerve compression) at kailangan siyang maoperahan kaagad. 

Kapag hindi umano ito naagapan, maaari siyang maparalisa mula sa kanyang leeg pababa.  Isang fund-raising show ang binuo para makalikom  sa pagpapagamot ni Lorenzo na gaganapin sa Strumms sa darating na October 5.  Ang tickets ay mabibili sa halagang P1,000.00.
* * *
E-mail: [email protected]

BIG BROTHER

CENTER

DR. SEBASTIAN

ENTENG KABISOTE

LEGEND CONTINUES

LINGGIT TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with