^

PSN Showbiz

BJ, magbibida na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa presscon ng Ispiritista na tinatampukan ni Vic Sotto ay nakita naming sinusubuan ni Mommy Annie Forbes ang anak na si BJ na lalong kilala sa tawag na Tolits. Tinanong namin ang mommy nito kung dependent ba sa kanya ang anak.

"Ngayon ko lang sinubuan dahil baka mamantsahan ang damit. Baka tawagin na silang cast kaya ako na ang nagsubo sa kanya para maging madali ang pagkain nito. Siya na nga rin ang nagpapaligo sa sarili," anang mommy.

Sa kabilang banda, sinabi ni Direk Tony Reyes na pwede nang magdala ng pelikula ang batang aktor pero sa isang taon pa.

"Matapos niyang gawin ang Exodus ay malamang na sikat na sikat na ito," sey ni direk.
Forever Crush Si Richard
Tatlo na ang pelikulang nagawa ni Bianca King. Kasalukuyan nitong ginagawa ang Mulawin The Movie na pang Metro Manila Filmfest ng GMA Films.

Kontrabida si Bianca sa I Will Always Love You na kung saan ay naging nobya siya ni Richard Gutierrez pero nang maghiwalay ay si Angel Locsin ang binalingan ng aktor.

Inamin ni Bianca na magiging crush niya forever ang aktor. "He’s more than a family friend. I know a lot of stories about Richard at nanatili kaming mabuting magkaibigan," anang aktres.
Angelica J., Lucky Charm Ng Programa
Tuwang-tuwang ibinalita sa amin ni Beth Jones, mommy ni Angelica na marami nang pumapasok na sponsors sa Chowtime Na nakakapagbigay na rin ang programa ng P400,000 na halaga ng bahay bukod pa sa mamahaling sasakyan.

Ibinalita rin ni Mommy Beth na kahit naiintrigang sintunado ang boses ng anak ay hindi apektado ang show, lalo lang itong sumisikat dahil maganda ang kanyang PR.

Masaya ang flawless beauty dahil tanggap na siya ng pamilya nito at nakakabunggong braso nito ang mga taga-alta sosyedad dahil sa nobyo.
Blind Item: Call Boy Ng Bakla At Matrona
Sumikat sa komersyal ang isang sexy actor. Nawala ito nang maintrigang nagdu-droga. Nang magbalik-showbiz ay kumuha ng ibang manager at nagpalit pa ng pangalan.

Namimik-ap na lang ito ngayon ng mayayamang bading at matrona. Pinakamababang singil nito sa bading ay P1,500 at sa matrona naman ay P5,000. Wala nang nangyari sa kanyang career ngayon kaya nakikipag-one night stand na lang ito.

Ang dating gwapong mukha ay medyo nabawasan na ng ganda pero, malakas pa rin ang sex appeal nito.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANGELICA J

BETH JONES

BIANCA

BIANCA KING

BLIND ITEM

CALL BOY NG BAKLA AT MATRONA

CHOWTIME NA

DIREK TONY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with