Ruffa, pinauwi agad ng mister!
September 28, 2005 | 12:00am
Pabalik na ng Istanbul, Turkey ang mag-iinang Ruffa Gutierrez, Lorin at Venice sa Oktubre 3 ng gabi. Na-shorten ang kanilang bakasyon ng isang linggo dahil pinababalik na sila ng mister ni Ruffa na si Yilmaz Bektas pero babalik sila rito sa buwan ng Enero.
Kung tutuusin, hindi rin bakasyon ang ipinunta rito ni Ruffa kundi trabaho rin sa tight ng kanyang schedule ng TV guestings, tapings, photo shoots at iba pa. Pero enjoy ito dahil miss na niya ang showbiz lalo pat isang taon ang kanyang binilang bago siya nakabalik ng Pilipinas.
Tinanong namin si Ruffa kung bakit bihira nang magbakasyon ng Pilipinas ang kanyang mister na si Yilmaz. Ayon kay Ruffa, natrauma umano si Yilmaz nang lumabas ang isyu tungkol sa dati nitong karelasyon sa Turkey na si Selen bago pa man dumating sa kanyang buhay si Ruffa.
Ayon kay Ruffa, adjusted na umano siya sa kanyang buhay kapiling si Yilmaz at mga bata sa Istanbul. Mahigit dalawang taon nang kasal sina Ruffa at Yilmaz at magsi-celebrate sila ng kanilang ikatlong wedding anniversary sa buwan ng Marso sa susunod na taon.
Kasundo ni Ruffa ang kanyang in-laws sa Istanbul at meron na rin umano siyang sariling set of friends doon. Fluent na rin si Ruffa sa pagsasalita ng Turkish dahil nagpa-tutor siya roon.
Very proud si Ruffa sa tagumpay ng career ng kanyang nakababatang kapatid na si Richard Gutierrez.
"Im so happy for Richard. Malayo man ako sa pamilya ko, at least, nariyan si Richard to help my family," ani Ruffa, ang pinakabagong image model ng Calayan Surgicentre nina Dr. Manny at Dra. Pie Calayan.
Speaking of the couple, Dr. Manny at Dra. Pie Calayan, napakaganda ng PR ng mag-asawang ito kaya naman napakabilis ng kanilang pag-asenso sa kanilang propesyon.
Sa kabila ng pagiging abala ng celebrity couple, may panahon pa rin silang dumalo sa ibat ibang imbitasyon sa kanila lalo na sa kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Nagsisilbi rin silang stage parents sa kanilang bunsong anak na si Andrea Calayan (9) na pinasok na rin ang magulong daigdig ng showbiz.
Si Dra. Pie ay may sariling segment sa Liga ng Kagandahan ng Unang Hirit. Meron na rin itong sariling TV commercial kaya saan man ito magpunta ay kilalang-kilala siya ng tao. Kung tutuusin, hindi na kailangan pang kumuha ang mag-asawang Calayan ng ibang celebrity endorser ng Calayan Surgicentre dahil si Dra. Pie ay pwedeng-pwedeng maging modelo mismo ng sarili nilang serbisyo. Bukod kasi sa maganda at sexy, napakakinis pa ng balat ni Dra. Pie.
Sa pagpasok ng GMA sa Zoe 11 na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva, kakaibang programming na naman ang nakatakdang ilakad ng TV network na binago na ang pangalan at ginawang QTV.
Sa pagpasok ng QTV, tiyak na itoy makakapag-generate ng maraming trabaho hindi lamang para sa production people kundi lalo na na sa maraming talents, although karamihan pa rin sa mga ito ay magmumula sa pool of talents ng GMA.
Samantala, ano na kaya ang nangyari sa ABC-5 magmula nang itoy mabili ng businessman na si Tonyboy Cojuangco? Ang buong akala kasi ng marami ay tuluy-tuloy na ang pagiging aggressive ng nasabing network magmula nang magbago ang management nito. Kung hindi kikilos ang ABC-5, baka itoy mapag-iwanan pa ng QTV na nakatakdang magkaroon ng grand launch sa November 21 na may mahigit 20 bagong programa na ipapakilala.
E-mail: [email protected]
Kung tutuusin, hindi rin bakasyon ang ipinunta rito ni Ruffa kundi trabaho rin sa tight ng kanyang schedule ng TV guestings, tapings, photo shoots at iba pa. Pero enjoy ito dahil miss na niya ang showbiz lalo pat isang taon ang kanyang binilang bago siya nakabalik ng Pilipinas.
Tinanong namin si Ruffa kung bakit bihira nang magbakasyon ng Pilipinas ang kanyang mister na si Yilmaz. Ayon kay Ruffa, natrauma umano si Yilmaz nang lumabas ang isyu tungkol sa dati nitong karelasyon sa Turkey na si Selen bago pa man dumating sa kanyang buhay si Ruffa.
Ayon kay Ruffa, adjusted na umano siya sa kanyang buhay kapiling si Yilmaz at mga bata sa Istanbul. Mahigit dalawang taon nang kasal sina Ruffa at Yilmaz at magsi-celebrate sila ng kanilang ikatlong wedding anniversary sa buwan ng Marso sa susunod na taon.
Kasundo ni Ruffa ang kanyang in-laws sa Istanbul at meron na rin umano siyang sariling set of friends doon. Fluent na rin si Ruffa sa pagsasalita ng Turkish dahil nagpa-tutor siya roon.
Very proud si Ruffa sa tagumpay ng career ng kanyang nakababatang kapatid na si Richard Gutierrez.
"Im so happy for Richard. Malayo man ako sa pamilya ko, at least, nariyan si Richard to help my family," ani Ruffa, ang pinakabagong image model ng Calayan Surgicentre nina Dr. Manny at Dra. Pie Calayan.
Sa kabila ng pagiging abala ng celebrity couple, may panahon pa rin silang dumalo sa ibat ibang imbitasyon sa kanila lalo na sa kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Nagsisilbi rin silang stage parents sa kanilang bunsong anak na si Andrea Calayan (9) na pinasok na rin ang magulong daigdig ng showbiz.
Si Dra. Pie ay may sariling segment sa Liga ng Kagandahan ng Unang Hirit. Meron na rin itong sariling TV commercial kaya saan man ito magpunta ay kilalang-kilala siya ng tao. Kung tutuusin, hindi na kailangan pang kumuha ang mag-asawang Calayan ng ibang celebrity endorser ng Calayan Surgicentre dahil si Dra. Pie ay pwedeng-pwedeng maging modelo mismo ng sarili nilang serbisyo. Bukod kasi sa maganda at sexy, napakakinis pa ng balat ni Dra. Pie.
Sa pagpasok ng QTV, tiyak na itoy makakapag-generate ng maraming trabaho hindi lamang para sa production people kundi lalo na na sa maraming talents, although karamihan pa rin sa mga ito ay magmumula sa pool of talents ng GMA.
Samantala, ano na kaya ang nangyari sa ABC-5 magmula nang itoy mabili ng businessman na si Tonyboy Cojuangco? Ang buong akala kasi ng marami ay tuluy-tuloy na ang pagiging aggressive ng nasabing network magmula nang magbago ang management nito. Kung hindi kikilos ang ABC-5, baka itoy mapag-iwanan pa ng QTV na nakatakdang magkaroon ng grand launch sa November 21 na may mahigit 20 bagong programa na ipapakilala.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended