^

PSN Showbiz

28 yrs old lang milyonaryo na!

- Veronica R. Samio -
Apat na taon na ang nakakaraan nang mahawakan ni Enrico Roque ang kanyang kauna-unahang milyong piso.

Pero, ngayon lamang kinikilala ng marami ang kanyang naging pagpupunyagi, dahil ngayon lamang naman siya pumapayag na magpa-interbyu at ikwento ang kanyang buhay na inaasahan niyang magbibigay ng inspirasyon sa marami para rin sila magpursigi at magpunyagi.

Sa gulang na 32, nagmemeari na siya ng 31 sangay ng Bodega ng Bayan, isang appliance store na nagsimula sa kanyang lugar sa Pandi, Bulacan pero ngayon ay nagsisimula nang maging nationwide. Ngayong hapon, bubuksan ang kanyang ika 31st na branch sa Pasig at ang gugupit ng ribbon ay sina Rosanna Roces at Ramon Tulfo. Inaasahang dadaluhan ang grand opening ng mga kasamahan niya sa negosyo, mga kaibigan at mga kasamahan sa showbiz, na kung saan ay maituturing na isang baguhan si Rico na bagaman at wala pang nagagawang pelikula ay ilang ulit nang napanood sa TV. Katunayan, ang kanyang filmbio ay inihahanda na ng Maalaala Mo Kaya.

Si Rico rin ang may-ari ng Tito Aga’s food chain na mayro’n nang 14 branches sa Kamaynilaan.

Nagsimula lamang ang Bodega ng Bayan nang iwan kay Rico ng kaibigan niyang Tsino ang pamamahala ng negosyo nitong appliances.

Hindi sinasadya ang pagkikilala nila ng nasabing negosyanteng Intsik. Minsan ay na-stranded ang sinasakyan nito sa baha. Si Rico ang tumulong para maiahon ito, katulong ang ilang mga tao na tinawag nito para sila matulungan. Naging simula yun ng kanilang pagkakaibigan. At ng pagiging isang matagumpay na negosyante ni Rico, at pagiging isang milyonaryo.
* * *
Simula sa buwan ng Oktubre, mapapanood sa ABS CBN ang isang palabas na magpapakita ng kwento ng mga Pinoy na nakikipaglaban sa ibang bansa, mga bayani ng bagong henerasyon na ang buhay ay kapupulutan ng aral ng mga naiwan nila sa ‘Pinas.

Pinamagatang Nagmamahal, Kapamilya, ito ay hosted by Bernadette Sembrano kasama ang DFA, POEA, NAITAAS, PTA, OWWA at TFC.

Excited si Bernadette sa kanyang bagong programa sapagkat dahil dito, muli niyang nakakapiling at nakikita ang pamumuhay ng mga simpleng tao, mga taong nagpapayaman sa buhay niya. Sa pamamagitan din ng programa magagawa niyang paglapitin ang puso ng mga Kapamilya sa buong mundo.

May magandang theme song ang programa na pinamagatang "Dahil Nagmamahal" na kinanta ni Sheryn Regis. Kasama ito sa bagong album ni Sheryn sa Star Records na pinamagatang "What I Do Best".
* * *
Proud ako sa aking kaibigang si Jobert Sucaldito. Bukod sa isa itong matagumpay at kontrobersyal na entertainment journalist at host ng isang malaganap na programa sa radyo, ang Showbiz Mismo sa DZMM, magbubukas pa rin ito ng kanyang Rich Sea outlet sa Timog Ave, malapit sa ABS CBN na kung saan siya ay nagtatrabaho.

Ang Rich Sea ay isang kumpanya na nagma-manufacture at nagdi-distribute ng mga processed marine products tulad ng tuna mula sa GenSan, seafood sa Zamboanga City, squidballs, kikiam at marami pang iba na ini-export natin sa Korea. Pag-aari nito ni Rica Tay Nazareno na kung saan kumuha ng franchise si Jobert.

Nakakita ng kanyang ka-partner si Rica, isang Filipino-Chinese businesswoman, si Rosa Tan Go, at sa Oktubre 15, bubuksan ang kanilang joint venture sa Paseo de Magallanes, Makati, ang Rich Sea’s Fish and Seafood Restaurant na kung saan "Sa halagang P100 lang, busog na busog ka na!" anang magkasosyo.
* * *
E-mail: [email protected]

BAYAN

BERNADETTE SEMBRANO

DAHIL NAGMAMAHAL

ISANG

KANYANG

RICH SEA

RICO

SI RICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with