^

PSN Showbiz

Nadadagdagan ang mga "kaaway" ni Ara Mina!

-
Inamin ni Ara Mina na talagang hindi sila nag-uusap ni Carmina Villaroel at maski raw magkita sila ay hindi pa rin sila nagpapansinan tulad nung nag-guest siya sa Sis two weeks ago dahil ka-join siya sa friends of Dra. Vicki Belo na nag-donate para sa isinasagawang tiangge ng programa.

"Civil lang pag nagkikita, at saka wala naman dapat pag-usapan," sambit ni Ara.

Nabanggit namin kay Ara na tinarayan siya on air ni Carmina tungkol sa CD album na i-dinonate ni Ara na hindi raw nabibili at si Reggie Curley lang ang pumakyaw.

"Ah, talaga? I don’t care kung ano ang gusto niyang sabihin, basta ako wala akong pakialam," one line ni Ara na nagawa pa ring ngumiti maski na halatang iritable sa isyu.

Nagpaliwanag naman si Ara tungkol sa tampo sa kanya ng isa sa host ng The Buzz na si Boy Abunda dahil hindi raw siya nagpa-interbyu.

"Na-interbyu ako, hindi ko lang sinagot ˜yung isyu tungkol sa kapatid kong si Cristine (Reyes) kasi ayoko nang lumaki pa, pero lahat sinagot ko, pati yung Polo Ravales, e, hindi yata nagustuhan kaya hindi umere.

"Tine-text ko si kuya Boy, hindi ako sinasagot, siguro busy na, pero alam ko isang araw magkikita rin kami at mag-uusap," say ng aktres.
* * *
Nilapitan kami ng isang Hero Angeles fan at tinanong kami kung totoo ang nabalitaan niyang kinuha na ng Tape, Inc. ang kanyang idolo dahil nga pinakawalan na ito ng Star Magic.

Tinawagan namin si Ms. Malou Choa-Fagar, over all chairman ng Eat Bulaga at executive ng Tape, Inc. tungkol kay Hero at ang kumpleto niyang sagot, "Alam mo, maraming nagtatanong na sa akin yan, natatawa ako kung saan nanggagaling ‘yan. I don’t even know him, I don’t even know how he looks like. Walang ganun, hindi totoo." At kaagad naming sinabing, "He’s good-looking" at sinagot kami ng, "Sabi nga, pero hindi ko pa siya nakikita at for the record, extended for another 4 months ang soap drama namin."

Nagdadalawang isip tuloy kami kung saan galing ang isyung kinukuha si Hero ng TAPE, Inc., di kaya ito ang pinapa-float ng kampo ng first Star Circle Quest grand questor na baka sakaling bawiin ng Star Magic ang kanilang desisyon na pakawalan na siya dahil ‘til September 30 na lang ito?
* * *
Hindi halatang may iringang nangyari sa pagitan ng grupong Hot Tsikz at Wow Girls ng launching ng album nila na ginanap sa Djaka Bar dahil hindi kumibo ang mga alaga ng katotong Roldan Castro.

Napaso at nagkasugat ang puwet ni Samantha Silver, isa sa Hot Tsikz nung naupuan niya ang pang-plantsa ng buhok na super init pa na naiwan daw ng isa sa miyembro ng Wow Girls sa mismong upuan niya dahil sa kamamadali nito dahil mag-uumpisa na ang album launching.

Bagamat nasaktan na ay all smile pa rin si Samantha during the production number at nung nakaupo sila sa presidential table.

Huli na raw nung isumbong ni Samantha sa kanilang manager ang nangyari at galit na galit ito dahil sa pangyayari.

Dagdag pa na tila nagpo-power tripping na ang Wow Girls dahil inokupa nila ang tatlong cubicle ng dressing room na may aircon samantalang ang Hot Tsikz ay nagtiyaga sa iisang cubicle na electric fan lang ang gumagana. – Reggee Bonoan

vuukle comment

ARA MINA

BOY ABUNDA

CARMINA VILLAROEL

DAHIL

DJAKA BAR

HOT TSIKZ

STAR MAGIC

WOW GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with