^

PSN Showbiz

Maureen, di sumosyo sa Bubble Gang Toppings!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Sobra nga sigurong nakakatakot ang Kutob, ang entry ng Canary Films sa 2005 Metro Manila Film Festival. Kaya namin ito nasabi dahil nalaman naming halos lahat ng character sa movie ay mamamatay.

Yes, kasama si Ryan Agoncillo sa matsutsugi pero, okey lang daw ito sa newbie sa movies. Excited pa rin itong gawin ang project at dahil nga dito’y binali ang pangako kay Judy Ann Santos na ang first movie niya’y pagsasamahan nila ng girlfriend.

Binanggit sa amin ang mamamatay pa sa movies at kung sino ang serial killer pero, sobra ng spoiler kung pati yun, isusulat pa namin. Baka magalit na sa amin si Joey Reyes. Ha-ha-ha!
* * *
Bukas, September 28 na ang presscon ng Season 3 ng Now & Forever (Agos) at first week naman ng October ang start ng airing nito. Sa presscon, malalaman natin ang respective roles ng buong cast na pinangungunahan ni Christopher de Leon.

Sa itsinika sa aming story ng Agos, mas madrama ito sa Ganti at mas sisikip ang dibdib ng viewers dahil sa grabeng conflict. Mabigat ang role ni Dennis Trillo as one of CDL’s children. Alam na namin ang mangyayari sa character niya kaya lang, nag-promise kaming hindi muna ito isusulat.

Extended ang Darna up to November at dalawang pelikula ang lalagariin ni Dennis. Kasama rin siya sa Book 2 ng Encantadia at isa siya sa mga bida ng tele-fantasy. Sa rami ng kanyang trabaho’y wala na rin itong time matulog ng maayos.

Sabi ng manager nitong si Popoy Caritativo, hindi niya pinipilit ang actor na tanggapin ang lahat na offers. Ito pa rin ang nagdi-decide pero, ‘pag tumanggap ng trabaho’y walang maririnig na reklamo nito.
* * *
Sa Bubble Gang Toppings ginawa ang presscon ng 10th anniversary ng Bubble Gang kaya, bukod sa gag show ng GMA-7, nangialam din kami sa resto/bar na sosyo sina Ara Mina, Rufa Mae Quinto, Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Boy 2 Quizon at Michael V.

Equal share ang pito at si Ogie ang president at treasurer naman si Rufa Mae. Hindi namin natanong ‘yung iba ng position nila sa binuksang negosyo. Umaasa ang mga natanong namin na hindi magkatotoo ang sinabi ni Maureen Larrazabal na kaya hindi siya sumosyo dahil may mga precedent na nakakasira ng friendship ang pera.

Sabi pala nina Ogie at Rufa Mae, walang babaguhin sa Bubble Gang pero, mas lalo nilang gagandahan ang iba’t ibang segment. Ipinagmamalaki rin ng dalawa na very close ang cast at gugustuhin nilang sila pa rin ang magkakasama.

vuukle comment

ANTONIO AQUITANIA

ARA MINA

BUBBLE GANG

BUBBLE GANG TOPPINGS

CANARY FILMS

DENNIS TRILLO

JOEY REYES

JUDY ANN SANTOS

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with