^

PSN Showbiz

Lucky, sa dyaryo lang nililigawan si Toni Gonzaga

-
Nakausap namin ang mga magulang ni Toni Gonzaga kamakailan at sa kanila namin nalaman na sa tingin nila, hindi pa seseryosohin ni Toni ang tungkol sa pakikipag-relasyon.

Head over heels daw ito ngayon sa trabaho at gustong samantalahin ang mga offer na dumarating sa kanya–TV shows (ASAP, Wazzup, Wazzup, My One and Only at Pinoy Big Brother), pelikula, hosting, commercial endorsements at iba pa.

Twenty one years old na si Toni at hindi siya gustong pakialaman ng parents niya when it comes to the affairs of her heart. Ang sa kanila’y pawang pangaral at paalala lamang.

"Lagi kong sinasabi sa kanya, huwag siyang magri-respond sa text lang. Mas maganda pa rin yung may lakas ng loob ang isang manliligaw na puntahan siya sa bahay. Ganoon ako noon sa mother niya, niligawan ko siya sa bahay nila at hindi sa kalye.

"Noon, nagpupunta si Jeremy Marquez sa bahay, pero magmula nung mabalitang may asawa na pala siya, hindi na muling dumalaw. Si Lucky Manzano, hindi pa siya nakapunta sa amin, pati na yung iba pang sa newspaper na lang namin nababalitaang gusto palang manligaw sa anak namin," lahad ni Daddy Carlito.

"Since their Sprite commercial days pa, aminado na si Toni, malaki ang crush niya kay Piolo Pascual. May narinig kaming gusto rin daw manligaw ni Piolo sa anak namin, pero talagang wala kaming makitang interes kay Toni kapag napag-uusapan ang kanyang manliligaw.

"Laging sinasabi sa amin, marami raw siyang goals na gustong ma-achieve, kaya sa trabaho muna siya concentrated. Wise investor si Toni at nasa real state ang kanyang investments at sarili niya ang kanyang income sa showbiz. May mga acquired properties na siya ngayon at yung isa nga ay balak niyang patayuan ng bahay.

"Yes, nasa drawing board na yung follow up movie nila ni Vhong Navarro. May nabalitaan kaming kasama rin daw dito si Piolo Pascual, pero hindi ako sigurado kung totoo ito," pagtatapos ni Mommy Pinty.

Kaya naman pala from out of nowhere, inuumpisahan pa lang halos ang bagong soap opera nina Piolo at Judy Ann Santos. Pati na yung movie nila, heto’t nababalitang gusto rin daw lumigaw ni Piolo kay Toni. Yun pala’y may posibilidad na magkasama sila sa isang pelikula.

Kumbaga, testing the grounds ang ginagawa ng Dos at Star Cinema, kung may chemistry pagtatambalin sina Piolo/Toni. Tapusin muna yang Juday/Piolo movie at soap opera, noh! Ben Dela Cruz

BEN DELA CRUZ

JEREMY MARQUEZ

JUDY ANN SANTOS

LUCKY MANZANO

MY ONE AND ONLY

PINOY BIG BROTHER

PIOLO

PIOLO PASCUAL

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with