^

PSN Showbiz

Briefs ni Robin, nakikita nun ni IC sa drawer ng mom niya!

-
Nasulat namin ang tungkol sa stage play ni IC Mendoza na may titulong Ilusyon na mapapanood sa October 4, Metro Bar, West Avenue, QC.

Tinalakay namin ang tungkol sa mga moralista na baka kuwestiyunin ang anak ni Ms. Dolly Ann Carvajal dahil nga menor de edad ito at gagampanan niya ang isang maselang role ng isang bading na nag-iilusyong maging babae.

Say mismo ng mama ni IC, "Hindi naman malaswa ang role, binasa ko naman ang script at okey naman, walang bastos, sexy lang. May parental approval ko naman itong Ilusyunada, kaya hindi na siguro pakikialaman kung menor de edad ang anak ko."

At si IC. "Wala po akong ginawang masagwa, touch-touch lang po sa private parts nila (male cast), okey naman, nakakakilig.

Samantala, ibinuking ni IC kung ano ang namana niya sa kanyang ina, "Pareho po kaming mahilig sa guys, pero ang kabilin-bilinan niya sa akin, huwag akong tutulad sa kanya when it comes to love, kasi luka-luka siya, dapat daw maging matalino ako sa lalaki."

At halos iisa ang type nilang mag-ina pagdating sa lalaki, ruggedly handsome at higit sa lahat, may utak.

"Hindi ako gaanong mahilig sa pisikal na anyo, mas tinitingnan ko kung may laman, kaya yung isyung type ko si Mike Tan, hindi siya ang tipo kong lalaki. Nagulat nga ako na baka raw gusto ko siya. Friends lang kami," deretsahang sabi nito.

Nagulat pa kami sa kwento ni IC na, "Nung bata po ako, nakita ko yung damit ni tito Robin (Padilla) sa closet ni mama at may nakalagay nga na Padilla, di ba mama?" sabay tanong sa ina na ikinaloka ni Dolly Ann.

At hindi pa nagkasya sa pagbubuking si IC dahil, "At saka nga po sa drawer, naroon yung mga briefs ni tito Robin," na pinutol na ni Dolly Ann ang isusunod pang kwento ng anak at sabay sabing, "Naku, iku-quote ka ng mga yan!" at biglang bawi ni IC na, "Biro lang po, hindi na totoo yun." Saan ba nahuhuli ang isda?
* * *
And speaking of Dolly Ann Carvajal naloka siya sa isyung siya ang may gusto kay Mike Tan kaya siya pumalag nung tarayan ng Starstruck Survivor batch 2 ang anak.

"Hello, excuse me! I have a boyfriend right now (sabay pakita ng picture ng French guy sa cellphone niya) at saka ano ba ako, pedophilla? Parang anak ko na lang si Mike no?" seryosong sambit ni Dolly Ann.

Itinanggi rin ni Dolly Ann ang sinabi noon ni Mike na nag-text sa kanya ang ina ni IC para alamin kung ano ang role niya sa Lovestruck.

"I don’t think so, why would I text him?  Never, wala akong matandaang tinext ko siya," one line na sabi niya. - REGGEE BONOAN

DOLLY ANN

DOLLY ANN CARVAJAL

METRO BAR

MIKE TAN

MS. DOLLY ANN CARVAJAL

NAGULAT

PADILLA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with