^

PSN Showbiz

Sexy actor, madalas sa gay bar sa Baguio!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nang maging matamlay ang sexy movies ay nagpasyang magtungo ng Japan ang isang sexy actor para lang kumita dahil marunong naman siyang kumanta. Dun ay maraming nagkagusto sa kanyang matronang Pinay na may-ari pa ng club dun. Kaya nang umuwi ito ng bansa ay marami nang ipon at nakabili pa ng van.

Kaso dahil mahina ang trabaho ay madaling naubos ang pera nito. Kaya balik na naman ito sa paghahanap ng mayamang matrona o bading na magagatasan. Madalas daw itong tumambay sa isang gay bar sa Baguio.
Vic, Di Naniniwalang Patay Na Ang Pelikula!
Hindi naniniwala si Vic Sotto na patay na ang movie industry. Sa kabila raw ng pananamlay ng pelikula ay tuloy pa rin sa pagpuprodyus ang ilang prodyuser ng mga de-kalidad na pelikula na isinasali pa sa iba’t ibang mga festival sa abroad. Tuloy pa rin daw ang mga haligi ng industriya na maitaas ang kalidad ng mga pelikula natin.

"Yung D’ Anothers ng Star Cinema ay kumita sa takilya. Hindi ito cheapy-cheapy movie kaya kung gusto mong panoorin ng mga tao ang isang pelikula ay dapat magkaroon ito ng kalidad. Kung P2milyon lang ang production cost ay baka hindi ito kagatin ng mga tao," sey pa nito.
Paalam, Itay
Masakit palang mawalan ng isang ama lalo’t closely knit ang aming pamilya. Malapit ako sa aking ama, bilang panganay ay Papa’s girl ako.

Sa kanyang pagkakasakit ng tatlong linggo sa Philippine Heart Center ay hindi ko ininda ang laki ng gastos ng kanyang dialysis. Gusto kong patunayan na isa akong mabuting anak, na hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay narun ako sa tabi niya.

Namatay si itay noong Huwebes pero, magaan ang pakiramdam ko at ng pamilya dahil naibigay namin sa kanya ang aming pagmamahal, naalagaan sa kanyang pagkakasakit at higit sa lahat, pikit- matang lumaban para lang madugtungan pa ang buhay niya. Pero bumigay din siya bagamat namatay siyang di naghirap. Kahit masakit sa amin, lalo na sa aming ina, ay ipinagkakaloob namin siya kay Lord.

Paalam, itay at babaunin na lang namin ang mga ginintuan mong pangaral. Salamat din sa pagiging huwarang ama mo at mananatili kang buhay sa aming alaala kahit nariyan ka na sa kabilang buhay.

Pasasalamat
: Kay Dra. Mejia at Dr. Rodrigo Guanlao ng Philippine Heart Center.

ANOTHERS

DI NANINIWALANG PATAY NA ANG PELIKULA

DR. RODRIGO GUANLAO

KAYA

PAALAM

PHILIPPINE HEART CENTER

STAR CINEMA

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with