^

PSN Showbiz

Mga bading, inaabangan na ang paghuhubad ni Polo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Mariing "No," ang sagot ni Cindy Kurleto nang tanungin sa presscon ng Ispiritista… ‘Tay May Moomoo! kung may boyfriend siya. Mula nang mag-break sila ni Jericho Rosales noong March 2003, wala pa siyang nagiging steady boyfriend.

Sabi nito, bukod sa taping ng Encantadia at Daddy Di Do Du, madalas siyang lumabas ng bansa to shoot TV commercials for her various product endorsements. Natawa ito pero, hindi kinontra ang panunukso naming hindi pa niya nakakalimutan si Jericho kaya, wala siyang mahanap na pang-matagalang boyfriend.

Malutong na tawa naman ang reaction sa kantyaw ng press na baka magka-developan sila ni Vic Sotto’t magkasama sila sa TV at pelikula.

"Friends at co-stars lang kami and I’m really lucky to be working with him. Mabait siya, very fair, galante and a very good actor. If you’re observant, you’ll learn a lot from him especially how he treats his fans. The longer I work with him, the more I admire and adore him," wika ni Cindy.

Nabanggit ni Cindy na four movie offers ang tinanggihan niya at hindi siya nanghinayang kahit malaking pera ang nawala sa kanya.

"It was my choice. Mas gusto ko itong Ispiritista," sabi nitong punung-puno pa rin ng Austrian accent ang pagsasalita.
* * *
May mga bading friends kaming kaya lang manonood ng All About Men 2…Penis Talks Reloaded ay dahil kay Polo Ravales. Gusto nilang makita ang hubad na katawan ng actor na mas naging papable raw mula nang ma-link kay Ara Mina.

Binalak mag-backout ni Polo sa play dahil uncomfortable siyang rumampa in his underwear sa harap ng maraming tao. Malakas lang daw ang convincing power ng manager niyang si Manny Valera at nina directors Joel Lamangan at Mel Chionglo.

Naalis din ang hiya niya habang tumatagal ang rehearsal.

Na-appreciate rin ni Polo ang ganda ng kanilang ginagawa. Sa publicity photos na nakita namin, mas daring pa nga si Polo kesa mga kasama’t, ibinaba niya ang suot na brief.

Mabili ang tiket sa show kahit medyo mahal sa presyong P2,000, P1,500, P1,000 at P800. Mabibili ito sa Music Museum, Ticketworld at DMV Entertainment at 415-0373/374-1361. Sa October 7 na ito magsisimula.
* * *
Worried si Kris Aquino sa patuloy na pagtaba ng anak niyang si Joshua. Hindi namin alam ang exact age ng bagets pero, overweight ito sa timbang na 188 lbs. Kailangan na talaga nitong mag-diet. Kaya lang, paano?

Samantala, tinatapos pa rin ni Kris ang Sukob, ang pelikula nila ni Claudine Barretto sa Star Cinema. ‘Kaaliw ito’t masipag i-text sa kanyang fans ang mga nangyayari sa shooting kaya, updated ang mga ito.

Naintriga pala kami’t, sabay mag-text sina Kris at James Yap. Lalo tuloy kaming naniniwalang kasal na sila. Isa pa palang tanong, matutuloy ba ang church wedding ng dalawa sa February next year?

Kaya kami nagtatanong dahil wala kaming nababalitaang paghahanda sa kanilang kasal. Hindi ba dapat by this time, ginagawa na ang bridal gown ni Kris at ng kanyang entourage? Ginagawa na ba ito at ‘di lang ipinaalam sa press?
* * *
Malakas ang laban ng MYMP sa 2nd SOP Bling Bling Music Awards ng SOP. Nominado sina Juris Fernandez at Chin Alcantara sa Viewer’s Choice Artist of the Year at Best Revival para sa kantang "Tell Me Where It Hurts".

Nasa sipag ng kanilang fans ang kanilang ikakapanalo. Maganda sana kung after their October 1 Especially For You concert sa Music Museum ay tatanggap sila ng award lalo na sa Viewer’s Choice Artist of the Year. Kalaban nila rito ang Hale, Cueshe, Yasmien Kurdi at Bamboo.

Bukod kay Ogie Alcasid, may isa pang special guest ang MYMP sa kanilang concert na dapat ninyong abangan. Available ang tickets sa Music Museum Ticketron, Ticketworld outlets at Ivory Adprom Department, call 4120459.

ALL ABOUT MEN

ARA MINA

BEST REVIVAL

BLING BLING MUSIC AWARDS

CHIN ALCANTARA

CHOICE ARTIST OF THE YEAR

CINDY

CINDY KURLETO

MUSIC MUSEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with