Pinoy Big Brother, parurusahan ng MTRCB!
September 24, 2005 | 12:00am
Masususpinde ng isang episode ang programang Pinoy Big Brother simula next week.
Ito ang utos ni MTRCB Chairman Consoliza Laguardia sa ABS-CBN dahil sa ipinakitang paghahalikan ng dalawang housemates na sina Chx at ang bagong pasok na si Sam sa September 19 episode na ginanap sa bench at swimming pool bukod pa sa pagsusuot ng skimpy bikini habang sumasayaw ng sexy.
Makailang beses na raw kasing binigyan ng verbal warning ng MTRCB ang Dos para i-tone down ang mga sexually suggestive language, actuations. Pagsusuot ng skimpy clothing at i-edit ang ilang eksena ng housemates na lumagpas na sa PG rating pero tila dedma naman daw ang network dahil walang nakitang pagbabago rito ang nabanggit na pamahalaan.
Kayat last September 22, Wednesday ay nakatanggap ng sulat mula kay Chairman Laguardia si Ms. Cory Vidanes, Senior Vice President ng TV Programs ng ABS-CBN na isususpinde ng isang episode ang PBB upon receipt of this letter.
Bagamat nagbigay naman ng manifestation at explanation letter ang Dos sa MTRCB last September 21, Tuesday para sa nabanggit na episode ay hindi naman kumbinsido ang opisina ni Chairman Laguardia rito. REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am