^

PSN Showbiz

TV host power tripper, nawalan tuloy ng career

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Grabe rin palang mag-powertrip ang isang TV personality. Kaya ayun, nawalan na ng career. Kuwento ng isang source, noon daw kung mag-demand ito sa staff ng kanyang show gano’n na lang. One time daw ay may napag-tripan itong staff ng show niya. Ayun, nawalan ng trabaho ang kawawang staff. Buti na lang at sinalo raw ito ng isa pang show kaya hindi tuluyang natanggal sa trabaho ang staff na trabaho lang naman ang ginagawa pero pinag-iinitan.

Ang powertripper sa TV ay walang career ngayon.
* * *
Nakaka-third episode na pala ang Makuha Ka Sa Tikim, ang cooking show nina Eula Valdez at Jean Garcia sa ABS-CBN na napapanood every Saturday, 10:30 a.m.

Sa episode ngayong umaga, hulaan kung sino sa tatlong Knorr Cooking Divas ang makahuhuli sa panlasa at kiliti ng panel of judges at ng jury of 10 na binubuo ng mga cute na Goin’ Bulilit kids? Gamit ang kanilang galing sa pagluluto, sariling diskarte at siyempre ang Knorr, ang secret weapon ng kababaihan, magtatagisan ang mga contestants sa kusina ng Makuha Ka sa Tikim. Kasama sina Eula at Jean, alamin natin kung sino kina Rowena Morados ng Cebu, Jacqueline Lacandula ng Davao at Sheillie Mateo ng Baguio ang makapagluluto ng masarap at katakam-takam na lutong gulay.

Isa itong napakalaking challenge dahil sa talaga namang napakaraming bata ang di mahilig kumain ng gulay.

First time na nagkaroon ng ganitong cooking show on TV. Bukod nga naman sa masi-share mo na ang masarap mong recipe, may chance ka pang manalo ng P1 million as in instant millionaire ka na, sikat ka pa.
* * *
Ngayong araw din ang chance nating mga Pinoy na mapanood ang internationally acclaimed fiction feature ni Direk Brillante Mendoza. Ipalalabas ito sa UP Film Institute Cine Adarna sa UP Diliman, 7:30 p.m.

Ang Masahista ang Grand Prix Winner sa Golden Leopard ng 2005 Locarno International Film Festival.

Sa pagpapalabas nito sa bansa, magiging closing film ito para sa 5th eKsperim[E]nto Festival of Film, Video and New Media (20-24 September 2005).

Ang Masahista ay kuwento ng isang guwapong masahista (masseur) sa isang gay massage parlor na nalaman isang araw ang kamatayan ng kanyang ama.

Ang newcomer actor na si Coco Martin ang main character kasama sina Jaclyn Jose, Alan Paule, Katherine Luna, Paolo Rivero, Kristoffer King.

Ang Masahista ay nakasali sa Locarno (3-13 August 2005). Nagkaroon din ito ng premiere sa North America in Toronto (8-17 September 2005). Naka-schedule ito sa Canada (29 September-14 October 2005) for the Dragons and Tigers Young Cinema Competition and will have its US premiere at Chicago (6-20 October 2005) and Latin American premiere at Sao Paolo in Brazil. It is also due for Hongkong and returns back to Europe for Flanders International Film Festival of Ghent, Belgium (11-22 October 2005) prior to Vienna (14-26 October 2005); Ljubljana in Lovenia (10-24 November 2005); Thessaloniki (18-27 November 2005).

vuukle comment

ALAN PAULE

ANG MASAHISTA

COCO MARTIN

DIREK BRILLANTE MENDOZA

DRAGONS AND TIGERS YOUNG CINEMA COMPETITION

EULA VALDEZ

FESTIVAL OF FILM

FILM INSTITUTE CINE ADARNA

FLANDERS INTERNATIONAL FILM FESTIVAL OF GHENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with