Kuya Germs, iiwan na ang pamumuno sa mga artista!
September 23, 2005 | 12:00am
May Star Olympics pa ba sa taong ito?
Sinasabi ni Kuya Germs na inihahanda na ang Star Olympics, at kahit na nga tapos na ang kanyang term bilang presidente ng KAPPT, inaayos pa rin daw niya iyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaroon ng eleksiyon, at wala pa siyang kapalit bilang pangulo. Pero sinasabi niyang yan na ang huling project na pakikialaman niya dahil pagkatapos niyan, kung wala pa ring eleksiyon ay iiwan na muna niya sa vice president ng KAPPT ang katungkulan ng presidente dahil gusto naman niyang magpahinga. Marami kasi siyang projects na kailangang asikasuhin.
Nagpo-produce siya ng mga shows ngayon, in fact mayroon na naman siyang show na gagawin sa Club Mwah sa October 6, na ang mga stars ay sina Pilita Corrales at John Joven ulit.
Sa susunod na buwan, dahil birthday nga niya, alam naman natin na isang buwan ang ginagawa nilang celebration sa Master Showman Presents, at natural mas magiging busy siya ngayon.
Problema rin talaga ni Kuya Germs yang KAPPT. Matagal na niyang gustong maisalin sa susunod na presidente ang kanyang katungkulan, pero ang nangyayari naman hindi sila makabuo ng quorum kaya hindi nagkakaroon ng eleksiyon. Mukhang maraming hindi dumadating para mapilitan si Kuya Germs na ituloy pa ang kanyang panunungkulan, na sinasabi naman ng Master Showman na unfair para sa kanya dahil naglingkod na naman siya nang matagal na panahon at sa pagkakataong ito, gusto naman niyang asikasuhin ang mga bagay na kailangan niyang harapin.
Para rin naman sa kapakinabangan ng industriya ang kanyang ginagawa, kagaya na niyang Walk of Fame at iba pang mga proyekto niya.
Isang taon na pala ang Baywalk Bodies bilang isang grupo. Ang hindi nga lang maganda, tila wala silang nagagawang pelikula sa loob ng isang buong taon, at yong iba nga sa kanila, ni hindi pa nakakatikim na gumawa ng pelikula. Kasi nga wala nang gumagawa ng pelikula ngayon. Nang ºi-ban pa ang mga bold movies sa SM, lalo na silang nawalan ng chance na magkaroon ng pelikula.
Yong anniversary nila ay ise-celebrate na lang nila sa pamamagitan ng isang show doon sa Metro Bar.
Yan ang masakit na nangyayari sa mga bold stars natin ngayon. Puro na lang mga shows sa mga bars at beerhouses ang kanilang nagagawa. Wala na nga kasing pelikula eh. Maski naman ang Hot Babes eh, naturingang nasa isang kumpanya ng pelikula pero walang nagagawa kundi mga sex videos na lang.
Sinasabi ni Kuya Germs na inihahanda na ang Star Olympics, at kahit na nga tapos na ang kanyang term bilang presidente ng KAPPT, inaayos pa rin daw niya iyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaroon ng eleksiyon, at wala pa siyang kapalit bilang pangulo. Pero sinasabi niyang yan na ang huling project na pakikialaman niya dahil pagkatapos niyan, kung wala pa ring eleksiyon ay iiwan na muna niya sa vice president ng KAPPT ang katungkulan ng presidente dahil gusto naman niyang magpahinga. Marami kasi siyang projects na kailangang asikasuhin.
Nagpo-produce siya ng mga shows ngayon, in fact mayroon na naman siyang show na gagawin sa Club Mwah sa October 6, na ang mga stars ay sina Pilita Corrales at John Joven ulit.
Sa susunod na buwan, dahil birthday nga niya, alam naman natin na isang buwan ang ginagawa nilang celebration sa Master Showman Presents, at natural mas magiging busy siya ngayon.
Problema rin talaga ni Kuya Germs yang KAPPT. Matagal na niyang gustong maisalin sa susunod na presidente ang kanyang katungkulan, pero ang nangyayari naman hindi sila makabuo ng quorum kaya hindi nagkakaroon ng eleksiyon. Mukhang maraming hindi dumadating para mapilitan si Kuya Germs na ituloy pa ang kanyang panunungkulan, na sinasabi naman ng Master Showman na unfair para sa kanya dahil naglingkod na naman siya nang matagal na panahon at sa pagkakataong ito, gusto naman niyang asikasuhin ang mga bagay na kailangan niyang harapin.
Para rin naman sa kapakinabangan ng industriya ang kanyang ginagawa, kagaya na niyang Walk of Fame at iba pang mga proyekto niya.
Yong anniversary nila ay ise-celebrate na lang nila sa pamamagitan ng isang show doon sa Metro Bar.
Yan ang masakit na nangyayari sa mga bold stars natin ngayon. Puro na lang mga shows sa mga bars at beerhouses ang kanilang nagagawa. Wala na nga kasing pelikula eh. Maski naman ang Hot Babes eh, naturingang nasa isang kumpanya ng pelikula pero walang nagagawa kundi mga sex videos na lang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended