Kapatid niya ang umi-intriga kay Pokwang
September 23, 2005 | 12:00am
Naluha ang masayahing si Pokwang nang usisain ko tungkol sa isang kapatid niyang nagsalita laban sa kanya. Nagulat si Pokwang nang mapanood niya ang kapatid sa ETK na nagsasalita laban sa kanya.
Ang isyu kay Pokwang ay pagpapabaya raw nito sa kanyang ina at mga kapatid. Hindi raw nagbibigay ng suporta si Pokwang sa kanyang ina at mga kapatid.
"Unang-una, 15 kaming magkakapatid, bakit ako lang ang nami-miss niya?" sabi ni Pokwang. May mga kapatid ako na nasa abroad. Pero hindi niya nami-miss yon? Actually, nagulat ako. Noong mamatay ang lolo ko, sometime one month ago, nagkita kami. Nag-usap kami. Walang isyu. Inimbita ko pa sila sa birthday ko.
"Kaya nagulat ako na nasa TV siya at nagsasalita laban sa akin. Hindi nila ako pwedeng balikan tungkol sa suporta sa nanay ko dahil kasama ko siya sa bahay. Super okey kami ng mother ko," katwiran ni Pokwang.
Pinayuhan ko si Pokwang na hindi lahat ng oras ay hindi siya makakatikim ng intriga. "Ang masakit lang, kapatid ko pa," sabi nito.
Hindi talaga sanay na maintriga si Pokwang. Karamihan sa nasusulat sa kanya, pawang magaganda. At ang gusto ko lang kay Pokwang, kapag may nasulat ka about her, talagang tumatawag o nagti-text ito para magpasalamat. At kapag wala siyang number ng reporter, ipapahanap talaga niya para pasalamatan.
Very in-demand ngayon si Pokwang dahil kasama siya sa cast ng Dubai na pinangungunahan nina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at Claudine Barretto. Showing na ito sa September 28.
Grabe na talaga ang impact ng Pinoy Big Brother. Kahit saan ako magpunta, pinag-uusapan ang nasabing reality show ng ABS-CBN. Kahit ang mga sosyal sa Greenbelt ay hooked na rin sa PBB. Pati mga kaibigan ko sa advertising agency, nababaliw sa said show. Bawat kaganapan, pinag-uusapan nila.
Hindi pa sila kuntento sa show, nagpakabit sila ng 24/7 sa kanilang SkyCable. With 24/7 kasi, napapanood mo ang lahat ng nangyayari sa bahay non-stop. May isa nga akong kilala, hindi na umaalis ng bahay para lang mapanood ang lahat ng nangyayari sa PBB house.
"Kapag may 24/7 ka, makikita mo kung ano talaga ang ugali ng bawat housemate. Makikilala mo sila ng husto," sabi ng isang kaibigan ko who is a freelance director ng mga TV commercials.
Malakas ang dating ng bagong housemate na si Sam, isang Amboy. Guwapo ito. Napapanood na ito sa mga commercials.
At ang pinakamatinding gauge ng pagka-hook ng Pinoy sa PBB ay ang resulta ng nakaraang eviction. For the record, nagtala ang Pinoy Big Brother ng may pinakamaraming text votes sa isang eviction night. Naka-record ito sa Endemol, ang nagmamay-ari ng TV rights ng Big Brother. Eviction night na naman bukas. Dalawa ang pinagpipilian kung sino ang masi-save kina Racquel o si JB.
Ang isyu kay Pokwang ay pagpapabaya raw nito sa kanyang ina at mga kapatid. Hindi raw nagbibigay ng suporta si Pokwang sa kanyang ina at mga kapatid.
"Unang-una, 15 kaming magkakapatid, bakit ako lang ang nami-miss niya?" sabi ni Pokwang. May mga kapatid ako na nasa abroad. Pero hindi niya nami-miss yon? Actually, nagulat ako. Noong mamatay ang lolo ko, sometime one month ago, nagkita kami. Nag-usap kami. Walang isyu. Inimbita ko pa sila sa birthday ko.
"Kaya nagulat ako na nasa TV siya at nagsasalita laban sa akin. Hindi nila ako pwedeng balikan tungkol sa suporta sa nanay ko dahil kasama ko siya sa bahay. Super okey kami ng mother ko," katwiran ni Pokwang.
Pinayuhan ko si Pokwang na hindi lahat ng oras ay hindi siya makakatikim ng intriga. "Ang masakit lang, kapatid ko pa," sabi nito.
Hindi talaga sanay na maintriga si Pokwang. Karamihan sa nasusulat sa kanya, pawang magaganda. At ang gusto ko lang kay Pokwang, kapag may nasulat ka about her, talagang tumatawag o nagti-text ito para magpasalamat. At kapag wala siyang number ng reporter, ipapahanap talaga niya para pasalamatan.
Very in-demand ngayon si Pokwang dahil kasama siya sa cast ng Dubai na pinangungunahan nina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at Claudine Barretto. Showing na ito sa September 28.
Hindi pa sila kuntento sa show, nagpakabit sila ng 24/7 sa kanilang SkyCable. With 24/7 kasi, napapanood mo ang lahat ng nangyayari sa bahay non-stop. May isa nga akong kilala, hindi na umaalis ng bahay para lang mapanood ang lahat ng nangyayari sa PBB house.
"Kapag may 24/7 ka, makikita mo kung ano talaga ang ugali ng bawat housemate. Makikilala mo sila ng husto," sabi ng isang kaibigan ko who is a freelance director ng mga TV commercials.
Malakas ang dating ng bagong housemate na si Sam, isang Amboy. Guwapo ito. Napapanood na ito sa mga commercials.
At ang pinakamatinding gauge ng pagka-hook ng Pinoy sa PBB ay ang resulta ng nakaraang eviction. For the record, nagtala ang Pinoy Big Brother ng may pinakamaraming text votes sa isang eviction night. Naka-record ito sa Endemol, ang nagmamay-ari ng TV rights ng Big Brother. Eviction night na naman bukas. Dalawa ang pinagpipilian kung sino ang masi-save kina Racquel o si JB.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended