^

PSN Showbiz

QPIDS, nakakabuo ng mga totoong romansa!

- Veronica R. Samio -
Malalaman na ngayong linggo, (Set. 28) kung sino ang mananalong Grand Loveteam sa QPIDS grand finals episode na iho-host nina Anne Curtis at Luis Manzano. Gagawin ito sa Studio 1 ng ABS CBN ngayong araw Setyembre 22, Huwebes at kukunan ng live taping. Libre ito sa lahat on a first come, first serve basis.

Of the four teams, mukhang pinaka-seryoso at totoong may romansa na kina Paw Diaz, (18) years old, at Mikel Campos, (19), (PAWEL) kung hindi ba naman ay bakit holding hands sila all the time na kinakausap namin sila? Also, napabalita yung naging pagseselos ni Mikel sa host ng kanilang show sa Cagayan de Oro. "Lapit siya nang lapit kay Paw, they were too close for comfort," reklamo nito na tinawanan lamang ng kapareha niya dahil palagi na raw itong nakikita ni Paw at ilang beses nang nag-host ng show niya kapag pumupunta siya run.

Nakabuti naman ang bagong relasyon nila dahil nakikita ito ng tao at naging dahilan rin para magkaro’n sila ng maraming assignments together.

Kung hindi lamang sa pagiging mas matanda ni Hazel Ann Mendoza, (17), kay Mhyco Aquino (16) (MHYZEL), sasabihin kong baka sila na ring dalawa. Unang-una, payag na ang ina ni Hazel na magkapareha sila na tinututulan nito nung una. Ikalawa, iniyakan ni Hazel nang unang maipareha sa iba si Mhyco (Andrea Blaesi). Ikatlo , after QPIDS, meron silang Gulong ng Palad na gagawing magkasama, so di pa matatapos ang kanilang pairing. Ikaapat, enjoy na ni Hazel ang mga bagay na natutunan niya kay Mhyco, gaya ng pagkain ng naka-kamay ng mga pagkaing tuyo, talbos ng kamote, tinapa at marami pang iba. Di lamang si Hazel, pati si Mhyco ay may natutunan na rin sa kanyang kapareha, gaya ng pagsasalita ng Kastila.

Sina Janus del Prado at Carla Loren (JARLA) ay ngayon pa lamang nagkikita eye to eye. Comic team kung tawagin sila dahil panay ang pagpapatawa ni Janus who often helps Carla with her lines dahil di ito sanay sa Tagalog. Pero, mabilis, mag-adjust si Janus who for the longest time ay ngayon lamang magkakaro’n ng kapareha. Kita mo naman ang effort nila to gel at meron bang hindi nagagawa ang panahon?

May relasyon na rin akong nakikita kina Alwyn Uytingco, at Jill Yulo (JILWYN) kung ang mga actions nila ang pagbabasehan. Good for the young actor na tila naka-move on mula kay Shaina Magdayao. In fact nung magkaro’n ng aksidente si Jill after a dance stunt ay na-realize ni Alwyn na di niya kayang makita ang kapareha nang nahihirapan.

Kung baga, bagay sa mga nangyayari sa mga pareha ang titulong QPIDS, talagang nakakabuo ng romansa ang ABS-CBN na maaari nilang magamit sa kanilang mga future projects.
* * *
E-mail: [email protected]

ALWYN UYTINGCO

ANDREA BLAESI

ANNE CURTIS

CARLA LOREN

GRAND LOVETEAM

HAZEL ANN MENDOZA

JILL YULO

LUIS MANZANO

MHYCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with