Young actress, sobrang arte pa rin kahit nalalaos na!
September 19, 2005 | 12:00am
Ibang-ibang Romano Vasquez ang sumalubong sa amin nung nakaraang Huwebes ng gabi nang kami ay muling mapasyal sa Kimura-Valle Entertainment Center sa may Leon Guinto, Malate, Manila na pag-aari ng mag-asawang Bobby Valle at Chieko Kimura dahil bihis executive ito ngayon na hindi naman nakapagtataka dahil siya ngayon ang tumatayong marketing manager ng nasabing lugar.
Samantala, natutuwa kami para sa aming kaibigang singer-turned successful businessman na si Bobby Valle dahil nagsisimula nang dayuhin ang Maku Hari Restaurant at Kape Cafe na siyang bagong attraction ngayon sa Malate area.
Unang anniversary month ng Bahay Mo Ba To? ang buwan ng September kaya naman pawang ispesyal na edisyon ang palabas ng programa na nagsimula nung nakaraang September 6 at September 13. Ngayong Martes, September 20, ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez ang mga tampok na panauhin sa top-rating sitcom na Bahay Mo Ba To na pinangungunahan nina Tessie Tomas at Ronaldo Valdez kasama sina Gladys Reyes, Wendell Ramos, Sherilyn Reyes, Mike Pekto Nacua, Sunshine Dizon, Keempee de Leon, Francine Prieto, Chynna Ortaleza, Tiya Pusit, Dino Guevarra, Carlito Campos, Jr.
Kakaibang sigla ang nararamdaman ngayon ng actor-businessman na si Marvin Agustin magmula nang isilang ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Tetet Dy ang kanilang kambal na anak na sina Sebastian at Santiago.
Although wala pang kasal na pinag-uusapan sina Marvin at Tetet sa kabila ng paglabas ng kanilang kambal na anak, gustong paghandaan ni Marvin ang magiging future ng kanyang mga anak.
Si Tetet na naging kasintahan din noon ng magpinsang Niño at Albert (younger brother ni Aga Muhlach) ay mula sa angkan ng mga pulitiko sa Isabela.
Samantala, walang bagong programang pinagkakaabalahan ngayon si Marvin matapos magpaalam sa ere ang M.R.S. pero may sisimulan siyang bagong pelikula sa bakuran ng Canary Films, ang Kutob na pagsasamahan nila nina Rica Peralejo at Ryan Agoncillo mula sa panulat at direksyon ni Joey Javier Reyes.
Sobra na talaga ang pag-iinarte ng popular young actres na ito sa kabila na unti-unti na ring nawawalan ng ningning ang kanyang career. Kung hindi magbabago ang ugali ng palaos na young actress na ito ay baka sa kangkungan siya pulutin dahil negatibo na ang dating niya sa publiko lalung-lalo na sa entertainment press.
May mga nagsasabi na malakas umano ang kapit ng young actress na ito sa management ng network na kanyang kinaaaniban kaya malakas ang loob nito na maging pasaway pero hindi marahil nare-realize ng young star (no more) na ito na may hangganan ang lahat.
Kung dati-ratiy in demand ang young star sa pelikula, telebisyon at maging sa mga commercials, ngayon ay para siyang kandila na unti-unting nauupos pero kung mag-aasta siya ay akala moy walang katapusan ang kanyang kasikatan.
Kung dati-ratiy isa siya sa pinakamainit sa kanyang pinaglilingkurang TV network, ngayon ay nalagpasan na siya ng mga bagong tuklas na talents na mas bata di hamak sa kanya.
Siguro, matatauhan lamang ang young actress na ito kapag tuluyan na siyang maging has been.
[email protected]
Samantala, natutuwa kami para sa aming kaibigang singer-turned successful businessman na si Bobby Valle dahil nagsisimula nang dayuhin ang Maku Hari Restaurant at Kape Cafe na siyang bagong attraction ngayon sa Malate area.
Although wala pang kasal na pinag-uusapan sina Marvin at Tetet sa kabila ng paglabas ng kanilang kambal na anak, gustong paghandaan ni Marvin ang magiging future ng kanyang mga anak.
Si Tetet na naging kasintahan din noon ng magpinsang Niño at Albert (younger brother ni Aga Muhlach) ay mula sa angkan ng mga pulitiko sa Isabela.
Samantala, walang bagong programang pinagkakaabalahan ngayon si Marvin matapos magpaalam sa ere ang M.R.S. pero may sisimulan siyang bagong pelikula sa bakuran ng Canary Films, ang Kutob na pagsasamahan nila nina Rica Peralejo at Ryan Agoncillo mula sa panulat at direksyon ni Joey Javier Reyes.
May mga nagsasabi na malakas umano ang kapit ng young actress na ito sa management ng network na kanyang kinaaaniban kaya malakas ang loob nito na maging pasaway pero hindi marahil nare-realize ng young star (no more) na ito na may hangganan ang lahat.
Kung dati-ratiy in demand ang young star sa pelikula, telebisyon at maging sa mga commercials, ngayon ay para siyang kandila na unti-unting nauupos pero kung mag-aasta siya ay akala moy walang katapusan ang kanyang kasikatan.
Kung dati-ratiy isa siya sa pinakamainit sa kanyang pinaglilingkurang TV network, ngayon ay nalagpasan na siya ng mga bagong tuklas na talents na mas bata di hamak sa kanya.
Siguro, matatauhan lamang ang young actress na ito kapag tuluyan na siyang maging has been.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended