^

PSN Showbiz

Mag-diet ka na, Sharon!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Mataba raw si Sharon Cuneta. Iyan ang comment ng marami sa bagong commercial. Eh sa totoo lang, talaga namang hindi makapag-reduce si Mega simula noong manganak siya dahil kailangan niyang mag-breast feed.

Pero yang si Sharon, alam namin kung gaano kalakas ang determinasyon, kung gustong pumayat. Minsan, talagang hindi na halos kumakain yan, pero mabilis lang naman siyang magbawas ng timbang.

Alam din naman ni Sharon na kailangan nga niyang magbawas ng timbang kaya nga siguro kahit na may mga offers sa kanya, hindi pa siya gumagawa ng pelikula. Hindi pa rin naman siya gumagawa ng tv show dahil hindi pa siya handa.

Pero palagay namin kung talagang desidido na si Sharon na haraping muli ang mga projects niya sa pelikula at sa telebisyon, kaya naman niyang magpapayat eh.

Ang kailangan lang naman sa pagbabawas ng timbang ay disiplina.

Kami man ay naniniwala na dapat nga sigurong magbawas ng timbang si Sharon, matapos naming mapanood ang commercial na iyon. Noong araw, sinasabi namin na ok lang kahit na mataba siya, kasi cute siyang tingnan. Para ngang mas bagay pa sa kanya, pero lately iba nga ang timbang ni Sharon.

Kailangan na niyang magsimulang mag-diet hindi lamang para makaharap na siyang muli sa camera kung di dahil mas mabuti iyon para sa kanyang kalusugan.
* * *
Babawasan ang tax ng pelikulang Pilipino. Ilang araw din namang bababa ang singil ng Meralco, pero pagbabalik sa full operations ng mga generating plant ng NAPOCOR, balik na naman sa mataas na singil ang kuryente natin. Diyan lamang sa dalawang iyan, lalabas na bale wala na ang pag-aalis ng amusement tax sa pelikulang Pilipino. Wala ngang amusement tax, tataas naman ang kuryente dahil sa EVAT, wala ring mangyayari.

Kahit na ano pang baba ang gawin natin sa cost ng pelikula kagaya noong sinusubukan nilang mga digital movies, at kung sakali ay maibababa rin nila ang admission prices ng mga sinehan, wala pa rin iyan. Hindi uunahin ng kahit na sino ang panonood ng sine kung kumakalam naman ang kanyang sikmura.

Ang solusyon sa problema, dapat gumanda muna ang buhay at iyang pelikula ay makakabangon lamang kung may pera nang extra ang mga Pilipino.
* * *
Gusto nga pala naming ipaalala sa inyo, ang kapistahan ni Santo Padre Pio ay sa darating na Biyernes, September 23. May healing mas sa ganap na alas 9 ng umaga at alas 6 ng hapon sa Parokya ni Padre Pio sa Barrio San Pedro, Sto. Tomas, Batangas.

Ang mangunguna sa healing mass ay ang kanilang kuraparoko na si Fr.Dale Anthony Barretto-Ko.

BARRIO SAN PEDRO

DALE ANTHONY BARRETTO-KO

KUNG

NAMAN

PADRE PIO

PERO

PILIPINO

SANTO PADRE PIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with