Ang babaeng itinanggi ni John Estrada!
September 17, 2005 | 12:00am
Kahapon sa presscon ng The Baywalk Bodies para sa nalalapit nilang concert sa Metro Bar sa West Avenue sa ika-27 mat 28 ng Setyembre, nakita namin ang isa sa napakaraming text messages ni Rizza Ruiz, isa sa 12 myembro ng grupo. Napaka-habang text nito na ang kabuuan ay pagbibigay ng babala sa pwedeng mangyari sa kanya kapag ipinagpatuloy niya ang pagsasabi ng naging relasyon niya sa isang aktor na hindi lamang daw isang magaling na artista kundi mapanganib pa.
Ayon kay Riza ay dadalawang aktor lamang ang napaugnay sa kanya buhay, una ay si Yul Servo na hindi kailanman siya itinanggi. Ikalawa si John Estrada na never pang inamin ang naging relasyon nila. Naniniwala siya na isang malapit dito ang nagti-text sa kanya.
Ayon kay Riza ay tatlong buwan lamang tumagal ang relasyon nila ni John. Una silang nagkita sa Ok Fine! Whatever. Makalipas ang tatlong araw ay sinundo siya nito sa kanyang bahay at dun na nagsimula ang kanilang relasyon. Sinabi niya na alam niyang mayro'n nang naunang babae sa buhay nito, si Vanessa del Bianco pero, sinabi niyang ayon sa aktor ay wala na raw sila nito. Nasa Canada na raw ito at di na babalik.
"Kaya lamang napatid ang aming relasyon ay dahil marami siyang ipinangako sa akin na di natupad. Wala siyang isang salita. Sabi niya mahal niya ako at nun galit na galit siya kapag di ko siya sinasagot sa phone, nagmumura pa siya."
Sinabi ni Rizza na handa na siya sa anumang kahihinatnan ng away nila ng aktor. At kahit anong tanggi nito na hindi sila nagkaro'n ng ugnayan, marami siyang prueba na nagsisinungaling ang aktor. "Alam ko ang layout ng bahay niya at mailalarawan ko ito hanggang sa huling detalye," aniya.
Samantala, handang-handa na silang 12 Baywalk Bodies sa kanilang nalalapit na konsyerto, ang Hot Hot on Fire! Para sa tiket tumawag sa 37347977/78.
Ang Baywalak Bodies ay binubuo nina Jeannette Joaquin, Palmolive Palma, Camay Coangco, Dove de Vera, Rizza Ruiz, Luxx Laurel, Pantene Palomino,
Ivory Ibanez, Rejoice Rivera, Hazel Espinosa, Silka Sevilla at Irish Ibarra.
Aktibo naman ang WaterPlus Group of Companies sapromo ng health products ng 4Life for "overall health and longevity", sa ikalalakas ng immune system laban sa pinaka-deadly na mga karamdaman tulad ng diabetes, heart disease, pagtanda, pagtaba, atbp.
Dahil sa maraming patotoo bunga ng matagumpay na pagsubok, selling like hotcakes ang mga nabanggit na health products. Pangunahing endorser nito ay ang newest talent ng WaterPlus na si Glow Garcie, introducing sa kanilang pangalawang pelikulang Yakapin Mo AkoSa Dilim na dinidirek ni Baldo Marro.
Sa mga interesado sa mga proddukto ng 4Life/WaterPlus, magsadya sa #57 Examiner St., West Rianagle, QC o tumawag sa 4487685/4154116/4134418 at 41111271.
Tampok naman sina Nadine Samonte, Manilyn Reynes, Kirby de Jesus, Paolo Serrano at John Medina sa grand raffle draw ng Magnegosyo't Manalo 2005 ng CD Jeans Direct Selling na magaganap mamayang 4NH sa Metropolis Alabang. Ang CD apparel ay pagaari ng magasawang Nelson at Marie Yu.
Nasiyahan kayo sa ka-tsakahan ni Noreen ( Jung Da Bin) sa Attic Cat pero, mas lalo kayong mage-enjoy sa isang maganda nang Noreen sa bagong telenovela ng GMA7 na mapapanood simula sa Lunes, kapalit ng Beautiful Days. Ito ang My 19-year old Sister-in-Law na kung saan ay gagampanan niya ang role ni Pauline na mai-in lovce kay Darren (Kim Jae Won), isang doktor na hihilingan siyang magpanggap bilang fiancee nito para hindi siya mapilit na magpakasalaa sa anak ng isang mayamang negosyante. Magkakagusto sa kanya ang batang kapatid ng doktor na si Russel (Yoon Gae Sang).
Maraming kumplikasyon sa buhay ni Pauline kaya susubaybayan niyo ito ng tulad ng pagsubaybay niya kina Kevin at Noreen, Lunes hanggang BIyernes, ll:30 ng umaga, GMA7.
Ayon kay Riza ay dadalawang aktor lamang ang napaugnay sa kanya buhay, una ay si Yul Servo na hindi kailanman siya itinanggi. Ikalawa si John Estrada na never pang inamin ang naging relasyon nila. Naniniwala siya na isang malapit dito ang nagti-text sa kanya.
Ayon kay Riza ay tatlong buwan lamang tumagal ang relasyon nila ni John. Una silang nagkita sa Ok Fine! Whatever. Makalipas ang tatlong araw ay sinundo siya nito sa kanyang bahay at dun na nagsimula ang kanilang relasyon. Sinabi niya na alam niyang mayro'n nang naunang babae sa buhay nito, si Vanessa del Bianco pero, sinabi niyang ayon sa aktor ay wala na raw sila nito. Nasa Canada na raw ito at di na babalik.
"Kaya lamang napatid ang aming relasyon ay dahil marami siyang ipinangako sa akin na di natupad. Wala siyang isang salita. Sabi niya mahal niya ako at nun galit na galit siya kapag di ko siya sinasagot sa phone, nagmumura pa siya."
Sinabi ni Rizza na handa na siya sa anumang kahihinatnan ng away nila ng aktor. At kahit anong tanggi nito na hindi sila nagkaro'n ng ugnayan, marami siyang prueba na nagsisinungaling ang aktor. "Alam ko ang layout ng bahay niya at mailalarawan ko ito hanggang sa huling detalye," aniya.
Samantala, handang-handa na silang 12 Baywalk Bodies sa kanilang nalalapit na konsyerto, ang Hot Hot on Fire! Para sa tiket tumawag sa 37347977/78.
Ang Baywalak Bodies ay binubuo nina Jeannette Joaquin, Palmolive Palma, Camay Coangco, Dove de Vera, Rizza Ruiz, Luxx Laurel, Pantene Palomino,
Ivory Ibanez, Rejoice Rivera, Hazel Espinosa, Silka Sevilla at Irish Ibarra.
Dahil sa maraming patotoo bunga ng matagumpay na pagsubok, selling like hotcakes ang mga nabanggit na health products. Pangunahing endorser nito ay ang newest talent ng WaterPlus na si Glow Garcie, introducing sa kanilang pangalawang pelikulang Yakapin Mo AkoSa Dilim na dinidirek ni Baldo Marro.
Sa mga interesado sa mga proddukto ng 4Life/WaterPlus, magsadya sa #57 Examiner St., West Rianagle, QC o tumawag sa 4487685/4154116/4134418 at 41111271.
Maraming kumplikasyon sa buhay ni Pauline kaya susubaybayan niyo ito ng tulad ng pagsubaybay niya kina Kevin at Noreen, Lunes hanggang BIyernes, ll:30 ng umaga, GMA7.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended