^

PSN Showbiz

Karen Davila, magdi-deny na naman ba?!

-
Nag-react daw sa PR Department ng ABS-CBN si Karen Davila tungkol sa naisulat namin nu’ng Lunes dito sa PSN na nanghihingi siya ng isa pang programa sa Dos dahil tila naiinggit siya kay Bernadette Sembrano na binigyan ng bagong programa.

Gusto akong tawagan ng anchorwoman ng TV Patrol at para i-deny ang aming nasulat.

Say namin kay Leah Salterio na siyang kumausap sa amin tungkol kay Karen na kung magdi-deny lang siya huwag na dahil may experience na kaming itinanggi niya ang isinulat namin noon tungkol sa batang may cancer na pinangakuan niya ng tulong thru her program Simpleng Hiling na hindi naman tinupad. Nu’ng naisulat lang namin ang tungkol sa isyu at saka lang binalikan ‘yung batang may cancer at tinupad ang pangako.

Muli naming binalikan ang aming source tungkol sa isyung nagri-request nga si Karen ng bagong show at heto ang pahayag sa amin, "Oo nga, affected talaga si Karen, paano raw nakalabas, e, sila lang ni Cito (Luisito F. Alejandro, COO and President ng ABS-CBN) ang nag-usap? Kakausapin ka nga raw and she will ask you who told you and clarify her position."

Anyway, baka kaya problemado rin ngayon si Ms. Davila ay dahil may mga sitsit na namang muling ibabalik si Korina Sanchez sa TV Patrol World?

Dito bukas ang aming espasyo tungkol sa reaksyon ni Karen if ever na babalik na nga si Korina, paano na siya? — Reggee Bonoan

vuukle comment

ALEJANDRO

BERNADETTE SEMBRANO

KAREN DAVILA

KORINA SANCHEZ

LEAH SALTERIO

LUISITO F

MS. DAVILA

PATROL WORLD

REGGEE BONOAN

SIMPLENG HILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with