Nakalaban na Pinoy nina Jed at Rizza darating ng Pinas, gagawa na rin ng album
September 12, 2005 | 12:00am
Nakatakdang dumating sa bansa ang isa pang Pinoy na nakalaban nina Jed Madela at Rizza Navales sa katatapos lamang na World Championship for the Performing Arts o WCOPA.
Si Sean Collado na tubong Pangasinan ang mga magulang ay gustung-gustong umuwi ng Pilipinas upang gumawa ng album dito. Ito ang kinumpirma ni Ms. Yda Henares head ng GMA Artists Center.
Ang WCOPA ay nilahukan ng 151 banda sa buong mundo kung saan tinanghal na overall champion ang pambato ng bansa na sina Jed at Rizza. Si Sean naman ay nagbulsa ng walong medalya, kabilang na dito ang apat na ginto, dalawang pilak, isang silver at isang distinguished award.
Ayon kay Ms. Yda, gustung-gusto umano ni Sean na umuwi ng Pilipinas at dito ipagpatuloy ang pangarap na maging singer. Baka anya sa susunod na taon ay nasa Pilipinas na ang binata. Sisiguruhin din umano niya na sa bakuran ng GMA ito mapupunta.
TONTON VILLAMOR

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended