^

PSN Showbiz

The Buzz, ayaw patulan ng GMA

-
Walang balak na idemanda ng Artists Center ng GMA-7 ang The Buzz ng Dos sa ginawa nitong pasabog noong nakaraang linggo na umano’y gumagamit ng marijuana ang ilang StarStruck stars particular na sina Rainier Castillo, Mark Herras, Dion Ignacio at Alvin Aragon.

Ayon sa head ng Artists Center na si Ms. Yda Henares, hindi na nila bibigyan ng masyadong panahon ang ginawang paninira ng The Buzz.

‘‘Hindi ko na papatulan kung anuman ang gusto nilang palabasin diyan. Viewers right now are very intelligent. They can judge for themselves na lang kung talagang nasa mukha ng mga artists namin ang nagda-drugs o ang pagiging adik. How can these kids act well if they’re into drugs?’’ ang mahinahong sagot ni Ms. Yda.

In a way, nagpapasalamat na rin si Ms. Yda dahil binigyan ng time ang naturang programa ang isyu tungkol sa mga bata. Kaya lamang daw sana’y gandahan na ang presentasyon sa susunod dahil hindi ito kapani-paniwala.

Duda rin ni Ms. Yda sa layunin ng babaeng nagpa-interview na gusto lang nitong magising sa katotohanan at maituwid ang landas ng kanilang mga talents. — Tonton Villamor

vuukle comment

ALVIN ARAGON

ARTISTS CENTER

AYON

DION IGNACIO

DUDA

MARK HERRAS

MS. YDA

MS. YDA HENARES

RAINIER CASTILLO

TONTON VILLAMOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with