Faith, nag-apologize kay Regine
September 11, 2005 | 12:00am
Masaya at panatag na ang loob ni Faith Cuneta sa pagharap sa pinakamalaking hamon sa kanyang singing career, ang pinaka-malaki niyang major concert na magaganap hindi lamang ng isang araw kundi apat na araw sa Music Museum (Sept. 15, 22, 23 at 24).
Ayos na ang gusot nila ni Regine Velasquez. Pumunta sila ni Juaquin sa SOP para mag-promote ng kanilang concert and at the same time ay imbitahan ang mga kaibigan nila sa show. Andun syempre si Regine. Nilapitan ito ni Faith sa dressing room at humingi ng dispensa sa mga gulong hindi rin niya ginusto. Inimbita niya si Regine sa kanyang concert.
Naging mapagkumbaba rin si Regine sa paghingi ng apology ni Faith. Sinabi nito na wala na sa kanya yung mga nangyari, at tungkol naman sa imbitasyion nito para manood siya ng concert nito, sinabi niyang kokunsultahin muna niya ang kanyang schedule, kapag libre siya ay walang problema.
Tama lang na maging masaya si Faith, di ba? Okay na siya bagaman at ang araw-araw na praktis ang labis na nagbibigay sa kanya ng kapaguran. "Ganun pala yun, may song rehearsal, band rehearsal, technical rehearsal, dance rehearsal at kung anu-ano pang rehearsal," sabi niyang may halong reklamo.
Dapat nga ay hindi na siya kabahan pa sa concert dahil sold out na ang dalawang gabi nito at mabilis na bumebenta ang mga natitira pang dalawang araw.
"Hindi naman ito ang nagbibigay ng kaba sa akin, kundi ang magiging performance ko," pag-amin niya.
Mahigit sa 10 ang kakantahin niya bukod pa sa mga duet numbers nila ni Juaquin. Magsasayaw din siya. Hindi man niya forte ang pagsasayaw, naniniwala siyang walang hindi makukuha sa praktis.
Pagagandahin din siya sa concert, bibihisan ni Randy Ortiz. Limang costume ang ginawa nito para sa kanya.
Sa malas, wala na siyang problema sa kanyang konsyertong One: The World Tour na handog ng South Forbes Golf City sa direksyon ni Rowell Santiago.
Musical director si Louie Ocampo. May mga special guests sila ni Juaquin, pero, lihim na lihim ito kahit sa kanilang dalawa.
Dalawang bagong mukha ang ipinakikilala sa Lisensyadong Kamao ng Violett Films na nagtatampok kay Manny Pacquiao, sina Aldrich Sevilla at ang best friend nitong si Mike Ong.
Apo si Aldrich ng producer na si Violet Sevilla. Unang pelikula niya ang Kamao pero, hindi ito ang unang paglabas niya sa screen dahil nakalabas na siya sa isang music video. Sidekick siya ni Manny sa pelikula.
Nasa ikalawang taon sa kursong social science sa Ateneo ang binata na nahilig lamang sa pag-aartista nang dumating sa kanya ang pagkakataon. Bago siya nag-shoot ay sumailalim muna siya sa isang workshop.
Pulis naman ang role ni Mike, pero, kaibigan din ni Pacquiao. Hindi rin naman siya mahilig sa pag-aartista pero naging malaking comeo sa kanya ang makasama si Pacquiao at ang dalawang seksing leading ladies ng movie na sina Juliana Palermo at Aubrey Miles. Di naman siya nahirapang umarte, at nag-enjoy siya.
Nag-aaral din si Mike, second year sa entrepreneurial management sa Center for International Education.
Malaking tulong kay Harold "Snakeman" Montano ang kanyang alagang ahas. Naging bahagi na ito ng kanyang image.
Sa kanyang partisipasyon sa Xtreme 4, ang napaka-seksing fashion musical show na prodyus ni Alma Soriano, kasamang muli niya ang kanyang 7 ft. snake, isa sa tatlong inaalagaan niya. Kasama niya itong rarampa sa Boysies Bar Malate sa Setyembre 15, 9NG, kasama ang Viva Hotmen na sina Alken Miranda at Ethan Zulueta, Paolo Serrano, Chris Sevilla, G. Pilipinas finalist, Romel Magallanes, Mr. Campus Face 2005 finalist, Hot Tsikz at si Ms. Alma Soriano. Direksyon ni Mac de Leon.
Bukod sa ahas, breeder din si Harold ng imported dogs, cats at fish. Sa pag-aalaga sa kanila napupunta ang kinikita niya. Mabuti na lamang at mayron din siyang isang bar na kumikita. Bukod sa malaking gastos niya sa pagkain ng mga ahas, pinaliliguan din niya ang mga ito, sina-shampoo, dalawang beses isang linggo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended