^

PSN Showbiz

Claudine, di makapag-trabaho dahil sa patung-patong na issue

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Consistent na ang pagla-lie ni Claudine Barretto ha. Remember ‘yung tungkol sa kanila ni Rico Yan na pinaniwala niya ang lahat na sila pa ng late Rico. Yun pala, split na sila at ‘sila’ na ni Raymart Santiago.

Ang latest, ang pagsasabi niya sa presscon ng Dubai na okey na sila ng ate niyang si Gretchen Barretto.

Wala na raw silang problema since January pa, na nagpahamak na naman sa kanya. Kasi pala, never pa silang nag-uusap ng ate niya. Ang ending tuloy, sinulatan siya ng lawyer ni Gretchen. Heard na pinahihingi siya ng public apology sa ginawa niyang pagsasabi na wala na silang problema ng ate at ni Marjorie.

Hindi naman puwedeng i-deny ni Claudine ang mga sinabi niya dahil marami-rami rin kaming nasa harap niya nang sabihin niya ang tungkol do’n. Nang tanungin nga siya kung anong participation ni Gretchen sa kasal nila Raymart next year, ang sagot niya: "Wala pa, I’ll ask her."

Kung nakinig lang sana siya kay Tita Ethel Ramos, na panay ang saway sa kanya na tumigil na sa pagsagot sa mga questions namin after the presscon of Dubai, hindi na naman sana siya napahamak. Hindi kasi siya nagpaawat. Hindi kasi siya tinantanan ni Tita Ethel sa pagsaway, pero wa epek. Hindi nagpapigil si Claudine. Sumakit pa nga ang ulo ni Tita Ethel at nanghihingi ng Solmux (ay may plugging pa rin) dahil gusto sana niyang mag-concentrate ang mga nagi-interview kay Claudine sa role niya sa Dubai.

Kaya ngayon, marami tuloy siyang dapat ipaliwanag.

At ito pa ang isang intriga.

Dahil sa patung-patong na issue na kinakaharap ni Claudine, distracted daw ito sa trabaho. Ayon sa source, hindi raw ito makapag-concentrate sa shooting dahil nga sa rami ng issue na kailangan sagutin.

In fact, may natitira pa nga raw itong shooting days sa Dubai na showing na next week.

Pero sa nasabi ring interview, nag-deny si Claudine na hindi apektado ang trabaho niya sa mga kasong kinakaharap niya. Pero nag-swear ang source ng Baby Talk na nagkaka-problema nga sa shooting si Claudine.

Kahit naman siguro sino sa rami ng iniisip, maapektuhan talaga ang trabaho.

Kasama pa siyempre ang kaso pa niya kay Ms. JoAnn Maglipon at sa anak nitong si Pat Marcelo na nagsampa ng damages after niyang mag-file ng kaso against Jo Ann.

Ang latest update sa nasabing kaso according to Ms. Jo Ann: "Got Claudine’s counter affidavit. She’s recruited Jobert Sucaldito. The guy issued affidavit saying that everything he wrote in Bandera was not Claudine’s words but his. That he was quoting from memory. That he may have gotten some things wrong. That he exercised ‘literary license’ and used ‘flowery language’ standard in "tabloids to attract readers." He’s lying, of course. He’s also inventing ‘license’ not allowed in any journalism school. And making all of us reporters looks bad. Whatever his motives, I don’t think he fully understands what he’s got himself into. He’s been recruited to heat off Claudine.

"Does he know Claudine has then put him indirectly in harm’s way? I never wanted to drag his name in this. I take responsibility for the libelous quotes focused on Claudine. But now it’s out of my hands. My lawyers decided yesterday to take legal action against Jobert. Still, case against Claudine proceeds. Sayang si Jobert. Di niya iginalang ang 23 taong tinawag niyang WRITER ang sarili."

Looks like malayo pa ang tatakbuhin ng kasong ito dahil lalong naging kumplikado.
* * *
Unfaithful daw ang asawa ng isang celebrity. Yes folks as in habang abala ang asawa para kumita ng malaking pera para sa bayan at pamilya, hayun naman daw si misis, rumarampa at nakikipag-tsikahan sa ibang lalaki.

Witness ang isang friend ko sa pagkukuwento ng tungkol sa sideline ng misis na ito.

Well, saka na nating bigyan ng clue. Baka ‘di maka-concentrate ang celebrity sa trabaho.
* * *
Ramdam ni Jolina Magdangal na nag-mature na siya. As in kung noon siya ang nagpapakilig, ngayon siya na ang nag-advice sa mga bagets - Starstruck 1 & 2 na kasama niya sa pelikulang, Lovestuck. Kung sabagay, 28 years old na si Jolina at panahon na rin para mag-change siya ng imagine.

Pero hindi pa rin naman nawawala ang pagiging youth model niya dahil wholesome talaga ang image niya.

In Lovestruck, love guru ang role ni Jolina.

In real life ba, puwede na siyang love guru? "Siguro sa mga bagets lang. Pero hindi naman siguro puwedeng ‘yung mga naghiwalay na mag-asawa. Wala pa akong experience do’n," say ni Jolens in an interview.

Anyway, sa Sept. 14 na ang showing ng Lovestruck in Metro Manila theaters.
* * *
Hanggang kailan ipagtatanggol ni Ara Mina ang kapatid niyang si Cristine Reyes sa mga tsismis lalo na at si Cristine ang itinuturong dahilan sa hiwalayan nila Janno Gibbs at Bing Loyzaga? May pag-asa pa din kayang umibig sa Ara lalo na ngayon sa isang lalaking mas bata sa kanya na si Polo Ravales?

Sa pag-uwi ni Eddie Gutierrez sa Pilipinas, tuluyan na bang maaayos ang pagsasama nila ni Annabelle Rama?

Magkapatawaran na kaya ang mga Viva Hotbabes na sina Kristine Jaca, Jen Rosendahl and Maui Taylor?

Tumatakbo nga ba si Cogie Domingo sa responsibilidad niya sa anak daw niya? Iba’t-ibang kuwento ng pagmamahal, pagkakagalit at pagkakabati ang mapapanood ngayong gabi sa Showbiz Stripped ng GMA 7 hosted by Ricky Lo and Melanie Marquez.

vuukle comment

CLAUDINE

DUBAI

NIYA

PERO

SIYA

TITA ETHEL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with