GMA ang nagsabing magpa-nose lift si Jonalyn!
September 6, 2005 | 12:00am
Sa dami ng mga nagsulputang singer at sobrang higpit ng kumpetisyon, hindi lang basta magagaling at magagandang boses ang hinahanap ngayon. Kailangang may angking ganda rin ang kumakanta. Kaya karamihan sa mga singers ay nagbabagong bihis.
Kahit dumaan pa sila sa proseso ng siyensya.
Katulad ni Jonalyn Viray, ang champion ng Pinoy Pop Superstar, mismo ang GMA-7 management ang nagsabi sa kanya na ipaayos ang kanyang ilong. Pinatangos lang niya ito ng konti kay Dr. Vicki Belo nung isang buwan.
Masaya si Jonalyn sa resulta ng kanyang operasyon. Naging confident daw siya sa pagharap sa tao. Wala ring masamang effect ang nose lift niya sa kanyang singing voice.
Sabagay matagal na itong ginawa ng maraming singer tulad nina Regine Velasquez at Janno Gibbs na di nabawasan ang galing sa pagkanta kahit nagparetoke sila ng ilong.
"Sa akin naman po kasi maganda ang resulta. Basta ba willing silang harapin yung consequence. Saka trend na rin po ngayon ang nagpaparetoke, para lalong ma-enhance ang beauty natin," paliwanag ni Jonalyn.
Hindi lang ang magandang retoke ng ilong ang bumagay kay Jonalyn, pati rin ang kanta sa kanyang album na may titulong "On My Own Jonalyn" na naglalaman ng mga kantang "Close To Where You Are," "Di Na Mag-iisa," "If We Just Hold On," "Kung Di Mo Na Mahal," "Ikaw Lang Sa Akin," "Hold Me Now," "It Might Be You," "Get Here," "Run To You" at "Miracle" na release ng GMA Records.
Ang isa pang singer na malaki ang ipinagbago ay si Sheryn Regis. Marami ang nakapansin sa magandang improvement ni Sheryn. Hindi lang ng kanyang looks kundi maging ang kanyang boses, kaya siya binigyan ng bagong titulo na "Crystal Voice".
Maganda ang aura ni Sheryn ngayon na akala tuloy ng iba ay may nabago rin sa mukha niya.
"Wala po, siguro reflection lang ito ng pagiging masaya at kontento ko sa buhay," sabi ni Sheryn.
"Kailangan rin naman po talagang akong magbago. As I observed sa ibang singers, marami akong natutunan sa kanila na nakabuti rin sa akin," kwento ni Sheryn.
Maraming negative feedback kay Sheryn dati, tulad ng parang bakla at kikay ang projection niya kapag nagpi-perform siya. Nakaka-distract din yung galaw ng mga kamay niya kapag kumakanta siya. Marami rin ang nayabangan sa kanya noon.
Dalawang taon palang si Sheryn sa kanyang singing career, pero mabuti naman na habang hindi pa lumalaki ang ulo niya ay natuto agad siya, at tinanggap ang lahat as constructive criticism sa kanyang part.
"Natutuhan ko rin kasi na hindi lang ako ang marunong kumanta. Besides gusto kong mag-stay sa aking career hanggang maputi na ang buhok ko. Masarap yung feeling na nasisiyahan yung tao sa iyo, magaan sa loob di ba?" nakangiting sabi ni Sheryn.
Kasama sa pagbabago ni Sheryn ang tipo ng mga kanta sa kanyang album na may pamagat na "Sheryn Regis What I Do Best", kung dati ay puro pambirit, ngayon ay mga mellow at love songs. Tulad ng "Sa Piling Mo," "I Dont Want You To Go," "Now That I Have You" duet with Erik Santos), "Hindi Ko Kayang Iwan Ka," "Sabihin Mo Sa Akin" (Kampanerang Kuba ), "When You Tell Me That You Love Me," "Dahil Nagmamahal," "If Ever I See You Again" at "Try It On My Own" na release ng Star Records.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended